Thursday, July 19, 2012

Eula Caballero, bida sa Third Eye ng TV5!


Simula Hulyo 29, mapapanood na ang supernatural drama ng TV5, ang Third Eye. Pinagbibidahan ito ng ilan sa pinakamagaling na artista sa industriya tulad nina Grandslam Actress na si Lorna Tolentino, award-winning actor Eddie Garcia at TV5 Princess na si Eula Caballero sa kanyang unang leading role.

Gagampanan ni Eula ang papel ni Cassandra, isang dalagang nag-iimbestiga sa misteryosong pagkawala ng kanyang nobyo. Sa kanyang paghahanap, madidisikubre ni Cassandra na meron siyang kakayahang makakita ng mga maligno at engkanto.

Mula sa direksyon nina Toppel Lee, Robert Quebral, Benedict Mique at Rahyan Carlos, kapana-panabik ang bawat episode ng Third Eye kung saan makikita ang iba’t-ibang karakter na hango sa Philippine folklore, mythology at pop culture. Hindi tulad ng nakasanayan, sa Maynila ang setting nito.

Kabilang din sa Third Eye sina Daniel Matsunaga, Victor Silayan, Clint Gabo, and Jenny Miller.


 Huwag kaligtaan ang premiere ng Third Eye sa Hulyo 29, 9:30 ng gabi pagkatapos ng Who Wants To Be A Millionaire sa TV5. 

TV5 babalutin ng hiwaga sa kauna-unahang eco-fantasyang Enchanted Garden


Pasukin ang isang mahiwagang mundo at tuklasin ang kahulugan ng tunay na pag-ibig sa kauna-unahang eco-fantasya ng TV5, ang Enchanted Garden na magsisimula na sa Hulyo 30.

Mamangha sa hatid nitong mystical drama na paniguradong tatatak sa puso at isipan ng mga manonood. Tunghayan ang napakagandang istoryang iikot sa alitan sa pagitan ng magkakapatid, ang pananaig ng pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak at ang kahulugan ng walang hanggang pagmamahal. Sa pamamagitan ng Enchanted Garden, nais din ng TV5 na i-angat ang kaalaman ng mga manonood tungkol sa wastong pag-aalaga sa mga likas na yaman. Layunin ng Enchanted Garden na maghatid hindi lamang ng isang de-kalidad na eco-fantasya kundi pati na rin ang pagbukas sa isipan ng mga manonood tungkol sa kahalagahan ng pag-alaga sa kalikasan. 

Sa direksyon ng mga award-winning directors na sina Joel Lamangan, Joyce Bernal at Eric Quizon, ang Enchanted Garden ay binubuo din ng mga naglalakihan at nagpipitagang Kapatid stars na sina Ruffa Gutierrez, Alice Dixson, Rufa Mae Quinto, Alex Gonzaga, BB Gandanghari at Zoren Legaspi. Kasama din sa eco-fantasya na ito ang mga leading men ng TV5 na sina Martin Escudero, Edgar Allan Guzman at Daniel Matsunaga pati na rin sina Meg Imperial, Marita Zobel, Gladys Reyes, Luz Valdez, Jim Pebangco at Tony Mabesa.

Magsisimula ang kwento ng Enchanted Garden sa mahiwagang hardin ng Eden. Ang mundong ito ay karugtong ng mundo ng mga tao pero ito ang tahanan ng mga “bantay” ng kalikasan. Pinamumunuan ito ni Reyna Jasmina (Marita Zobel), kasama ang kanyang mga anak na sina Alvera (Alice Dixson), Valerianna (Ruffa Gutierrez) at Quassia (Rufa Mae Quinto). Ang mabuting pagsasamahan ng mga magkakapatid ay susubukin ng pag-ibig nang malaman ni Valerianna ang pagmamahalan nina Menandro (Zoren Legaspi) at Alvera.

Mapapanood ang Enchanted Garden simula July 30 (LUNES) 630PM bago ang Wiltime Bigtime sa TV5!

Artista Academy ng TV5, magbubukas na ngayong Hulyo 30


Ang pinakamalaki at pinaka-intensive na artista search sa bansa ay magsisimula na sa pagbubukas ng Artista Academy ng TV5 ngayong July 30. Ang Artista Academy ang nag-iisang reality-based talent competition sa Pilipinas na nagbibigay ng totoong artista training mula sa isang lehitimong school of television arts. Labing-anim na finalists na may edad 16 hanggang 22 ang magpapaligsahan para sa P20 Million na total prizes at para sa karangalang maitanghal bilang Best Actor at Best Actress ng Artista Academy.



Mabibigyan ng full scholarship sa AATA ang 16 Artista Academy finalists at sasailalim sila sa komprohensibong training mula sa pinakamagagaling sa industriya, kabilang ang multi-awarded director na si Joel Lamangan, ang music master na si Louie Ocampo, ang dance guru na si Georcelle Dapat of G Force, at ilan pa sa mga tinitingala at ginagalang na TV professionals at celebrities sa bansa.


Ang acclaimed film and TV director na si Mac Alejandre na siya ring head ng TV5 Talent Center ang director ng Artista Academy. Makakatrabaho niya ang kilalang Entertainment executive at Head ng AATA na si Wilma Galvante

Bukod sa P20 Million total prizes na mapapanalunan ng Artista Academy Best Actor at Best Actress, bibigyan din sila ng TV5 ng lead roles sa isang teleserye. Hindi lamang sila makakakuha ng tamang acting training mula sa AATA para maging karapat-dapat na future stars ng industriya, sila rin ang ituturing na pinakamayaman sa lahat ng mga naging winner sa kasaysayan ng mga talent search sa bansa.

Ang Artista Academy hosts na sina Cesar Montano at Marvin Agustin ay makakasama ng 16 finalists sa kanilang pag-abot sa kanilang pangarap. Bilang Live Exam Presenter, mapapanood si Cesar tuwing Sabado ng gabi bilang host ng live performance night ng programa. Si Marvin naman ang reality host na magbabahagi ng totoong drama sa buhay ng bawat isang Artista Academy finalist gabi-gabi. Mapapanood din bilang Live Exam critics tuwing Sabado ng gabi ang Grand Slam Actress na si Lorna Tolentino at ang kilalang actress-host na si Gelli De Belen.

Mapapanood ang Artista Academy simula ngayong July 30, 930PM sa TV5!