Tuesday, March 27, 2012

Face to Face susuyurin ang mga baranggay sa Pilipinas sa ikalawang anibersaryo


Habang parami nang parami ang mga sumusubaybay, lalong lumalawak ang naaabot ng Face to Face sa pagpasok ng nangungunang talakserye sa ikatlong taon nito. Buong linggong ihahatid ng barangay hall on-air ang malalaking harapan ng mga sangkot sa isyu sa “Barangay Face to Face” simula Lunes hanggang Biyernes (Marso 26-30), 10:30 ng umaga sa TV5.

Dahil sa popularidad ng Face to Face sa buong Pilipinas, susuyurin ng programa ang iba’t ibang panig ng bansa upang masolusyonan ang mga hindi pagkakaunawaan sa mismong mga barangay.


Matapos dayuhin ang Pangasinan ngayong

Miyerkules, unang pagkakataong dadayuhin ng Face to Face ang Kabisayaan upang alamin ang diumano’y pakikialam ng siga raw na si Evelyn sa mga tao sa lugar nila. Handang-handa na ang mga Bisaya upang maki-Face to Face sa episode na “Mataas ang pride, kahit gutom ay ’di hihingi ng tulong?”


Sa Huwebes naman, byaheng-San Roque sa Cebu City ang talakserye upang pagharapin ang mga nagbubungguang kampo kabilang na si Nica, ang legal na asawa na diumano’y pinipindeho ng mister na si Windell. Pahayag naman ni Joy, ang umano’y nang-agaw ng asawa, hindi masisisi si Windell kung siya ang pipiliin nito dahil hindi raw nabibigay ni Nica ang sekswal na pangangailangan ng asawa. Dagdag pa niya, hindi rin kagwapuhan ang kinakasama niyang si Lester kaya nahumaling siya sa poging si Windell. Alamin ang kahahantungan ng istorya sa “Wala ka kasing kwenta sa kama kaya asawa mo, sa akin nagpapakaligaya!”

Sa Queen City of the South pa rin ang destinasyon ng Face to Face sa Biyernes upang alamin ang kwento ng tatlong magkukumareng nahumaling sa iisang lalake dahil sa husay nito sa pagkanta. Magkakaayos pa kaya ang tatlo?


Buong linggo ng maiinit na usapan na kapupulutan ng aral ang sasainyo sa ikalawang anibersaryo ng Face to Face simula ngayong Lunes (Marso 25). Huwag palalampasin ang kaabang-abang na mga tagpo, Lunes-Biyernes, 10:30 ng umaga sa TV5.

No comments: