Thursday, August 23, 2012

Lorna Tolentino at Nora Aunor magkakasama sa TV5!

Kaliwa't kanan ang tine-tape ngayon ni Superstar Ms. Nora Aunor sa TV5, ito ay bilang paghahanda na rin sa nalalapit niyang pagtulak sa ibayong dagat para sa pagsabak ng kanyang pelikulang "THY WOMB" sa mga International Film Festivals.

Kamakailan ay pinost ni Ms. Lorna Tolentino sa kanyang INSTAGRAM account ang mga larawan ng eksena nila ni Ate Guy.

Hindi pa malinaw kung ano ang magiging papel ng Superstar sa suspense-thriller series na ito ng Kapatid Network na napapanood tuwing LINGGO, 930PM.


Abangan natin ang mga karagdagang detalye tungkol sa espesyal na episode na ito ng "THIRD EYE".

Eula at Ritz, maghaharap sa Third Eye


Padami na ng padami ang tumututok sa Third Eye ng TV5 dahil sa mga kapanapanabik na mga eksena at mga kakaibang kontrabidang nakakalaban ni Cassandra (Eula Caballero). Sa Linggo, Agosto 26, si Ritz Azul ang makakatunggali ni Eula sa bago nitong epsiode. Madalas na pinagtatapat at pinagkukumpara ang dalawang dalaga pero giit ni Eula na walang namamagitang rivalry sa kanila ng kanyang kaibigan at fellow TV5 Princess na si Ritz. Excited pa nga daw si Eula dahil ito ang unang pagkakataon na magkakasama sila ni Ritz sa isang drama. Minsan nang nagkatrabaho si Eula at Ritz sa comedy show na Loko Moko.


Gagampanin ni Ritz ang papel ng isang mambabarang o mas kilala sa tawag na mangkukulam. Ano ang misteryong bumabalot sa mambabarang? May kinalaman kaya siya sa pagkawala ng boyfriend ni Cassandra? Ilan lamang iyan sa mga katanungang masasagot ngayong Linggo sa Third Eye, 9:30PM sa TV5. 

Not 1, but 2 'Iwa Motos'


Hindi lang isa kundi dalawang mapangahas na IWA MOTO ang nasa pabalat ngayon ng sikat na Men's Magazine na
Playboy Philippines.

Tampok ngayong Agosto ang Kapatid Sexy Star na tila nagpose ang isang kuwadra ng kabayo.

Playboy Philippines available na!

Tuesday, August 21, 2012

Bagong kinababaliwan: GAGA Dancers ng GAME 'n GO!


Usap-usapan ngayon ang Game N Go Assorted Dancers o GAGA DANCERS ng TV5.

Sila ang mga naggagandahang dancers mula sa iba't ibang panig na mundo tulad ng RUSSIA, AUSTRALIA at CUBA at pinagsama-sama para painitin ang ating SUNDAY TV viewing.

(Photo PinoyExchange.com)

Narito ang isa mga performances ng GAGA DANCERS 



Mapapanood ang GAGA Dancers sa GAME N GO, 12NN every SUNDAY sa TV5.


Bugbog Sarado si Claudine ngayong Sabado sa UNTOLD STORIES


Papel ng isang battered wife ang gagampanan ni Ms. Claudine Barretto ngayong Sabado sa UNTOLD STORIES ng TV5.

Kasama si Mr. Jay Manalo mapapanood sa unang pagkakataon ang  'Optimum Star' sa Kapatid Network. 



Malakas din ang bulong-bulungan na ang paglabas raw na ito ni Claudine sa Kapatid Network ang hudyat ng kanyang paglipat ng estasyon.



Mapapanood ang UNTOLD STORIES kasama si Ms. Amy Perez sa Sabado, Aug 25, 930PM pagkatapos ng ARTISTA ACADEMY Live Exams.

Bawal ang PLASTIC sa SM!



