Friday, April 1, 2011

Wendell Ramos, Namimiss ang Bubble Gang?

Inamin ni Wendell Ramos na miss na miss na niya ang mga dati niyang kasama sa gag show na "Bubble Gang".

Aniya, Mas naging malapit siya kina Ogie Alcasid at Antonio Aquitania kaya naman hinahanap-hanap niya ang dalawa. Nasa bakuran ng KAPUSO si Wendell sa loob ng 15 taon.



Kamakailan lang lumipat si Wendell sa Happy Network at nakatakdang namang lumabas sa ilang mga proyekto sa TV5.

Simula mamayang gabi, mapapanood na ang hunk actor sa "Babaeng Hampaslupa" bilang si Harry Bautista, ang hired gunman na inatasang patayin at pa-ibigin si Anastacia See (Alice Dixson)


Sa kasalukuyan mapapanood si Wendell sa "Hapi-er Togeder" kasama sina Joey Marquez, Long Mejia, Direk Soxy Topacio at Veteran Actor Leo Martinez. Lumabas din siya sa isang episode ng True Confessions at gumanap bilang mister na pinideho ng misis habang nasa piitan.



Ang Babaeng Hampaslupa ay mapapanood Weeknights, after Willing Willie sa TV5

No comments: