Thursday, March 31, 2011

Kapatid na si Aga Muhlach!



Pormal nang lumagda ng kontrata sa Kapatid Channel ang 'Forever Heartthrob' na si Mr. Aga Muhlach.


Present sa contract signing si Mr. Ray Espinosa (Pres and CEO,TV5) Mr. Bobby Barreiro (SVP and COO,TV5) manager ni Aga na si Ms. Ethel Ramos at abugado.


Isang mainit na pagsalubong naman ang inihanda ng Happy Network at ng Entertainment Press sa dating 'Bagets' Star sa isang Press Conference sa Quezon City.


Dito inamin ni Aga ang pag-iyak ni Charo Santos Concio ng ABSCBN makaraang ibalita niya na siya ang mangingibang-bakod na.


Masaya rin niyang ibinalita na maaari din siyang lumabas sa STUDIO 5, Ang film outfit ng TV5.

Isang 3-year non-exclusive contract ang pinirmahan ni Aga at ibinalita nitong sa isang MALAKI at INTERACTIVE FRANCHISED REALITY show una siyang mapapanood.


Panoorin ang buong detalye sa paglipat ni Mr. Aga Muhlach sa Juicy (Gabi-Gabi) at Paparazzi (Sunday) sa TV5!

Wednesday, March 30, 2011

Ako ay may alaga, 140 asong mataba!

Full time job para kay Li Zongwen, dating chef ang pag-aalaga
sa not 1 but 140 na aso sa kanyang tahanan sa China.

Pawang mga na-rescue ni Mr. Li ang mga aso at kinukupkop
upang mapakain at maalagaaan.


Umaabot sa halos 5000 yuan o humigit kumulang 20,000 kada
buwan ang ginagasta ni Li para sa pagkain at tirahan ng mga alaga.


Kasa-kasama na ng dating chef ang mga alagang aso simula
pa taong 2009.

Monday, March 21, 2011

Turn OFF your lights on March 26

Makiisa sa pandaigdigang kagananapang ito.

At 8:30 PM on Saturday 26th March 2011,

lights will switch off around the globe for Earth Hour

and people will commit to actions that go beyond

the hour.



With Earth Hour almost upon us, our thoughts are

with the people of Japan during this incredibly challenging

and sad time for their country.



Nakiki-isa ang TV5 sa pagdiriwang ng Earth Hour 2011.

Friday, March 18, 2011

Something's brewing in Mandaue City!

Another Starbucks branch is opening soon
in the 'Queen City of the South'

I read this teaser from Starbucks' Philippines
Official Facebook Page.


Address is Oakridge Business Park,
Oak Tree Drive Space, Mandaue City, Cebu.

Si Justin at si 'Justin'

Not one but two 'Justin Biebers' ang nakita ng lahat nitong
martes sa Inglatera makaraang magtungo ang Pop Sensation
na si Justin Bieber sa Madame Tussauds museum.

Ang replica ng sikat na artista na nakasuot ng red and black
checked shirt and black jeans ay isa lamang sa tatlong
Wax figures ni Bieber. - Ang dalawa ay nasa Amsterdam
at New York.


Special request ni Justin na maitabi ang kanyang waxwork
kay U.S. rapper Tupac Shakur

Picture courtesy of: http://ca.reuters.com

Mga Nagbabagang Bulaklak OST - 'Init sa Magdamag"

Narito ang "Init sa Magdamag" ang themesong
ng bagong Dramaserye ng TV5 na
'Mga Nagbabagang Bulaklak'.

Ito ay inawit ng mga Viva Artists na sina Marvin Ong
at Maffy Soler para lamang sa natatanging
proyektong ito ng 'Happy Network'.


Circa 1980's nang pinasikat ni Sharon Cuneta ang awit
na ito ka-duet si Nonoy Zuniga.

Naging titulo din ito ng pelikula sa parehong dekada
na pinagbidahan naman ni Lorna Tolentino.

Wednesday, March 16, 2011

Sino ang bumaril kay George Wong?

Sino sa palagay mo ang totoong bumaril kay George Wong?
Hula na for a chance to win P5,000 up to P50,000 cash!


Para makasali kailangan lang magtext ng BH REG COMPLETE NAME/COMPLETE ADDRESS/AGE to 2929. Registration is free.

Ang mga suspects ay sina William (A), Katarina (B), Margaret (C), Charles (D), and Helena (E).

