Friday, September 30, 2011

Narito na ang Drama mag-papaalab ng inyong gabi!

Ang palabas na nag-panalo kay Shin Eun Gyung ng Top Excellence Award, Actress sa 2010 MBC Drama Awards:


FLAMES OF DESIRE sa Lunes na pagkatapos ng
"Sa Ngalan ng Ina"

Gabi-Gabi simula October 3 sa TV5!

Thursday, September 29, 2011

Lorna Tolentino, Kapatid na!

Tatlong DramaSerye at isang pelikula ang nakatakdang gawin ng tinaguriang "GRANDSLAM QUEEN OF PHILIPPINE MOVIES" na si Miss Lorna Tolentino sa bakuran ng TV5.

Ito ay makaraang pormal na lumagda ng kontrata ang aktres nitong martes sa tanggapan ng TV5 sa Taguig.


Ang seryeng "GLAMOROSA" ang magiging unang proyekto ni LT sa Happy Network kung saan makakasama niya si Ms. Alice Dixson.


Present sa nasabing pagsalubong ang ilan sa mga head ng TV5 na sina Atty. Ray Espinosa, Mr. Bobby Barreiro, Mr. Perci Intalan at ang manager ni LT na si Manay Lolit Solis.

Pagkatapos ng "contract signing" ay ginanap naman ang unang Presscon para sa kanya sa Shangri-La EDSA hotel.

Wednesday, September 28, 2011

Ang mga tauhan ng MiniSeryeng "Sa Ngalan ng Ina" ng TV5


Kilalanin ang mga taong babago sa gabi ninyo:

EDGAR ALLAN GUZMAN:

IAN DE LEON:

JOROSS GAMBOA

KAREL MARQUEZ

EULA CABALLERO

ALWYN UYTINGCO

NADINE SAMONTE

MS. ROSANNA ROCES

MS. EUGENE DOMINGO

MR. CHRISTOPHER DE LEON

AT ANG NAG-IISANG SUPERSTAR, MS. NORA AUNOR

Panoorin ang Full Trailer ng "Sa Ngalan ng Ina"

Mapapanood na ang kauna-unahang MiniSerye sa Telebisyon simula LUNES (OCTOBER 3) Pagkatapos ng Wiltime Bigtime sa TV5

Saturday, September 24, 2011

Sa Ngalan ng Ina mapapanood na!


Inihahandog ng TV5 ang kauna-unahan at bukod-tanging
Mini-Serye sa telebisyon.

Ito ang pagbabalik ng isa sa pinakatanyag na director na si Mario O' Hara, kasama ang multi-awarded director na si Jon Red.





Ang "Sa Ngalan ng Ina" tampok ang nagbabalik na si
"Ms. Nora Aunor" at Christopher De Leon.


Panoorin ang FULL TRAILER dito:



Magsisimula na ang "Sa Ngalan ng Ina" sa October 3, Pagkatapos ng Wiltime Bigtime" sa TV5.

Monday, September 19, 2011

Number 1 ang TV5 sa Sunday Primetime!


Namayagpag ang Kapatid Network sa primetime (6pm to 10pm) noong nakaraang Linggo (Setyembre 18) matapos itong magtala ng 8.5% AMR (28.8% audience share) -- mas mataas kumpara sa 8.3% AMR (28.1% audience share) ng ABS-CBN at 7.8% AMR (26.5% audience share) ng GMA, ayon sa datos ng Nielsen Media Research sa Mega Manila.

Bidang-bida tuwing Linggo ang mga makabuluhang programang nagpapahalaga sa mabuting asal, edukasyon at galing ng Pinoy—ang Pidol’s Wonderland ni Comedy King Dolphy tuwing 5:30pm, Pinoy Explorer ni Aga Muhlach sa ganap na 6:30pm, Who Wants to Be a Millionaire ni Bossing Vic Sotto pagsapit ng 7:30pm at Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo tuwing 8:30pm.

Sa pagbubukas ng pinakamalaking edutainment program sa Philippine TV, ang Pinoy Explorer ang nanguna sa paghahatid ng highly entertaining at informative content para sa mga viewers, kasama si Aga Muhlach sa paglalakbay sa world-renowned Wyoming Dinosaur Center sa Amerika. Ipinakita din sa programa ang mundo ng mga dinosaur sa pamamagitan ng 3D clips ng “Clash of the Titans” series at ng “Walking with Dinosaurs” ng BBC.

Samantala, angWho Wants toBe aMillionaire? naman ang pinaka-tinutukang programa sa buong araw ng Linggo (2am to 2am) na may 11.1% AMR (33.6% audience share). Umukit ng kasaysayan ang episode ng pinakasikat na game show ng mundo matapos manalo ng P2 milyon ang 28-anyos na si Karl Jonathan Aguilar, ang kauna-unahang non-celebrity sa Pilipinas na nanalo ng jackpot. Dahil sa madalas na panunuksong hatid ng kanyang kapansanan na cleft palet o bingot, ibuinuhos na lang ni Karl ang oras sa pag-aaral at pagbabasa ng aklat habang lumalaki. Nagbunga naman ang pagpupursige ng binatang publishing specialist makaraan siyang sumalang at maglaro ng walang kahirap-hirap sa programa.