Effective September 1, 2012 SM Department Store, Supermalls (within QC Area) will charge on 'Environmental Fee' of P2.00 per plastic bag in compliance to Quezon City Ordinance SP-2140 , Regulating the Use of Plastic Bags.

Bring your own reusable recyclable bags or green eco bags when you shop at SM.

Artista Academy: 1st Kick Out - Chris Leonardo


Twenty-year-old Chris Leonardo of BiƱan, Laguna is the first student to be kicked out of Artista Academy after garnering the lowest score among his classmates or fellow showbiz aspirants in what is known as the grandest and most intensive artista search on Philippine TV. Artista Academy is giving away a total of P20 Million worth of total prizes to the grand winners at the end of the three-month competition.

Chris was expelled as a result of his combined grades from the Asian Academy of Television Arts (AATA) where all the Artista Academy students are undergoing comprehensive training under the best industry professionals, his scores from the Live Exam critics during his live performance last Saturday, and his total text votes from viewers.

With Chris out of the contest, the remaining 15 Artista Academy students who are out to prove themselves worthy of the P20 Million are Akihiro Blanco, Alberto Bruno, Benjo Leoncio, Brent Manzano, Chanel Morales, Jon Orlando, Julia Quisumbing, Malak So Shdifat, Mark Neumann, Marvelous Alejo, Nicole Estrada, Shaira Mae, Sophie Albert, Stephanie Rowe, and Vin Abrenica.

To vote for the student you want to save from expulsion, key in AA and send to 5656.

Artista Academy airs weeknights at 9:00 p.m. and Saturdays at 8:30 p.m.

Thursday, July 19, 2012

Eula Caballero, bida sa Third Eye ng TV5!


Simula Hulyo 29, mapapanood na ang supernatural drama ng TV5, ang Third Eye. Pinagbibidahan ito ng ilan sa pinakamagaling na artista sa industriya tulad nina Grandslam Actress na si Lorna Tolentino, award-winning actor Eddie Garcia at TV5 Princess na si Eula Caballero sa kanyang unang leading role.

Gagampanan ni Eula ang papel ni Cassandra, isang dalagang nag-iimbestiga sa misteryosong pagkawala ng kanyang nobyo. Sa kanyang paghahanap, madidisikubre ni Cassandra na meron siyang kakayahang makakita ng mga maligno at engkanto.

Mula sa direksyon nina Toppel Lee, Robert Quebral, Benedict Mique at Rahyan Carlos, kapana-panabik ang bawat episode ng Third Eye kung saan makikita ang iba’t-ibang karakter na hango sa Philippine folklore, mythology at pop culture. Hindi tulad ng nakasanayan, sa Maynila ang setting nito.

Kabilang din sa Third Eye sina Daniel Matsunaga, Victor Silayan, Clint Gabo, and Jenny Miller.


 Huwag kaligtaan ang premiere ng Third Eye sa Hulyo 29, 9:30 ng gabi pagkatapos ng Who Wants To Be A Millionaire sa TV5. 

TV5 babalutin ng hiwaga sa kauna-unahang eco-fantasyang Enchanted Garden


Pasukin ang isang mahiwagang mundo at tuklasin ang kahulugan ng tunay na pag-ibig sa kauna-unahang eco-fantasya ng TV5, ang Enchanted Garden na magsisimula na sa Hulyo 30.

Mamangha sa hatid nitong mystical drama na paniguradong tatatak sa puso at isipan ng mga manonood. Tunghayan ang napakagandang istoryang iikot sa alitan sa pagitan ng magkakapatid, ang pananaig ng pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak at ang kahulugan ng walang hanggang pagmamahal. Sa pamamagitan ng Enchanted Garden, nais din ng TV5 na i-angat ang kaalaman ng mga manonood tungkol sa wastong pag-aalaga sa mga likas na yaman. Layunin ng Enchanted Garden na maghatid hindi lamang ng isang de-kalidad na eco-fantasya kundi pati na rin ang pagbukas sa isipan ng mga manonood tungkol sa kahalagahan ng pag-alaga sa kalikasan. 

