Sunday, December 12, 2010

Kilalanin si Rosario Herrera...

Inihahandog ng Cinemabuhay at ng Studio 5 ( TV5 film outfit)
ang istorya ni Rosario.

Isang babaeng na-ugnay sa ibat ibang lalaki noong 1920s


Kabilang sa pelikula sina: Dennis Trillo bilang Alberto, Sid Lucero bilang Carding,

Isabel Oli bilang Carmen, Yul Servo bilang Vicente.

Kasama din sina Tonton Gutierrez, Lloyd Samartino, Phillip Salvador,

at Jaime Fabregas at may special participation si Dolphy bilang nakatatandang Jesus.








Narito ang official trailer ng ROSARIO na mapapanood
na simula December 25, 2010.



Ang ROSARIO ay idinirehe ni Albert Martinez.

(Larawan mula sa Official Facebook Page ng Rosario the movie.

Follow Rosario Herrera on Twitter: @rosariothemovie

Sunday, December 5, 2010

Kandilang Hugis Tao

Kadalasang nakikita sa Quiapo pero talamak sa Batangas.
Ang kandilang animo'y hugis tao.


Sabi nila may taglay daw na kakaibang "bisa" kapag sinindihan mo
at itinirik ang kandilang ito. Ang itim na kandilang-hugis tao daw
ay pangkulam.

Kending Strawberry

Naalaala nyo pa ba ang kending ito?
Kasabayan siya ng BAZOOKA, BUTTERBALL, TEXAS
at CHERRY BALL.


Nakita ko lang kamakailan sa ref namin na meron pa pala nito.

Eula is the Brightest Star!

Wagi nang isang milyong piso, Bahay at Lupa, 1 Million Worth of
Talent5 contract at iba pang papremyo ang 15 year old na dilag
mula sa Cebu City na si Eula Caballero.

Sa ginanap na finale ng Kauna-unahang Talent Search ng TV5
na Star Factor, hosted by Ms. Ruffa Gutierrez nanaig si Eula
sa iba pang mga katunggali na sina Christian, Ritz at Morisette.

Nagpakitang gilas si Eula sa pag-arte at pag-sayaw.
Samantala, sinabi ni Eula sa ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang
pag-aaral sa University of San Carlos kung saan siya ay nasa
kanyang Senior year.

Abangan natin ang patuloy na pagkinang ng bagong bituin na
si Eula Caballero sa mga bagong TV5 shows soon.

Follow her on twitter @iameulacaballero

Map to Ynares Sports Arena

Hope this will help you reach Ynares Sports Arena in time
for STAR FACTOR FINALS later.


Finals will be aired live on TV5 (1PM pre-empting PO5)

Saturday, December 4, 2010

Newest Kapatid - Jasmine Curtis

Newest Kapatid, Jasmine Curtis na makakatambal ni JC De Vera
sa "Utol kong Hoodlum" - newest show ng TV5 this 2011.

Follow Jasmine on Twitter - @

Star Factor Final 4 Hopefuls

Malalaman na bukas kung sino ang tatanghaling wagi sa kauna-unahang
Talent/Star Search ng TV5 ang Star Factor hosted by Miss Ruffa Gutierrez.


Magwawagi ng isang milyong piso ang isa sa mga
finalist na ito na nagmula pa sa ibat-ibang panig ng Pilipinas.

Mapapanood ng LIVE ang STAR FACTOR FINALS bukas ng
1:00PM sa TV5. (Pre-empting PO5)

The Star Factor Final 4: (from left)
Christian Samson, Eula Caballero, Ritz Alzul and Morisette Amon,

Gaganapin ang grand finals sa Ynares Sports Arena sa Pasig City

"BATIBOT" Playground


Pinasinayaan nitong Miyerkules, December 1,
ni Manila Mayor Fred Lim at DOT Secretary Alberto Lim
ang pagbubukas ng Rizal Park Children's Playground
(sa kahabaan ng TM Kalaw - Taft).


Dinumog ng mga bata mula sa pampublikong paaralan
ang palaruan upang subukan ang mas pinaganda at mas
pinakulay na pasilidad nito.

Present sa naturang okasyon ang mga Kaibigan natin sa BATIBOT
na sina Ate Maya at Kuya Fidel upang magpasaya ng mga bata
at magkwento na rin. Di rin pahuhuli si KOKO KWIK KWAK
at nagpakitang gilas sa mga bata.


Mga bagong shows ng TV5 sa 2011!

Sa katatapos lamang na bonggang Christmas Party
ng TV5 para sa Entertainment Press, pormal nang
ipinaalam ang mga bagong shows ng Kapatid Network.


Ni-reveal ng head of production and creative services, Perci Intalan,
ay inihanda ng estasyon para sa darating na taon:

Extreme Makeover Home Edition - Philippines,
Bagets,
Iskul Bukol,
Utol kong Hoodlum,
Humanap ka ng Panget,
PS I Love You,
Babaeng Hampas-lupa,
Limang Daliri ng Diyos,
Bangis



Pormal din pinakilala si Jasmine Curtis bilang bagong Kapatid.
Ipinaalam din ang pagbabalik-telebisyon ni Miss Alice Dixson.

TV5 Christmas Station ID 2010 - The Happy Network

Panoorin dito ang 2010 Christmas Station ID
ng Kapatid Network

Dahil na rin sa dami ng masasayang programang mapapanood
sa TV5, binansagan na itong "THE HAPPY NETWORK".

Tampok sa makabago at di papahuling Station ID ang mga sikat
na Kapatid tulad nina Dolphy, Willie Revillame, Ruffa Gutierrez,
Luchi Cruz Valdez, Paolo Bediones at marami pang iba.

Enjoy at Maligayang Pasko, Kapatid!