Para humula, kinakailangang magtext ng BH LETTER OF CHOICE to 2929. P2.50 per text.

This promo is open to all Smart, Talk 'N Text, and Globe subscribers and will run from March 11, 2011 at 9:00pm to March 18, 2011 at 11:59 pm.

TV5 Partners with WWF for 2011 Earth Hour

TV5 recently inked a deal with World Wide Fund for Nature to be the media partner for the 2011 Earth Hour, a global event happening on March 26 from 8:30pm to 9:30pm. TV5 also agrees be a partner in raising environmental awareness among the viewing public as WWF runs its Earth Hour 60+ campaign. Shown in the photo are (L-R) WWF VP for Marketing Reggie Olalia, TV5 President and CEO Atty. Ray C. Espinosa, WWF Vice Chairman and CEO Jose Ma. Lorenzo Tan and TV5 Executive Vice President and COO Roberto V. Barreiro.

Nagbabagang Dramaserye

Magliliyab na ang gabi ng lahat simula March 21, dahil
maguumpisa na ang pinakamapangahas ng Dramaserye
sa balat ng telebisyon, ang - Mga Nagbabagang Bulaklak
ng TV5.


Tampok ang pinakamahusay at pinakabagong mukha sa
industriya na sina Arci Munoz, Ritz Azul, Valerie Concepcion,
Carla Humphries, Sheryl Cruz, Ms. Ruffa Gutierrez.





Kasama din ang pinamagigiting na leading men na
kani-kanilang henerasyon na sina Mr. Richard Gomez,
Philip Salvador, Jay Aquitania,
Victor Basa, James Blanco at Star Factor's Gabo.


Sa ginanap na Grand Press Launch ng
Mga Nagbabagang Bulaklak sa San Juan City na may temang
"Awards Night", pinakilala sa entertainment press ang bumubuo
sa ikalawang pasabog ng Happy Network.


Inawit din ang "Init sa Magdamag" - ang themesong ng MNB,
Samantala, sinagot din nila ang mga intrigang ibinato sa kanila
ng mga guests noong gabi.


Mapapanood ang "Mga Nagbabagang Bulaklak" simula sa
lunes, March 21 pagkatapos ng "Babaeng Hampaslupa"

Watch the trailer plug here:

Kamandag ng Boobs

Isang sikat na Sexy Star mula sa Israel ang nakapagpatumba
sa isang makamandag na ahas, ito ay makaraang matuklaw ang
kanyang dibdib.


Una'y animo'y nakikipaglaro lamang si Orit Fox sa
ahas nang biglang tinuklaw nito ang kanyang malusog
na hinaharap.

Agad namang isinugod si Fox sa ospital para sa paunang
lunas at pinalad na nakaligtas. Sa kasamaang palad naman
ay binawian ng buhay ang pobreng ahas.


Panoorin ang video clip dito.


Monday, March 14, 2011

Kapatid Wendell Ramos joins Hapi-er Together on TV5

Simula ngayong linggo ay mapapanood na sa
Kapatid Network ang hunk actor na si Wendell Ramos.

Kabilang na ang kakalipat lamang na si Wendell
sa kwelang sitcom na "Hapi-er Together"

Kasama sa naturang palabas sina Joey Marquez, Long
Mejia, Leo Martinez, Carla Humphries at marami pang iba.


Ang 'Hapi-er Together'ay mapapanood tuwing
Martes ng gabi sa TV5.

(Photo from BENCH.tm)

Sizzling Solenn Heusaff for Penshoppe


Filipino-French Model turned Actress Solenn Heussaff
sizzles in the next PENSHOPPE SUMMER 2011 campaign.

Philippines' Ultimate Talentadong 2011

Isang tricycle driver mula sa Binan, Laguna na may
angking husay sa sining ang itinanghal na bagong
ULTIMATE TALENTADO of 2011 ng
Talentadong Pinoy.

Nanaig si Joseph Erwin Valerio sa libong-libong
nangarap na tanghaling grand winner sa nangungunang
Talent Show ng TV5.


Ginanap ang Battle of the Champions nitong March12-13
sa Ynares Center sa Antipolo na dinaluhan naman ng
laksa-laksang taga-hanga hindi lang ng mga "Champions"
kundi maging ng mga Talent Scouts at Artistang present
sa magkasunod na Performance Night at Result Night.

