Wednesday, September 26, 2012

TV5 joins Cosplay Mania 2012!


Be part of the biggest and most prestigious cosplay event in the country. Join us at the SMX Mall of Asia on September 29 – 30 and get a chance to meet the stars of Enchanted Garden and Kapitan Awesome. 

Be sure to catch TV5’s panel on September 29 at 2:30PM. You can also win amazing prizes and giveaways by simply dropping by the TV5 Booth.


Thursday, September 13, 2012

Talentadong Pinoy at Enchanted Garden sa SM Valenzuela ngayong Sabado!



September 15, Sabado sa SM Valenzuela!

Narito ang schedule ng Talentadong Pinoy auditions:

Sept 14: SM Clark
Sept 15: SM Valenzuela
Sept 21: SM Bicutan
Sept 22: SM Olongapo
Sept 22: SM Muntinlupa
Sept 28: SM Molino, Cavite
Sept 29: SM San Fernando, Pampanga


Nora Aunor Weekend Special, handog ng TV5 bilang kick-off celebration sa ika-45 taon sa showbiz ng Superstar


Sa pagdiriwang ng ika-45 taon sa showbiz ng nag-iisang Superstar, handog ng TV5 ang natatanging mga pagganap ni Ms. Nora Aunor ngayong weekend sa Untold Stories at Third Eye. Siguradong hindi na naman malilimutan ang mga papel na gagampanan ni Ate Guy sa mga nasabing palabas.

Humarap ang multi-awarded actress sa entertainment press para mag-promote ng kanyang espesyal na pagganap saUntold Stories bilang si Sister Thelma Layog at sa Third Eye bilang si Ditas Gregorio. Ilang araw lamang ang nakalipas mula nang makabalik ito mula sa Italya kung saan pinakita at pinarangalan ang pelikulang Thy Womb na idinirehe ni Brillante Mendoza.

Sa Untold Stories, gaganap si Ate Guy sa papel ng isang madreng piniling lumisan sa kumbento upang makasama ang lalaking minamahal. Ang naturang kwento ay hango sa tunay na buhay ng madre at ng kanyang asawang si Danny na gagampanan ni Yul Servo. Muling magtatambal ang dalawa matapos magkatrabaho sa pelikulang Naglalayag. Bagama’t pinagbigkis ng pag-ibig, hindi pa rin ligtas sa mga puna at pagsubok ang pagsasama ng dalawa — lalo pa’t halos dalawang dekada ang agwat ng kanilang mga edad.

Kaabang-abang din ang naiibang papel ni Ate Guy sa supernatural mystery drama na Third Eye. Siya rito si Ditas Gregorio, isang janitress sa isang paaralan na napilitang ipamalas ang mga ritwal na matagal na niyang tinalikuran upang sagipin ang mga inosenteng mag-aaral na sinapian ng demonyo. Sa direksyon ni Jon Red (siya rin naging direktor ni Ate Guy sa mini-seryeng Sa Ngalan ng Ina), ang episode na ito ay itinuturing na reunion project ni Ate Guy at ng Grand Slam actress na si Lorna Tolentino. May 30 taon na ang nakakalipas nang magsama ang dalawa sa kanilang unang pelikula (Mga Uod at Rosas).  Kwento ni LT, “Sa taping, kapag eksena na niya [Ate Guy], pinapanood at napapamangha na lang ako sa kanya. I told myself, ‘I want to act with her in a full-length movie. Kahit saan niyo pa kami dalhin.’”

