Isa na siguro sa pinaka-inutil na proyekto ng pamahalaan
ang pagkakalikha ng footbridge na ito sa Valenzuela.
Maniniwala ba kayong pang 2 tao lang ito?
at kapag umuulan at may dala kang payong eh isang tao lang
ang pwedeng dumaan?
Ang inutil diba? Sayang sa pera.
3 comments:
Pasaway nga kaming mga taga-Valenzuela,, may footbridge na nga, ayaw pang gamitin. Talagang tumatawid pa rin kami kahit may mga redboys. :D:D
Pero mahirap sya talaga gamitin lalo na pag may bitbit kang payong ;-p
kailangan kasi nilang gamitin ang 'nakalaang pondo' para sa kanilang lugar at para na ring masabing meron silang 'footbridge'....talagang walang silbi ito sa mga tao lalo na sa mga nagmamadali. Kamakailan lamang ay nilagyan pa ng 'railings' o kulungan ang gilid ng baranggay Marulas malapit sa BBB stoplight....talaga bang gagawing kulungan ang mga kalsada sa Maynila upang mapasunod sa batas trapiko ang mga tao? Mas kailangan ng mga taga-lalawigan ang 'tulay' sa kanilang pang-araw-araw na kabuhayan lalo na ng mag-aaral dun. Iba kasi ang palakad ng 'pamahalaan' pagdating sa taunang pondong kanilang natatanggap....kung sa pribadong kumpanya ay natutuwa ang lahat pag nakapagtitipid at nagagamit para sa susunod na taon ang pondong di nagalaw ngayong taon, sa pamahalaan ay baliktad; kailangan nilang i-liquidate o gastusin ang pondong nailaan ultimo sa huling sentimo nito.
Post a Comment