Tuesday, December 23, 2008

Twilight Pinoy Version

Magbubunyi kaya ang mga Twilight fans kapag nalaman
nilang tila yata may nilulutong Pinoy Version ng
'TWILIGHT'?
Bali-balitang sina Rayver Cruz at Shaina Magdayao
ang gaganap sa lead roles ng naturang palabas
na pinamagatan daw na 'TAKIPSILIM'
Ang pelikulang Twilight ay base sa isang sikat na nobelang
likha ni Stephenie Meyer.
Kinalokohan kamakailan ng mga fans ang pagsasapelikula
ng naturang aklat.

Maligayang Pasko sa Inyong Lahat!



Maligayang Pasko!

Ang Station ID, Bow.

Taon-taon tuwing magpapasko ay inaabangan ng mga die-hard
Kapuso at Kapamilya fans ang ipinagmamalaking Station ID
ng kanilang mga paboritong Istasyon.
Ngayong taon, isang kontrobersiya ang kumalat sa internet.

Matagal nang kumakalat sa internet ang'viral' video sa umano'y
pag-kopya ng Kapamilya sa Opening billboard ng Popstar Kids ng QTV 11.



Ilang mga eksena ang tila nga hawig sa isa't isa.



Masusing pinagtagpi-tagpi ng gumawa ng video ang mga piling

eksena.



Panoorin ang kabuuan ng video dito -

http://www.youtube.com/watch?v=BiafH14vaOU


KAYO NA ANG HUMUSGA!

Sunday, December 21, 2008

The Wart Man Chronicles

Makailang beses nang naitampok dito ang kalunos-lunos na
kalagayan ni Dede ng Indonesia o ang tinaguriang Wart Man
dahil sa kanyang mga Kulugo sa katawan.
Nitong Agosto ay matagumpay na nairaos ang operasyon
kay Dede.
Ngunit nitong Ika-19 ng Disyembre lamang
ay muli siyang nangamba dahil sa panunumbalik ng mga warts
niya sa katawan.
Pinangangambahang muling sasailalim sa operasyon
si Dede upang maagapan ang muling pagkalat ng
mga kulugo sa kanyang katawan.

Thursday, December 18, 2008

Basahan ang Noche Buena nila.

Balat ng Baka na kinatay anim na taon na ang nakakaraan
ang ginagawang pagkain ng mga tao sa Zimbabwe.

Ayon sa Metro.co.uk, orihinal na ginagamit bilang basahan ng mga
residente ng naturang bansa ang mga balat ng baka.
Matatandaang sa bansang Haiti naman kamakailan ay nauso ang pagkain ng
MUD COOKIES - o mga tinapay na gawa sa putik.


Dahil sa hirap ng buhay at kagutuman nagiging mapamaraan
na ang mga Africans upang maibsan ang kalam ng kanilang mga sikmura.

Monday, December 15, 2008

Bush, Magaling Umilag!

Mahusay palang umilag itong si outgoing US President
George W. Bush!
Ito ay makaraang batuhin si Bush ng sapatos, not once, but twice
ng isang di kilalang Iraqi Journalist.

Kitang Kita naman na agad na umilag si Bush upang iwasan
ang flying sapatos. Habang akma namang sinalo ng katabing Prime Minister
ang paparating pang Shoe#2.


Maaari bang marentahan ang reporter na yan,
papadala ko lang sa Malakanyang.

Friday, December 12, 2008

Obama Nag-State Visit sa RP!?

Kamukha diba?





Kung sino ka man, magpakilala ka sa akin!
Salamat Char / Ady sa larawan.

For Sale!

Sino ang gustong bumili nito?
Island for SALE?!
Salamat Macy Coquia para sa larawan!

Sunday, December 7, 2008

Marky Cielo, 20

Starstruck Batch 3 Ultimate Survivor Marky Cielo
died at dawn today (according to PEP.ph), December 7, 2008.
Si Marky ay 20 Years Old.
Hinihinalang Acute Hemorrhagic Pancreatitis o
 Mala-bangungot ang ikinamatay ng Batang Aktor.
Ngunit ayon sa ibang mga ulat: Gabi bago matagpuang
patay si Marky ay may kausap ito sa kanyang celphone at umiiyak
sa labas ng isang Internet Cafe sa Tomas Morato, QC
.
Larawan mula sa www.igorotblogger.com

Friday, December 5, 2008

You and Me Against the World!