Sa direksyon ng mga award-winning directors na sina Joel Lamangan, Joyce Bernal at Eric Quizon, ang Enchanted Garden ay binubuo din ng mga naglalakihan at nagpipitagang Kapatid stars na sina Ruffa Gutierrez, Alice Dixson, Rufa Mae Quinto, Alex Gonzaga, BB Gandanghari at Zoren Legaspi. Kasama din sa eco-fantasya na ito ang mga leading men ng TV5 na sina Martin Escudero, Edgar Allan Guzman at Daniel Matsunaga pati na rin sina Meg Imperial, Marita Zobel, Gladys Reyes, Luz Valdez, Jim Pebangco at Tony Mabesa.

Magsisimula ang kwento ng Enchanted Garden sa mahiwagang hardin ng Eden. Ang mundong ito ay karugtong ng mundo ng mga tao pero ito ang tahanan ng mga “bantay” ng kalikasan. Pinamumunuan ito ni Reyna Jasmina (Marita Zobel), kasama ang kanyang mga anak na sina Alvera (Alice Dixson), Valerianna (Ruffa Gutierrez) at Quassia (Rufa Mae Quinto). Ang mabuting pagsasamahan ng mga magkakapatid ay susubukin ng pag-ibig nang malaman ni Valerianna ang pagmamahalan nina Menandro (Zoren Legaspi) at Alvera.

Mapapanood ang Enchanted Garden simula July 30 (LUNES) 630PM bago ang Wiltime Bigtime sa TV5!

Artista Academy ng TV5, magbubukas na ngayong Hulyo 30


Ang pinakamalaki at pinaka-intensive na artista search sa bansa ay magsisimula na sa pagbubukas ng Artista Academy ng TV5 ngayong July 30. Ang Artista Academy ang nag-iisang reality-based talent competition sa Pilipinas na nagbibigay ng totoong artista training mula sa isang lehitimong school of television arts. Labing-anim na finalists na may edad 16 hanggang 22 ang magpapaligsahan para sa P20 Million na total prizes at para sa karangalang maitanghal bilang Best Actor at Best Actress ng Artista Academy.



Mabibigyan ng full scholarship sa AATA ang 16 Artista Academy finalists at sasailalim sila sa komprohensibong training mula sa pinakamagagaling sa industriya, kabilang ang multi-awarded director na si Joel Lamangan, ang music master na si Louie Ocampo, ang dance guru na si Georcelle Dapat of G Force, at ilan pa sa mga tinitingala at ginagalang na TV professionals at celebrities sa bansa.


Ang acclaimed film and TV director na si Mac Alejandre na siya ring head ng TV5 Talent Center ang director ng Artista Academy. Makakatrabaho niya ang kilalang Entertainment executive at Head ng AATA na si Wilma Galvante

Bukod sa P20 Million total prizes na mapapanalunan ng Artista Academy Best Actor at Best Actress, bibigyan din sila ng TV5 ng lead roles sa isang teleserye. Hindi lamang sila makakakuha ng tamang acting training mula sa AATA para maging karapat-dapat na future stars ng industriya, sila rin ang ituturing na pinakamayaman sa lahat ng mga naging winner sa kasaysayan ng mga talent search sa bansa.

Ang Artista Academy hosts na sina Cesar Montano at Marvin Agustin ay makakasama ng 16 finalists sa kanilang pag-abot sa kanilang pangarap. Bilang Live Exam Presenter, mapapanood si Cesar tuwing Sabado ng gabi bilang host ng live performance night ng programa. Si Marvin naman ang reality host na magbabahagi ng totoong drama sa buhay ng bawat isang Artista Academy finalist gabi-gabi. Mapapanood din bilang Live Exam critics tuwing Sabado ng gabi ang Grand Slam Actress na si Lorna Tolentino at ang kilalang actress-host na si Gelli De Belen.