Napahangan ni Joseph ang mga talent scouts at text
voters sa kakaiba nitong galing sa pag-gawa ng sining
mula sa buhangin.

Nanalo si Joseph ng 1 Million Cash, Bagong Kotse, Scholarship,
slot sa WCOPA. Ito na ang pangalawang battle of the champions ng
Talentadong Pinoy hosted by Ryan Agoncillo.


Mapapanood ang Talentadong Pinoy tuwing Sabado
at Linggo ng gabi sa TV5.

Saturday, March 5, 2011

SMART and TV5 Present: Justin Bieber Live in Manila!


Justin Bieber Live in Manila with special guest: Poreotics

Concert Date: Tuesday, May 10, 2011, 8:00pm
Concert venue: SM Mall of Asia Concert Grounds, Pasay City

Smart Communications Inc. together with TV 5 and Music Management International will bring Justin Bieber’s My World Tour live in Manila with America’s Best Dance Crew season 4 winner Poreotics on May 10, 2011 at Mall of Asia Concert Grounds.

Ticket Prices:
-P8,000++
-P5,000++
-P3,500++
-P2,000++
-P750++

Tickets available at:

SM Tickets (470.22.22)

Ticketworld 891 9999

50 Taon na ang Fatima!

Kilala ng marami ang 'FATIMA' sa Valenzuela bilang
isang ospital o dili kaya'y isang medical school na
nakapaglilikha ng mga mahuhusay ng mga nurses at doctor.


Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ang "Tunay ng Fatima"
sa Lungsod ng Valenzuela ay isang napakagandang parokya
at dambana ng ating Mahal na Ina na nakahimlay sa tuktok ng
tila isang burol sa ng isang tahimik na Barangay.



Napakalaki ang papel na ginampanan ng simbahang ito
sa aking 'spiritual formation'. Bilang 'mother-parish' ng
aming kapilya noong 'Sto Kristo at Sto. Rosario sa Karuhatan'
karamihan sa mga oras ng gampanin ko noon (circa 1994-97)
bilang isang lay-server ay iginugol ko rito. Kabilang na
ang pagiging Ostiariate, Youth Apostolate of Fatima Member,
Family Server sa Buwanang Family Mass, minsanang Koro o
pwede ding Lector.

Isang taong paghahanda ang ginawa upang mapatingkad
ginintuang anibersaryo ng Parokya at
Pambansang Dambana ng Birhen ng Fatima sa Valenzuela.


Sa Lunes, halina at makiisa sa natatanging pagdiriwang na ito,
hindi lamang ng mga Marian devotees, kundi maging lahat ng
mga taong naging bahagi ng marikit nitong kasaysayan.

Mabuhay ang Parokya at Dambana ng Mahal na Birhen ng Fatima!
Mahal na Birhen ng Fatima, Ipanalangin mo kami!


(Larawan mula sa National Shrine of Our Lady of Fatima Valenzuela's Flickr)

Wednesday, March 2, 2011

Pampa-Good Vibes

Watch this clip of an 8-month-old baby na walang tigil
sa pagtawa habang pinupunit ng daddy niya ang isang
pirasong papel.

World Hairiest Child


Supatra Sasuphan, 10 Years Old from Thailand

Wala siyang kabuhok-buhok diba?

source: metro.co.uk

Tuesday, March 1, 2011

Mga Nagbabagang Bulaklak

Malapit nang mamumukad ang pinakamapangahas ng DRAMASERYE
sa telebisyon - Ang Mga Nagbabagang Bulaklak!

Tampok sa de-kalibreng programang ito ang mga naglalakihang
bituin ng 'Happy Network' na magpapakinang pang lalo
sa PRIMETIME PANALO ng TV5.



Masasaksihang muli ang husay sa pag-arte ni Ms. Ruffa Gutierrez,
Richard Gomez, Philip Salvador, Sheryl Cruz, Victor Basa, Carla Humphries,
James Blanco, Tres Marias - Milagring, Mariposa, Luningning,



Ipinakikilala rin si Ritz Alzul ng 'Star Factor'
at ang bagong Kapatid na si Ms. Valerie Concepcion at maraming
pang bigating aktor at aktres.


Mapapanood ang Ang Mga Nagbabagang Bulaklak simula sa Marso
sa TV5 lang!