Friday, October 31, 2008

FIRE EXIT?


San ka dadaan? sa Pader?


Salamat Karlo sa larawang ito!

FLUSH o FLASH?


Pag pinindot mo yan magiging Super Hero ka!
Salamat ulet Nikko Duterte :)

Paburger ka naman!


Mapapa-HUM ka sa sarap!
Salamat Nikdudu sa larawan mula sa Vietnam.

Ang Refrigerator


Haha! Sa mga papasok sa loob ng ref make sure to
"ALWAYS CLOSE THE DOOR"
Thanks!

Wednesday, October 29, 2008

SM North Edsa - Annex Magbubukas na!


Nakatakda nang magbukas ang SM CITY ANNEX (North Edsa) sa Nobyembre, ito ay ayon sa smprime.com


Matatandaang giniba ang Annex early this year para irenovate, bahagi ng redevelopment plan ng buong branch kabilang na ang Main Mall at ang facade ng kabubukas lamang noong 2006 na THE BLOCK.

Sinasabing ang CYBERZONE at ang 4th and 5th Floor Virtuals Worlds ng Annex ang magiging kaabang-abang sa pagbubukas ng naturang Mall.


Monday, October 27, 2008

Manloloko ka!

Naispatan ko mga isang buwan na mahigit sa isang mall sa Makati ang
isang matinding ka-cheapan. 2 Babae ang nag-aaway dahil sa isang lalaki.



Sa ikalawang palapag ito ng Mall. Nagkalat ang gamit nila sa sahig
dahil naghahampasan sila ng mga bag nila.
At yung lalaki naman....Ang GWAPO mo tsong!

Moral of the Story: Huwag magpunta sa Mall with your 'Number 2."


Have a Nice Week Ahead!

Friday, October 24, 2008

Sensitive?


Pormal na daw na humingi ng paumanhin ang
The British Broadcasting Co. (BBC) sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang
liham makaraang gawin nitong kakatuwa ang isa Filipina Maid sa show
na Harry and Paul.

Okay, apology accepted.
Pero para sa mga kapwa ko Pinoy - Dapat pa bang pansinin ang mga
ganitong isyu? Mas lalo pa tuloy pinapanuod dahil sa pamumuna natin.

Sa susunod dapat masanay na tayo sa mga ganitong bagay at
wag masyadong maglinis-linisan.

Thursday, October 23, 2008

International CAPSLOCK Day


Alam nyo ba na kahapon, October 22 ay ipinagdiwang ng buong mundo ang
INTERNATIONAL CAPSLOCK DAY!
Inimbento ito ng mga Greeting Card Companies para punan ang pagitan
ng Trafalgar Day at ng Mole Day sa Estados Unidos.
Pindutin ang CAPSLOCK KEY at makiisa sa pagdiriwang!
HAPPY CAPSLOCK DAY!

Wednesday, October 22, 2008

Gaya-gaya!

Sa kasalukuyan patok na patok si Tina Fey (Kanan) sa
Estados Unidos sa kanyang kakatuwang pag-gaya sa Vice Presidential
Candidate na si Sarah Palin (Kaliwa) sa Saturday Night Live!
Hindi naman matatawaran ang talent ni Ate Glow
Bilang GMA.


Ang Saya-Saya noh?!
Pictures from: Metro.co.ca; i-have-a-new-sit.tabulas.com

Gusto mo ng Burger?

Sali na sa
Be my 22,222nd reader at manalo ng CHEESEBURGER MEAL
sa kahit na anong fastfood choice mo, syempre kasama ako.
Madali lang ang pagsali!
Kung ikaw ang 22222 viewer, iprint screen lang ang page counter
sa gawing kanan ng iyong monitor at ipadala sa
Ang unang makapagpapadala ng email ang mananalo.
NO PHOTOSHOP HA! Kung madaya ka sa SCOTT BURGER lang tayo bibili.

Itodo na ang pagbabasa ng Blog ng Bayan para magkalaman ang tiyan!
LIBRE DIN YUN!

Tuesday, October 21, 2008

Paalaala mula sa Management

Yung mga Dileber daw ha.
Klaro?!

We Remember


We remember the people who perished in the 1997 Glorietta Explosion.
May you Rest in Peace

Monday, October 20, 2008

Rihanna and Chris Brown Magtatanghal sa Manila!


GLOBE brings the Hottest RnB Couple on Earth to Manila!

Lumang Balita na ito, pero atleast may picture ako ng concert.
Gusto ko manuod nito. Calling all possible sponsors.

My Taxi


Yes, I have my own taxi.
Thanks Katie for the picture. I miss you. aww!

Pulpy Orange nasa Bote na!


Ang kinababaliwan kong Juice drink nasa returnable bottles na!
Kung dati eh sa grocery at 711 ka lang nakakabili nito ngayon meron na sa suking sari-sari stores.

P10.00 lang kada bote kaya abot-kaya!
Parang paid-blog naman to. haha!

try nyo! mapapa-shake shake shake kayo!

Saturday, October 18, 2008

Clear Joke

I present to you the latest joke from UNILEVER: It is the KAPUSO’s version of the CLEAR Commercial. 

I don’t have anything against them pero parang Bubble Gang lang ang gumawa. Sinali pa si Katrina Halili. Haha!

Wala nang Locomotion :(

Hindi na gaanong Kay Ganda ng mga Umaga ngayong wala na ang Locomotion sa Umagang Kay Showbiz.  

Ito ay makaraang tuluyan nang nawala sa ere ang Showbiz segment ng naturang Morning Show. Sayang at nawala ang isa sa mga bentahe ng UKG laban sa Unang Hirit.

Let's do the Locomotion!

Si Little Amy at si Ellen Degeneres

Still too early to tell, pero tila yata ang Little Dreamer at Runner-up na si Amy Libot ang susunod sa yakap ng YouTube sensation na si Charice (Charice Pempengco).

Ito ay matapos daw maimbitihan ang small-but-terrible na biriterang ito sa pamosong show na "Ellen" ng sikat na si Ellen Degeneres.

Matatandaang naimbitahan sa naturang palabas si Charice bago pa man ito sumikat ng husto sa larangan ng musika. Tumatak sa lahat ang "What's Love Got to do with It" performance ni Amy sa PDA.

Monday, October 13, 2008

NOTE

I TOLD YOU!

I WILL BE BACK.