Tuesday, June 23, 2009

Techie Lola!

Magugulat ka ba pang narinig mo ang lola mong
nagsabi nang salitang:
YOUTUBE
FACEBOOK
SUPERPOKE
POKEBACK
PICS
P'wes narito ang latest TVC ng BayanDSL: tampok ang
isang hi-tech na lola!
Ang eksena: Si Lola kausap ata ang apo niya,
nagrereklamo dahil hindi ata siya pinapansin.
Ang nakakaalis sa patalastas na ito ay ang
di karaniwang eksena na makita ang mga nakakatandang
binibigkas ang mga salitang tila yata bagay lang
sa mga bata.

Panoorin ang buong TVC dito:




Thursday, June 18, 2009

Bituing Walang Ningning

Maaaring habangbuhay nang nakamarka sa mukha ng
18 anyos na si Kimberley Vlaeminck mula sa Belgium
ang mga Bituing ito.


Ito ay makaraang aksidenteng magkamali ang isang
tattoo artist at mailagay ang 56 stars sa kanyang
mukha. 3 lang sana ang gusto ni Kimberley.
Ayon sa dalaga, nakatulog siya habang siya ay
nilalagyan ng estrella sa mukha.

Tuesday, June 16, 2009

Higanteng Pantalon

Sa gitna ng banta ng lumalaganap na sakit
na A(H1N1) sa buong mundo, sinubukang
makapagtala muli ng MEXICO na panibagong record.
ANG PINAKAMALAKING
PANTALONG MAONG

Umabot ng 60 metro, nakasampay
ang ga-higanteng pantalong ito
sa isang kalye sa
Almoloya del Rio, Mexico.

Tuesday, June 9, 2009

Goodbye Raul!

Tapos na ang maliligayang araw ni Raul Gonzales.
Ang opisyal na
"TAGATALAK NG MALAKANYANG"

Matapos ipahayag sa publiko na sisibakin na siya sa
puwesto bilang kalihim ng DEPARTMENT OF JUSTICE.

Ani Gonzalez, hindi pa siya siguro kung kaniyang
tatanggapin ang bagong pwestong alok sa kaniya
ng Palasyo bilang LEGAL COUNSEL dahil kinakailangan
daw niyang ipagamot ang kaniyang anak sa LOURDES, FRANCE.

Balita ring tatakbo si Gonzalez bilang Alkalde ng Iloilo City sa
susunod na taon.

GOODBYE SECRETARY GONZALEZ!
HAHAHA!

Wednesday, June 3, 2009

The Inmates are Back! Jai Ho!

Nagbabalik ang pamosong Cebu Inmates!
Matapos sumikat sa kanilang Dance Version ng Thriller atbpa,
Ang sikat na awiting Jai Ho (You are my Destiny)
naman ang sinayaw ng mga bilanggo.
Hango mula sa eksena ng award-winning film na
SLUMDOG MILLIONAIRE, sinubukan nilang
gayahin ang mga dance moves maging ang mga
aktor at aktres ng pelikula.

May gumanap bilang Jamal (lalaki) at Latika (babae)
na pawang mga lalaking inmates.

Ang Jai Ho performance ay bahagi ng kanilang
buwanang pagtatanghal.


Mapapanood ang kabuuan ng video dito:




Special Thanks to byronfgarcia

Monday, June 1, 2009

Libre Lang!

Kung Mahal ang Tubig,
Libre naman ang Pagmamahal.

Salamat sa Pinsan ni AMP Prepaid na si Marie
para sa larawang ito mula pa sa Athens, Greece.