Kilala ng marami ang 'FATIMA' sa Valenzuela bilang
isang ospital o dili kaya'y isang medical school na
nakapaglilikha ng mga mahuhusay ng mga nurses at doctor.
Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat ang "Tunay ng Fatima"
sa Lungsod ng Valenzuela ay isang napakagandang parokya
at dambana ng ating Mahal na Ina na nakahimlay sa tuktok ng
tila isang burol sa ng isang tahimik na Barangay.
Napakalaki ang papel na ginampanan ng simbahang ito
sa aking 'spiritual formation'. Bilang 'mother-parish' ng
aming kapilya noong 'Sto Kristo at Sto. Rosario sa Karuhatan'
karamihan sa mga oras ng gampanin ko noon (circa 1994-97)
bilang isang lay-server ay iginugol ko rito. Kabilang na
ang pagiging Ostiariate, Youth Apostolate of Fatima Member,
Family Server sa Buwanang Family Mass, minsanang Koro o
pwede ding Lector.
Isang taong paghahanda ang ginawa upang mapatingkad
ginintuang anibersaryo ng Parokya at
Pambansang Dambana ng Birhen ng Fatima sa Valenzuela.
Sa Lunes, halina at makiisa sa natatanging pagdiriwang na ito,
hindi lamang ng mga Marian devotees, kundi maging lahat ng
mga taong naging bahagi ng marikit nitong kasaysayan.
Mabuhay ang Parokya at Dambana ng Mahal na Birhen ng Fatima!
Mahal na Birhen ng Fatima, Ipanalangin mo kami!
(Larawan mula sa National Shrine of Our Lady of Fatima Valenzuela's Flickr)
1 comment:
Kaya pala may mga parang banderitas sa paglabas ng bahay namin.
Post a Comment