Tuwang-tuwa rin ang batang aktres at bida ng Third Eye na si Eula Caballero nang muling makasama si Ate Guy sa isang TV project. “Napayakap na lang ako kay Ina (tawag ni Eula kay Ate Guy) noong makita ko siya uli sa taping. I owe a lot to her because she was generous enough to teach me everything when we were taping for Sa Ngalan.”
Matagumpay na pagpapalabas ng Thy Womb sa 69th Venice International Festival kung saan nag-uwi ng Bisato d'Oro Award si Ate Guy. Iginawad ang parangal ng isang grupo ng independent film critics doon. Bitbit naman ni Direk Brillante ang La Navicella Venezia Cinema Award mula sa Rivista del Cinematografo. Habang nandoon si Ate Guy, ipinalabas din ang restored at high-definition version ng Himala sa naturang film festival. Magkakaroon din ng special screening ang Thy Womb sa Toronto International Film Festival (TIFF).

Kaliwa’t kanan ang ipinapamalas na pagkilala sa kontribusyon ni Ate Guy sa showbiz. Kasalukuyang itinatanghal ang Bonana nauna nang pinagbidahan ng Superstar sa pelikulang idinerehe ni Lino Brocka. Pag-amin ng Noranian na si Eugene Domingo na siyang gumaganap na makabagong Bona, gusto niyang ma-please si Ate Guy sa kanyang pagbibigay-buhay sa karakter na minsan nang pinasikat ng Superstar. “Ang gusto ko mangyari, maaliw si Ate Guy sa Bona naming ito.  Ilang taon, ilang dekada niya tayong inaliw sa mahusay niyang pagganap, panahon na na siya naman ang ating aliwin,” pahayag ni Uge.

Huwag palalampasin ang back-to-back drama special ng nag-iisang Superstar ngayong Sabado sa Untold Stories(pagkatapos ng Artista Academy) at sa Linggo sa Third Eye (pagkatapos ng Who Wants to Be a Millionaire) sa TV5.

Saturday, September 8, 2012

Aswang si Karel Marquez!


Panibagong balakid na naman ang makakaharap ni Cassandra (Eula Caballero) sa kanyang misyon sa THIRD EYE ngayong Lingg! Isang aswang ang maghahasik ng lagim sa siyudad at nakasalalay kay Cassandra at sa kanyang mga kaibigan ang kaligtasan ng lahat. 

Gaganap ang aktres na si Karel Marquez sa papel ng aswang sa episode. Minsan nang nagkasama sina Karel at Eula sa primetime teleserye ng TV5 na Sa Ngalan Ng Ina na pinagbidahan ni Ms Nora Aunor.
Speaking of Nora Aunor, hindi dapat kaligtaan ang episode na ito ng Third Eye dahil may koneksyon ito sa susunod na episode kung saan isang Superstar naman ang makakaharap ng ating mga bida. 

Tutok na sa Third Eye ngayong Linggo, September 9, 9:30pm sa TV5. 

Witch Ka lang sa Pidol's Wonderland!



Nang pumanaw ang ama ni Luna, nalaman niya na isang wizard pala ang kanyang tatay at pinamanahan siya ng kapangyarihan nito. Hindi lang yun, may kapatid pala siya sa ama at huling bilin ng kanilang tatay ay patirahin ito sa kanilang bahay. Halos magka-edad sina Luna at Sol pero hindi sila magkasundo. Lalo na nang may lumipat na binata sa kabilang bahay at nagpaligsahan ang dalawa sa atensyon ni Orlando. 


Ginamit ni Luna ang kapangyarihan upang makalamang pero kahit anong gawin niya, tila walang epekto ito kay Sol. Lingid sa kanyang kaalaman, pinamanahan din pala si Sol ng mahika ng kanyang ama. 


Panoorin ang PIDOL'S WONDERLAND: Witch Ka Lang! ngayon SUNDAY, Sept 9, 530-630PM sa TV5! Tampok sina as Nadine Samonte, Diane Medina, Pinky Amador at Joross Gamboa. 

Friday, August 31, 2012

Batibot ng TV5 Kids, Season 4 na!