Makikita nang magkasama muli sa telebisyon si
Ms. Gretchen Barretto at Mr. Gabby Concepcion!

Panoorin kung magwawagi si Gabby
sa Pinak-Glamorous na Gameshow
sa Philippine Television ang
- You and Me Against the World

Mapapanood ito tuwing Linggo, 7-8PM sa TV5.

Sunday, November 30, 2008

Sino ang Magwawagi?

Sino ang pinakamagiting?

Ang Pambansang Kamao?



 o si Oscar Dela Hoya?
Aabangan natin yan!

Friday, November 21, 2008

Jinky Oda is back!

Nagbabalik eksena si Bale a.k.a Jinky Oda na sumikat sa Sitcom noon na Okay Ka Fairy ko.

Kilala si Jinky bilang isang maitim na babae na naging susi sa kanyang tinamong kasikatan.


Ngunit nagulat ang lahat dahil iba na ang anyo ni Ms. Jinky Oda.




Dyaran! Maputi na siya...at may billboard pa!


Glutamax, Mabibili sa inyong suking tindahan.

Friday, November 14, 2008

Nasa'n na si Ate Sienna?

Naalaala nyo pa ba si Ate Sienna?



Bahagi siya ng pagkabata ng marahil ilan sa atin, dahil isa si Ate Sienna sa mga kasama natin sa palabas na BATIBOT.



Kamakailan lamang ay nagkaroon ako ng pagkakataong makilala siya ...


Saturday, November 8, 2008

BF WINS Celebrity Duets. Yun lang.



Tinanghal na Winner ng Celebrity Duets Winner si MMDA Chairman Bayani Fernando. Nakalaban sa finals ni BF si Dating Paranaque Mayor Joey Marquez.

Inaasahan na daw ng madami ang pagkapanalo ng BF sa singing show na ito ng GMA7 na sila-sila lang ata ang nanonood.

Ang sa akin lang - nagsasayang lang sila ng kuryente at nagpapalapad lang sila ng papel.

At habang naghahanap ako ng picture ni Bayani sa net, nakita ko ang mga blog na ito -
http://bayanifernandoforpresident.blogspot.com
http://bayanifernando4president.wordpress.com/ - (anti-BF) :)

Kilabutan ka Bayani Fernando. Pweh!

Friday, November 7, 2008

Ang Alamat ng Bansag na Hipon

Aba, magalit ka pag sinabing "HIPON" ka!
Ibig sabihin no'n ay maganda ang katawan mo
pero pangit naman ang mukha mo!

Nalaman ko na ang pinagmulan ng bansag na iyon!
Pinakikilala ko ang HIPON na nag-te-treadmill! Akalain nyo yun.



Ang video daw na ito ay kinunan bilang bahagi ng
isang eksperimento upang malaman kung hanggang saan
ang kayang gawin ng isang Hipon para makakain.

Watch the Video HERE!

Wednesday, November 5, 2008

GoBama!


Go Barack!
Ikaw na lang sana ang presidente namin.

Tuesday, November 4, 2008

Caption This


"Sir, Kung sa amin ka tumakbo tiyak mananalo ka.

I will help you."

Monday, November 3, 2008

Only Belo Touches My Skin...


Tampok sa bagong mukha ng Belo Medical Group Website ang mga hubad na larawan nina Doc Hayden Kho at ang aktres na si Katrina Halili.

Layunin ng Belo Body Atlas ang pagiging interactive ng iyong make-over at browsing experience sa kanilang website.

Bumisita lang sa http://www.belomed.com/ para makita ang bagong anyo ng belomed.com.

P.S. Close kami ni Doc Hayden:

Friday, October 31, 2008

FIRE EXIT?


San ka dadaan? sa Pader?


Salamat Karlo sa larawang ito!

FLUSH o FLASH?


Pag pinindot mo yan magiging Super Hero ka!
Salamat ulet Nikko Duterte :)

Paburger ka naman!


Mapapa-HUM ka sa sarap!
Salamat Nikdudu sa larawan mula sa Vietnam.

Ang Refrigerator


Haha! Sa mga papasok sa loob ng ref make sure to
"ALWAYS CLOSE THE DOOR"
Thanks!

Wednesday, October 29, 2008

SM North Edsa - Annex Magbubukas na!


