Thursday, March 31, 2011

Kapatid na si Aga Muhlach!



Pormal nang lumagda ng kontrata sa Kapatid Channel ang 'Forever Heartthrob' na si Mr. Aga Muhlach.


Present sa contract signing si Mr. Ray Espinosa (Pres and CEO,TV5) Mr. Bobby Barreiro (SVP and COO,TV5) manager ni Aga na si Ms. Ethel Ramos at abugado.


Isang mainit na pagsalubong naman ang inihanda ng Happy Network at ng Entertainment Press sa dating 'Bagets' Star sa isang Press Conference sa Quezon City.


Dito inamin ni Aga ang pag-iyak ni Charo Santos Concio ng ABSCBN makaraang ibalita niya na siya ang mangingibang-bakod na.


Masaya rin niyang ibinalita na maaari din siyang lumabas sa STUDIO 5, Ang film outfit ng TV5.

Isang 3-year non-exclusive contract ang pinirmahan ni Aga at ibinalita nitong sa isang MALAKI at INTERACTIVE FRANCHISED REALITY show una siyang mapapanood.


Panoorin ang buong detalye sa paglipat ni Mr. Aga Muhlach sa Juicy (Gabi-Gabi) at Paparazzi (Sunday) sa TV5!

No comments: