Wednesday, July 27, 2011

Superstar Nora Aunor, Kapatid na!

Kinumpirma ni German Moreno ang pagbabalik ni Ms. Nora Aunor sa Pilipinas matapos ang walong taong paninirahan sa Amerika. Nakatakdang bumalik ang nag-iisang Superstar sa Pilipinas sa susunod na Martes, Agosto 2.

Sa isang live phone patch interbyu mula mismo sa Los Angeles, kinumpirma rin mismo ng Superstar ang magandang balita, “Nakaempake na po ako. Naka-ready na lahat. Excited na rin po ako makabalik matapos ang walong taon. Sa wakas makakabalik na rin. Nagpapasalamat ako sa inyo sa pakikapag-usap sa mga tao para matupad 'to at sa TV5."

Ang opisyal na anunsyo ni kuya Germs (malapit na kaibigan ni Ate Guy) sa kanyang programa sa radyo noong Miyerkules ang nagbibigay-tuldok sa bulung-bulungan kung kailan talaga babalik sa bansa ang Superstar.

Kinumpirma din ni Kuya Germs na nakatakdang gumawa ng proyekto si Ms Aunor sa TV5 na siyang magiging opisyal na tahanan ni Ate Guy sa kanyang pagbabalik-showbiz habang nasa Pilipinas. Balitang gagawa ng isang serye ang naturang Superstar. Puspusan na rin ang preparasyon para sa isang engrandeng fans' day na inihahanda ng TV5 para sa nag-iisang Superstar. Noon hanggang ngayon, tanging si Ms. Nora Aunor pa rin ang itinuturing na pinakaginawarang aktres sa Philippine Showbiz.

larawan mula sa http://superstarstruck.weebly.com

Saturday, July 9, 2011



Iisang Mukha, Dalawang Tadhana

Makikilala mo na ang isa sa pinaka-sinubaybayang kwento sa
kasaysayang ng komiks -Rod Santiago's THE SISTERS

Tampok ang pinakabagong Kapatid na si Ms. Nadine Samonte.


Mapapanood simula July 18 sa Primetime Panalo ng TV5.

Bangis OST - Ako'y Kasama Mo

Pakinggan dito ang Themesong ng Bagong HiganteSerye ng TV5 na Bangis. Ang "Ako'y Kasama Mo" ay inawit ni Michael Renz Cortez.

Mapapanood ang Carlo J. Caparas' 'Bangis' - Gabi-gabi pagkatapos ng Wil Time Bigtime sa TV5.


Joseph the Artist at Yoyo Tricker sasabak sa WCOPA!

Handang handa nang sumabak sa World Championships of the Performing Arts (WCOPA) sa Amerika ang mga Ultimate Talentado ng Talentadong Pinoy na sina Joshua Davis a.k.a Yoyo Tricker at Joseph the Artist ngayong darating na Hulyo 15-23. Sila ay makikipagtagisan ng galing laban sa mga representatives ng halos limampung bansa sa Westin Bonaventure Hotel, Los Angeles, California sa ilalim ng Junior at Senior Variety Category

Ito ay katatampukan ng mga kalahok na may edad 16 pataas na magpapakita ng iba’t ibang performances at gagamit ng mga natatanging props. Magpapakitang-gilas sa kani-kanilang angking talento, si Joseph sa pagpinta gamit ang sand at si Joshua naman sa pagpapakita ng mga kakaibang exhibitions gamit ang yoyo. Ang mananalo sa tinaguriang “Talent Olympics” ay tatanghaling “Grand Champion Performer of the World”.

Matatandaang sina Joshua Davis a.k.a Yoyo Tricker at Joseph the Artist ang tinanghal na Philippines’ Ultimate Talentado sa Season 1 at 2 ng Talentadong Pinoy ng TV5. Dahil sa natatanging karangalang ito, pakatutukan ang isang espesyal na send-off presentation para sakanila ngayong darating na Linggo bago ang kanilang pag-alis ng bansa kasabay ng iba pang delegates.

Abangan ngayong Linggo sa Talentadong Pinoy ang paghahandog ni Joseph the Artist ng isa na namang nakakaantig-pusong production number na sasabayan naman ng pag-awit ni Gerald Santos. Wag palalampasin ang espesyal na episode na ito sa Talentadong Pinoy ngayong Linggo, July 10, 8:30 ng gabi sa TV5.