Nasa ika-apat na season na ang pinaka-paboritong programa ng mga bata – ang Batibot sa TV5 Kids. Kasabay nito ang pagpasok ng mga pinakabago nating mga kaibigang sina Koko Kwik Kwak, Pawi, Tikky, Kara, Rema, Lila, Tami at Ambak at Dakon Palaka. Ilan sa mga ito ay binase mula sa mga bagong-tuklas na animal species sa iba’t ibang parte ng bansa. Hindi lang nila sasamahan ang mga bata sa paghahatid ng kakaibang saya at malawak na kaalaman. Tuturuan din nila ang buong pamilya ng tamang pag-aalaga sa kapaligiran at pagkalinga sa mga hayop.


 Ayon sa executive producer at educator na si Feny Delos Angeles-Bautista, ang bagong season na ito ng Batibot ay may kakaibang ihahandog sa mga bata pati na rin sa mga child-at-heart. “Taglay ng mga bagong karakter ngBatibot ang iba’t-ibang katangian at personalidad,” sabi niya. Ang mga episodes ng Batibot ay naaayon sa bagong national curriculum na inihanda ng Department of Education para sa mga nasa kindergarten at sa early childhood programs ng Department of Social Welfare and Development. Tumutukoy ito sa kakayanan ng mga bata na matuto mula sa kani-kanilang learning experiences sa tahanan at sa paaralan at dahil din sa panonood ngBatibot, mas nagiging handa ang mga ito sa kanilang pagpasok sa iskuwela at pakikihalubilo sa ibang tao.

Maliban sa mga bagong Batibot barkada, dapat din abangan ang mga feature themes katulad ng pag-iingat sa tahanan, sa komunidad at isang espesyal na episode tungkol sa water safety. Ito ay upang maiwasan ng mga bata ang mga aksidente na kadalasang sanhi ng kamatayan at injury sa bansa. Abangan ang Batibot Season 4 tuwing Sabado at five-minute shorts Lunes hanggang Biyernes, 8:30-9:00 ng umaga sa TV5.

Sasamahan ni Cesar si Aga sa isang maaksyong adventure sa Bohol!


Sa darating na episode ng Pinoy Explorer itong Linggo, isang sikat at proud na Boholano ang magiging tour guide ni Aga sa kanyang paglalakbay. Ito'y walang iba kundi ang matalik na kaibigan at kapwa-Kapatid star na si Cesar Montano!

Sabay na sumabak ang dalawa sa paglangoy kasama ng mga dolphin sa isla ng Pamilacan. Nag-rappelling din sila sa gubat ng Danao. Pero ang highlight ng paglilibot nina Aga at Cesar sa Bohol ay ang pagdalaw nila kay Prony, ang pinakamalaki at pinakamahabang reticulated python in captivity.
 
Samahan sina Aga at Cesar sa maaksyong exploration ng Bohol ngayong Linggo, September 2, 6:30PM, pagkatapos ngPidol's Wonderland at bago mag-Talentadong Pinoy sa TV5.

Saturday, August 25, 2012

Uge at Arnell, mapapaiyak sa Face to Face



Kaabang-abang ang Face to Face guesting nina Eugene Domingo at Arnell Ignacio sa darating na Lunes bilang mga celebrity sawsawero’t sawsawera. Masusubok ang kanilang kakayahang makapag-bigay ng payo sa mga guests ng programa.

 Inamin nga ni Uge na isa siyang masugid na fan ng Face to Face dahil marami siyang nakukuhang magandang aral. Si Uge mismo ay naging emosyonal habang pinag-uusapan ang sinapit ng isang buntis na iginanti ng nanay ng lalaking nang-iwan sa kanya. Sa kalagitanaan kasi ng pagbubuntis ng dalaga, nagkaroon ng ibang karelasyon ang lalaki na ikinagalit ng ina nito.
Panoorin kung paano matutulungan nina Uge, Arnelli, Ateng Gelli at ng Trio Tagapayo ang mga panauhin saFace to Face sa darating na Lunes, Agosto 27.



Thursday, August 23, 2012

Lorna Tolentino at Nora Aunor magkakasama sa TV5!

