Nasa ika-apat na season na ang pinaka-paboritong programa ng mga bata – ang Batibot sa TV5 Kids. Kasabay nito ang pagpasok ng mga pinakabago nating mga kaibigang sina Koko Kwik Kwak, Pawi, Tikky, Kara, Rema, Lila, Tami at Ambak at Dakon Palaka. Ilan sa mga ito ay binase mula sa mga bagong-tuklas na animal species sa iba’t ibang parte ng bansa. Hindi lang nila sasamahan ang mga bata sa paghahatid ng kakaibang saya at malawak na kaalaman. Tuturuan din nila ang buong pamilya ng tamang pag-aalaga sa kapaligiran at pagkalinga sa mga hayop.
Ayon sa executive producer at educator na si Feny Delos Angeles-Bautista, ang bagong season na ito ng Batibot ay may kakaibang ihahandog sa mga bata pati na rin sa mga child-at-heart. “Taglay ng mga bagong karakter ngBatibot ang iba’t-ibang katangian at personalidad,” sabi niya. Ang mga episodes ng Batibot ay naaayon sa bagong national curriculum na inihanda ng Department of Education para sa mga nasa kindergarten at sa early childhood programs ng Department of Social Welfare and Development. Tumutukoy ito sa kakayanan ng mga bata na matuto mula sa kani-kanilang learning experiences sa tahanan at sa paaralan at dahil din sa panonood ngBatibot, mas nagiging handa ang mga ito sa kanilang pagpasok sa iskuwela at pakikihalubilo sa ibang tao.
Maliban sa mga bagong Batibot barkada, dapat din abangan ang mga feature themes katulad ng pag-iingat sa tahanan, sa komunidad at isang espesyal na episode tungkol sa water safety. Ito ay upang maiwasan ng mga bata ang mga aksidente na kadalasang sanhi ng kamatayan at injury sa bansa. Abangan ang Batibot Season 4 tuwing Sabado at five-minute shorts Lunes hanggang Biyernes, 8:30-9:00 ng umaga sa TV5.