Monday, March 14, 2011

Philippines' Ultimate Talentadong 2011

Isang tricycle driver mula sa Binan, Laguna na may
angking husay sa sining ang itinanghal na bagong
ULTIMATE TALENTADO of 2011 ng
Talentadong Pinoy.

Nanaig si Joseph Erwin Valerio sa libong-libong
nangarap na tanghaling grand winner sa nangungunang
Talent Show ng TV5.


Ginanap ang Battle of the Champions nitong March12-13
sa Ynares Center sa Antipolo na dinaluhan naman ng
laksa-laksang taga-hanga hindi lang ng mga "Champions"
kundi maging ng mga Talent Scouts at Artistang present
sa magkasunod na Performance Night at Result Night.

Napahangan ni Joseph ang mga talent scouts at text
voters sa kakaiba nitong galing sa pag-gawa ng sining
mula sa buhangin.

Nanalo si Joseph ng 1 Million Cash, Bagong Kotse, Scholarship,
slot sa WCOPA. Ito na ang pangalawang battle of the champions ng
Talentadong Pinoy hosted by Ryan Agoncillo.


Mapapanood ang Talentadong Pinoy tuwing Sabado
at Linggo ng gabi sa TV5.

No comments: