Monday, September 19, 2011

Number 1 ang TV5 sa Sunday Primetime!


Namayagpag ang Kapatid Network sa primetime (6pm to 10pm) noong nakaraang Linggo (Setyembre 18) matapos itong magtala ng 8.5% AMR (28.8% audience share) -- mas mataas kumpara sa 8.3% AMR (28.1% audience share) ng ABS-CBN at 7.8% AMR (26.5% audience share) ng GMA, ayon sa datos ng Nielsen Media Research sa Mega Manila.

Bidang-bida tuwing Linggo ang mga makabuluhang programang nagpapahalaga sa mabuting asal, edukasyon at galing ng Pinoy—ang Pidol’s Wonderland ni Comedy King Dolphy tuwing 5:30pm, Pinoy Explorer ni Aga Muhlach sa ganap na 6:30pm, Who Wants to Be a Millionaire ni Bossing Vic Sotto pagsapit ng 7:30pm at Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo tuwing 8:30pm.

Sa pagbubukas ng pinakamalaking edutainment program sa Philippine TV, ang Pinoy Explorer ang nanguna sa paghahatid ng highly entertaining at informative content para sa mga viewers, kasama si Aga Muhlach sa paglalakbay sa world-renowned Wyoming Dinosaur Center sa Amerika. Ipinakita din sa programa ang mundo ng mga dinosaur sa pamamagitan ng 3D clips ng “Clash of the Titans” series at ng “Walking with Dinosaurs” ng BBC.

Samantala, angWho Wants toBe aMillionaire? naman ang pinaka-tinutukang programa sa buong araw ng Linggo (2am to 2am) na may 11.1% AMR (33.6% audience share). Umukit ng kasaysayan ang episode ng pinakasikat na game show ng mundo matapos manalo ng P2 milyon ang 28-anyos na si Karl Jonathan Aguilar, ang kauna-unahang non-celebrity sa Pilipinas na nanalo ng jackpot. Dahil sa madalas na panunuksong hatid ng kanyang kapansanan na cleft palet o bingot, ibuinuhos na lang ni Karl ang oras sa pag-aaral at pagbabasa ng aklat habang lumalaki. Nagbunga naman ang pagpupursige ng binatang publishing specialist makaraan siyang sumalang at maglaro ng walang kahirap-hirap sa programa.

Ang telecast naman ng TV5 sa bakbakang Mayweather vs. Ortiz ang pinaka-pinanood na programa noong Linggo ng umaga. Ayon sa NUTAM data ng Nielsen, ang labang Floyd Mayweather vs Victor Ortiz ay nagtala ng 10.5% AMR na naka-knockout sa 5% AMR ng ASAP Rocks ng ABS-CBN at sa 4.6% AMR ng Party Pilipinas ng GMA.

1 comment:

Dale said...

I like the Sunday lineup, walang WR. :))