Gustung-gusto ni Senadora Miriam Defensor Santiago ang personalidad ng ex-girlfriend ni Pangulong Benigno Aquino III na si Valenzuela Councilor Shalani Soledad subalit minsan trip ng senadora na hagisan ng paputok ang mahinhing konsehala.
Ayon kay Santiago, hindi man siya madalas manuod ng programang Willing Willie kung saan co-host si Shalani, gusto niya ang ugali ng konsehala dahil sa pagiging humble o mababang loob nito.
“I like her because she is humble. She does not show off. She’s not unne cessarily raising eyebrows but I just wish she is more assertive,” dagdag pa ng senadora.
Pagkukuwento pa ng senadora, minsan ay biniro pa niya ang kanyang asawa na gusto niyang magtungo sa programa ni Shalani dahil masyadong mahinhin itong kumilos sa kanyang programa.
“Sometimes I kid my husband, I should go to the studio and throw a firecracker at her to be a little more animated. But I like her,” kwento pa ni Santiago.
***Mapapanood ang Willing Willie sa TV5 Lunes-Biyernes (6:30PM) Sabado 5PM
No comments:
Post a Comment