Kaliwa't kanan ang tine-tape ngayon ni Superstar Ms. Nora Aunor sa TV5, ito ay bilang paghahanda na rin sa nalalapit niyang pagtulak sa ibayong dagat para sa pagsabak ng kanyang pelikulang "THY WOMB" sa mga International Film Festivals.

Kamakailan ay pinost ni Ms. Lorna Tolentino sa kanyang INSTAGRAM account ang mga larawan ng eksena nila ni Ate Guy.

Hindi pa malinaw kung ano ang magiging papel ng Superstar sa suspense-thriller series na ito ng Kapatid Network na napapanood tuwing LINGGO, 930PM.


Abangan natin ang mga karagdagang detalye tungkol sa espesyal na episode na ito ng "THIRD EYE".

Eula at Ritz, maghaharap sa Third Eye


Padami na ng padami ang tumututok sa Third Eye ng TV5 dahil sa mga kapanapanabik na mga eksena at mga kakaibang kontrabidang nakakalaban ni Cassandra (Eula Caballero). Sa Linggo, Agosto 26, si Ritz Azul ang makakatunggali ni Eula sa bago nitong epsiode. Madalas na pinagtatapat at pinagkukumpara ang dalawang dalaga pero giit ni Eula na walang namamagitang rivalry sa kanila ng kanyang kaibigan at fellow TV5 Princess na si Ritz. Excited pa nga daw si Eula dahil ito ang unang pagkakataon na magkakasama sila ni Ritz sa isang drama. Minsan nang nagkatrabaho si Eula at Ritz sa comedy show na Loko Moko.


Gagampanin ni Ritz ang papel ng isang mambabarang o mas kilala sa tawag na mangkukulam. Ano ang misteryong bumabalot sa mambabarang? May kinalaman kaya siya sa pagkawala ng boyfriend ni Cassandra? Ilan lamang iyan sa mga katanungang masasagot ngayong Linggo sa Third Eye, 9:30PM sa TV5. 

Not 1, but 2 'Iwa Motos'


Hindi lang isa kundi dalawang mapangahas na IWA MOTO ang nasa pabalat ngayon ng sikat na Men's Magazine na
Playboy Philippines.

Tampok ngayong Agosto ang Kapatid Sexy Star na tila nagpose ang isang kuwadra ng kabayo.

Playboy Philippines available na!

Tuesday, August 21, 2012

Bagong kinababaliwan: GAGA Dancers ng GAME 'n GO!


Usap-usapan ngayon ang Game N Go Assorted Dancers o GAGA DANCERS ng TV5.

Sila ang mga naggagandahang dancers mula sa iba't ibang panig na mundo tulad ng RUSSIA, AUSTRALIA at CUBA at pinagsama-sama para painitin ang ating SUNDAY TV viewing.

(Photo PinoyExchange.com)

Narito ang isa mga performances ng GAGA DANCERS 



Mapapanood ang GAGA Dancers sa GAME N GO, 12NN every SUNDAY sa TV5.


Bugbog Sarado si Claudine ngayong Sabado sa UNTOLD STORIES


Papel ng isang battered wife ang gagampanan ni Ms. Claudine Barretto ngayong Sabado sa UNTOLD STORIES ng TV5.

Kasama si Mr. Jay Manalo mapapanood sa unang pagkakataon ang  'Optimum Star' sa Kapatid Network. 



Malakas din ang bulong-bulungan na ang paglabas raw na ito ni Claudine sa Kapatid Network ang hudyat ng kanyang paglipat ng estasyon.



Mapapanood ang UNTOLD STORIES kasama si Ms. Amy Perez sa Sabado, Aug 25, 930PM pagkatapos ng ARTISTA ACADEMY Live Exams.

Bawal ang PLASTIC sa SM!



Effective September 1, 2012 SM Department Store, Supermalls (within QC Area) will charge on 'Environmental Fee' of P2.00 per plastic bag in compliance to Quezon City Ordinance SP-2140 , Regulating the Use of Plastic Bags.