Ang telecast naman ng TV5 sa bakbakang Mayweather vs. Ortiz ang pinaka-pinanood na programa noong Linggo ng umaga. Ayon sa NUTAM data ng Nielsen, ang labang Floyd Mayweather vs Victor Ortiz ay nagtala ng 10.5% AMR na naka-knockout sa 5% AMR ng ASAP Rocks ng ABS-CBN at sa 4.6% AMR ng Party Pilipinas ng GMA.

Wednesday, September 14, 2011

TV5 partners with Regal Multimedia Inc.

TV5 and Regal Multimedia Inc. (RMMI) recently inked a deal signifying their partnership for a number of TV and movie projects, including a new version of Regal's hit TV show "Regal Shocker" which will be line produced by RMMI for TV5. For movies, RMMI and TV5's movie arm Studio 5 are partnering to co-produce six movies, starting with the Metro Manila Film Festival (MMFF) entry "Hototay". Apart from this, there is an output deal with RMMI for the airing of their movies on TV5. The Kapatid Network has also licensed from RMMI the story rights for some of Regal's hit movies that will be turned into TV series.

Present at the contract signing were (L-R) TV5 President Atty. Ray C. Espinosa, Regal Multimedia Inc. Vice President Roselle Monteverde, and TV5 Head of Creatives and Entertainment Production Perci M. Intalan.

Saturday, September 10, 2011

Unang Sulyap kay Felina, Prinsesa ng mga Pusa

Narito ang unang sulyap kay Arci Munoz bilang Felina, Prinsesa ng mga Pusa.



Bida si Arci sa kakaibang DramaSeryeng ito ng TV5 na mapapanood sa hapon.
Makakasama din niya sa Felina sina Leandro Munoz at Ahron Villena.

Mapapanood na ang Felina, Prinsesa ng mga Pusa sa Oktubre.

Thursday, September 8, 2011

Happy Birthday, Mama Mary!

Maligayang Kaarawan sa Pinakamagandang Babae sa buong Mundo!


Happy Birthday, Mama Mary!

(Maria, Ina ng Banal na Puso Ni Hesus, Joey Velasco)

Tuesday, September 6, 2011

Narito na ang 'Ang Utol Kong Hoodlum' Themesong

Narito na ang "Ang Utol Kong Hoodlum" Themesong na pinamagatang "PANGAKO"


Inawit ng TV5 homegrown talent - Morissette Amon at Sony Music Artist - Mark Alain



Ang awit na "PANGAKO" ay originally performed by the band "Cueshe".

Mapapanood na ang "ANG UTOL KONG HOODLUM" simula sa LUNES, pagkatapos ng 'Bangis' sa TV5.

Monday, September 5, 2011

Nangangalmot daw si Arci Munoz?


May bali-balitang nangangalmot daw si Arci Munoz?


Nag-eensayo na ata ang dalaga para sa kanyang role sa bagong DramaSerye ng TV5.
Ayon sa mga ulat, si Arci ang gaganap bilang FELINA, Ang Prinsesa ng mga Pusa na mapapanood sa Kapatid Network soon.


Ito ang kauna-unahang serye ng TV5 na mapapanood sa hapon.

Ano kaya ang magiging hitsura ni Arci kapag siya ay naging pusa?

Ang Utol Kong Hoodlum Fever!


Sa wakas ay mapapanood na ang kauna-unahang AKSYON-SERYE ng TV5, Ang Utol Kong Hoodlum sa September 12 (after Bangis).


Makaraang bumalik ng panandalian mula sa Australia, naging siksik ang schedule ng TV5 Princess na si Jasmine Curtis-Smith at syempre ng bagong Bad Boy ng Philippine TV na si JC De Vera.


Naging kaliwa't kanan ang promotion ng dalawa sa kanilang bagong show sa Kapatid Network.

PALENGKE TOUR


Sabado ng umaga, tumulak ang ilan sa cast sa Quezon City para libutin ang ilan sa mga matataong palengke doon at personal na imbitahan ang mga kapatid nating manood ng g AUKH.


Unang pinuntahan ang MURPHY MARKET, sumunod ang MEGA Q-Mart at ang KAMUNING PUBLIC Market. Nilibot ng mga stars ang mga lugar na ito para mamahagi din ng TV5 premium items.


Sabado din ng gabi naman inilunsad ang tamblang JC - JASMINE sa mga miyembro ng PRESS.


Kabilang na rin ang buong cast sa isang enggrandeng Press Launch na ginawa naman sa Mandaluyong City.


MOTORCADE & MALL SHOW


LiwasangBonifacio naman ang assembly area sa Day 2 ng Promo Weekend ng AUKH. Nagtipon ang lahat ng cast maging ang mga KAWASAKI Riders sa plaza para sa isang motorcade na umikot sa ilang bahagi ng Maynila. Game na game na sumakay si Jasmine sa motorsiklo na nakalagay sa kanilang float.


Pagkatapos ay nagtungo naman ang buong team sa SM Taytay para sa isang Mall Show na inihanda para sa mga TV5 stars at mga Kapatid na taga-Rizal.

Simula LUNES (Sept 12) ay pasasabugin na ang pinaka-eksplosibong AKSYONSerye sa Telebisyon, Ang Utol Kong Hoodlum sa TV5 (After BANGIS)