Mapapanood ang Artista Academy simula ngayong July 30, 930PM sa TV5!

Friday, June 15, 2012

Extreme Makeover Home Edition Philippines builds 28 new homes for its finale


Throughout its run, Extreme Makeover Home Edition Philippines amazed its audiences with near-impossible feats of demolishing and building new homes for deserving Filipino families in a short time. This Sunday, the show ends its first season with colossal task–building 28 families for lucky families in Dupax del Norte, Nueva Vizcaya. This task marks a first in Philippine TV history and the show’s international franchise. 

Last week’s episode introduced the twenty eight lucky families who will receive houses, livelihood packages and medical assistance from the program and its partners. The journey continues as Paolo Bediones and the rest of the Design Team reveal the new homes constructed for their community. Kapatid Superstar Nora Aunor also makes an appearance to surprise the families.

Don’t miss this historic occasion and catch Extreme Makeover Home Edition Philippines this Sunday, June 17, 8:30PM only on TV5.

Thursday, June 14, 2012

Isang hunk at isang sexy girl kasali sa Game ‘N Go


Ngayong Linggo na ang first episode ng Game ‘N Go ang pinakabagong Sunday noontime program ng TV5. Pinangungunahan ito ng mga batikang hosts na sina Joey de Leon, Edu Manzano, Arnell Ignacio, Gelli de Belen, at Shalani Soledad-Romulo. Pero bukod sa kanila may mga umuugong na balita na meron pang dalawang bagong mukha ang sasali sa nasabing show.

Ayon sa nasagap naming balita isang Hunk at isang Sexy Girl ang ipapakilala ng Game ‘N Go sa darating na Linggo. Heartbroken daw ang drama ng Hunk samantalang model naman ng isang sikat na food brand si Sexy Girl. Sino kaya sila? Dapat yang abangan sa Game ‘N Go ngayong Linggo, Hunyo 17 sa TV5.  


Thursday, June 7, 2012

Mga Kandidata ng Miss World Philippines 2012 ipinakilala na!


Hunyo 7, 2012, Centennial Hall, Manila Hotel – Ang malawakang paghahanap ay nagtatapos ngayong araw sa pagpapakilala ng TV5 at Miss World Philippines sa 25 opisyal na kandidata na maglalaban para sa titulong Miss World Philippines 2012.


Sa pagdiriwang ng ganda at kinang ng Pinay, inaabangan ang 25 iba’t-ibang ganda ng dalagang Pilipina na hinanap sa iba’t-ibang sulok ng bansa. Ang mapalad na 25 na dalaga ay susuong sa masusing pagkilatis na susukat sa kanilang talent, poise, talino at kawang-gawa. Ang motto ng Miss World Philippines na “Beauty in Giving” ay nagbibigay diin sa adbokasiya ng Miss World na “Beauty with a Purpose.” Layunin nito na tulungan ang kapus palad na kababaihan at kabataan sa mundo.

Naroon sa Press Presentation ang Chairperson ng CQGQ, Inc. at may-ari ng Miss World Philippine franchise ma si Cory Quirino. Tampok din ang Miss World 2011 First Princess na si Gwendoline Ramos Ruais.


“We are very excited about this year’s staging of Miss World Philippines,” saad ni Ms. Quirino. “With the help of TV5, we were able to travel all over the country in search of ladies who can best represent the Philippines and the Miss World cause. This gives us a better chance in winning the Miss World crown this year,” dagdag pa niya.


Ang magarbong Coronation Night ay gaganapin sa makasaysayang Manila Hotel. Nagbabalik Miss World na man ang dating Miss World 2nd Princess at aktres na si Ruffa Gutierrez bilang host kasama ang Game ‘n Go host na si Edu Manzano. Ang Grand Coronation Night ay mapapanood ng live mula sa Manila Hotel Tent sa Hunyo 24, 8:30PM sa TV5.