Bring your own reusable recyclable bags or green eco bags when you shop at SM.

Artista Academy: 1st Kick Out - Chris Leonardo


Twenty-year-old Chris Leonardo of Biñan, Laguna is the first student to be kicked out of Artista Academy after garnering the lowest score among his classmates or fellow showbiz aspirants in what is known as the grandest and most intensive artista search on Philippine TV. Artista Academy is giving away a total of P20 Million worth of total prizes to the grand winners at the end of the three-month competition.

Chris was expelled as a result of his combined grades from the Asian Academy of Television Arts (AATA) where all the Artista Academy students are undergoing comprehensive training under the best industry professionals, his scores from the Live Exam critics during his live performance last Saturday, and his total text votes from viewers.

With Chris out of the contest, the remaining 15 Artista Academy students who are out to prove themselves worthy of the P20 Million are Akihiro Blanco, Alberto Bruno, Benjo Leoncio, Brent Manzano, Chanel Morales, Jon Orlando, Julia Quisumbing, Malak So Shdifat, Mark Neumann, Marvelous Alejo, Nicole Estrada, Shaira Mae, Sophie Albert, Stephanie Rowe, and Vin Abrenica.

To vote for the student you want to save from expulsion, key in AA and send to 5656.

Artista Academy airs weeknights at 9:00 p.m. and Saturdays at 8:30 p.m.

Thursday, July 19, 2012

Eula Caballero, bida sa Third Eye ng TV5!


Simula Hulyo 29, mapapanood na ang supernatural drama ng TV5, ang Third Eye. Pinagbibidahan ito ng ilan sa pinakamagaling na artista sa industriya tulad nina Grandslam Actress na si Lorna Tolentino, award-winning actor Eddie Garcia at TV5 Princess na si Eula Caballero sa kanyang unang leading role.

Gagampanan ni Eula ang papel ni Cassandra, isang dalagang nag-iimbestiga sa misteryosong pagkawala ng kanyang nobyo. Sa kanyang paghahanap, madidisikubre ni Cassandra na meron siyang kakayahang makakita ng mga maligno at engkanto.

Mula sa direksyon nina Toppel Lee, Robert Quebral, Benedict Mique at Rahyan Carlos, kapana-panabik ang bawat episode ng Third Eye kung saan makikita ang iba’t-ibang karakter na hango sa Philippine folklore, mythology at pop culture. Hindi tulad ng nakasanayan, sa Maynila ang setting nito.

Kabilang din sa Third Eye sina Daniel Matsunaga, Victor Silayan, Clint Gabo, and Jenny Miller.


 Huwag kaligtaan ang premiere ng Third Eye sa Hulyo 29, 9:30 ng gabi pagkatapos ng Who Wants To Be A Millionaire sa TV5. 

TV5 babalutin ng hiwaga sa kauna-unahang eco-fantasyang Enchanted Garden


Pasukin ang isang mahiwagang mundo at tuklasin ang kahulugan ng tunay na pag-ibig sa kauna-unahang eco-fantasya ng TV5, ang Enchanted Garden na magsisimula na sa Hulyo 30.

Mamangha sa hatid nitong mystical drama na paniguradong tatatak sa puso at isipan ng mga manonood. Tunghayan ang napakagandang istoryang iikot sa alitan sa pagitan ng magkakapatid, ang pananaig ng pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak at ang kahulugan ng walang hanggang pagmamahal. Sa pamamagitan ng Enchanted Garden, nais din ng TV5 na i-angat ang kaalaman ng mga manonood tungkol sa wastong pag-aalaga sa mga likas na yaman. Layunin ng Enchanted Garden na maghatid hindi lamang ng isang de-kalidad na eco-fantasya kundi pati na rin ang pagbukas sa isipan ng mga manonood tungkol sa kahalagahan ng pag-alaga sa kalikasan. 