Nakatakda nang magbukas ang SM CITY ANNEX (North Edsa) sa Nobyembre, ito ay ayon sa smprime.com


Matatandaang giniba ang Annex early this year para irenovate, bahagi ng redevelopment plan ng buong branch kabilang na ang Main Mall at ang facade ng kabubukas lamang noong 2006 na THE BLOCK.

Sinasabing ang CYBERZONE at ang 4th and 5th Floor Virtuals Worlds ng Annex ang magiging kaabang-abang sa pagbubukas ng naturang Mall.


Monday, October 27, 2008

Manloloko ka!

Naispatan ko mga isang buwan na mahigit sa isang mall sa Makati ang
isang matinding ka-cheapan. 2 Babae ang nag-aaway dahil sa isang lalaki.



Sa ikalawang palapag ito ng Mall. Nagkalat ang gamit nila sa sahig
dahil naghahampasan sila ng mga bag nila.
At yung lalaki naman....Ang GWAPO mo tsong!

Moral of the Story: Huwag magpunta sa Mall with your 'Number 2."


Have a Nice Week Ahead!

Friday, October 24, 2008

Sensitive?


Pormal na daw na humingi ng paumanhin ang
The British Broadcasting Co. (BBC) sa Pilipinas sa pamamagitan ng isang
liham makaraang gawin nitong kakatuwa ang isa Filipina Maid sa show
na Harry and Paul.

Okay, apology accepted.
Pero para sa mga kapwa ko Pinoy - Dapat pa bang pansinin ang mga
ganitong isyu? Mas lalo pa tuloy pinapanuod dahil sa pamumuna natin.

Sa susunod dapat masanay na tayo sa mga ganitong bagay at
wag masyadong maglinis-linisan.

Thursday, October 23, 2008

International CAPSLOCK Day


Alam nyo ba na kahapon, October 22 ay ipinagdiwang ng buong mundo ang
INTERNATIONAL CAPSLOCK DAY!
Inimbento ito ng mga Greeting Card Companies para punan ang pagitan
ng Trafalgar Day at ng Mole Day sa Estados Unidos.
Pindutin ang CAPSLOCK KEY at makiisa sa pagdiriwang!
HAPPY CAPSLOCK DAY!

Wednesday, October 22, 2008

Gaya-gaya!

Sa kasalukuyan patok na patok si Tina Fey (Kanan) sa
Estados Unidos sa kanyang kakatuwang pag-gaya sa Vice Presidential
Candidate na si Sarah Palin (Kaliwa) sa Saturday Night Live!
Hindi naman matatawaran ang talent ni Ate Glow
Bilang GMA.


Ang Saya-Saya noh?!
Pictures from: Metro.co.ca; i-have-a-new-sit.tabulas.com

Gusto mo ng Burger?

Sali na sa
Be my 22,222nd reader at manalo ng CHEESEBURGER MEAL
sa kahit na anong fastfood choice mo, syempre kasama ako.
Madali lang ang pagsali!
Kung ikaw ang 22222 viewer, iprint screen lang ang page counter
sa gawing kanan ng iyong monitor at ipadala sa
Ang unang makapagpapadala ng email ang mananalo.
NO PHOTOSHOP HA! Kung madaya ka sa SCOTT BURGER lang tayo bibili.

Itodo na ang pagbabasa ng Blog ng Bayan para magkalaman ang tiyan!
LIBRE DIN YUN!

Tuesday, October 21, 2008

Paalaala mula sa Management

Yung mga Dileber daw ha.
Klaro?!

We Remember


We remember the people who perished in the 1997 Glorietta Explosion.
May you Rest in Peace

Monday, October 20, 2008

Rihanna and Chris Brown Magtatanghal sa Manila!


GLOBE brings the Hottest RnB Couple on Earth to Manila!

Lumang Balita na ito, pero atleast may picture ako ng concert.
Gusto ko manuod nito. Calling all possible sponsors.

My Taxi


Yes, I have my own taxi.
Thanks Katie for the picture. I miss you. aww!

Pulpy Orange nasa Bote na!


Ang kinababaliwan kong Juice drink nasa returnable bottles na!
Kung dati eh sa grocery at 711 ka lang nakakabili nito ngayon meron na sa suking sari-sari stores.

P10.00 lang kada bote kaya abot-kaya!
Parang paid-blog naman to. haha!

try nyo! mapapa-shake shake shake kayo!