Showing posts with label China. Show all posts
Showing posts with label China. Show all posts

Wednesday, March 30, 2011

Ako ay may alaga, 140 asong mataba!

Full time job para kay Li Zongwen, dating chef ang pag-aalaga
sa not 1 but 140 na aso sa kanyang tahanan sa China.

Pawang mga na-rescue ni Mr. Li ang mga aso at kinukupkop
upang mapakain at maalagaaan.


Umaabot sa halos 5000 yuan o humigit kumulang 20,000 kada
buwan ang ginagasta ni Li para sa pagkain at tirahan ng mga alaga.


Kasa-kasama na ng dating chef ang mga alagang aso simula
pa taong 2009.

Friday, January 28, 2011

Babaeng Hampaslupa Grand Press Launch

Nagmistulang China Town ang isang restaurant sa Quezon City
kung saan ginanap ang engrandeng Press Launch ng unang
Drama Serye ng TV5, Ang Babaeng Hampaslupa.


Dragon and Lion dance ang opening ng pagtitipon na dinaluhan
ng mahigit kumulang sa Isang Daang press people.


Una ding ipinakita sa mga panauhin ang TRAILER ng nasabing tv show.
Nagpaunlak din si Asianovela Diva Faith Cuneta, at inawit ang
theme song ng Babaeng Hampaslupa na "Ikaw lang ang Mamahalin."
Habang ipinakikilala ang mga tauhan ng palabas sa pangunguna
nina Alex Gonzaga, Alice Dixson at Ms. Susan Roces.


Mapapanood ang Babaeng Hampaslupa simula sa Pebrero sa TV5.