Sa direksyon ng mga award-winning directors na sina Joel Lamangan, Joyce Bernal at Eric Quizon, ang Enchanted Garden ay binubuo din ng mga naglalakihan at nagpipitagang Kapatid stars na sina Ruffa Gutierrez, Alice Dixson, Rufa Mae Quinto, Alex Gonzaga, BB Gandanghari at Zoren Legaspi. Kasama din sa eco-fantasya na ito ang mga leading men ng TV5 na sina Martin Escudero, Edgar Allan Guzman at Daniel Matsunaga pati na rin sina Meg Imperial, Marita Zobel, Gladys Reyes, Luz Valdez, Jim Pebangco at Tony Mabesa.

Magsisimula ang kwento ng Enchanted Garden sa mahiwagang hardin ng Eden. Ang mundong ito ay karugtong ng mundo ng mga tao pero ito ang tahanan ng mga “bantay” ng kalikasan. Pinamumunuan ito ni Reyna Jasmina (Marita Zobel), kasama ang kanyang mga anak na sina Alvera (Alice Dixson), Valerianna (Ruffa Gutierrez) at Quassia (Rufa Mae Quinto). Ang mabuting pagsasamahan ng mga magkakapatid ay susubukin ng pag-ibig nang malaman ni Valerianna ang pagmamahalan nina Menandro (Zoren Legaspi) at Alvera.

Mapapanood ang Enchanted Garden simula July 30 (LUNES) 630PM bago ang Wiltime Bigtime sa TV5!

Artista Academy ng TV5, magbubukas na ngayong Hulyo 30


Ang pinakamalaki at pinaka-intensive na artista search sa bansa ay magsisimula na sa pagbubukas ng Artista Academy ng TV5 ngayong July 30. Ang Artista Academy ang nag-iisang reality-based talent competition sa Pilipinas na nagbibigay ng totoong artista training mula sa isang lehitimong school of television arts. Labing-anim na finalists na may edad 16 hanggang 22 ang magpapaligsahan para sa P20 Million na total prizes at para sa karangalang maitanghal bilang Best Actor at Best Actress ng Artista Academy.



Mabibigyan ng full scholarship sa AATA ang 16 Artista Academy finalists at sasailalim sila sa komprohensibong training mula sa pinakamagagaling sa industriya, kabilang ang multi-awarded director na si Joel Lamangan, ang music master na si Louie Ocampo, ang dance guru na si Georcelle Dapat of G Force, at ilan pa sa mga tinitingala at ginagalang na TV professionals at celebrities sa bansa.


Ang acclaimed film and TV director na si Mac Alejandre na siya ring head ng TV5 Talent Center ang director ng Artista Academy. Makakatrabaho niya ang kilalang Entertainment executive at Head ng AATA na si Wilma Galvante

Bukod sa P20 Million total prizes na mapapanalunan ng Artista Academy Best Actor at Best Actress, bibigyan din sila ng TV5 ng lead roles sa isang teleserye. Hindi lamang sila makakakuha ng tamang acting training mula sa AATA para maging karapat-dapat na future stars ng industriya, sila rin ang ituturing na pinakamayaman sa lahat ng mga naging winner sa kasaysayan ng mga talent search sa bansa.

Ang Artista Academy hosts na sina Cesar Montano at Marvin Agustin ay makakasama ng 16 finalists sa kanilang pag-abot sa kanilang pangarap. Bilang Live Exam Presenter, mapapanood si Cesar tuwing Sabado ng gabi bilang host ng live performance night ng programa. Si Marvin naman ang reality host na magbabahagi ng totoong drama sa buhay ng bawat isang Artista Academy finalist gabi-gabi. Mapapanood din bilang Live Exam critics tuwing Sabado ng gabi ang Grand Slam Actress na si Lorna Tolentino at ang kilalang actress-host na si Gelli De Belen.

Mapapanood ang Artista Academy simula ngayong July 30, 930PM sa TV5!