Showing posts with label Arci Munoz. Show all posts
Showing posts with label Arci Munoz. Show all posts

Wednesday, June 6, 2012

Arci Munoz sa Miss World 2012 Philippines Pageant?


Matagal na raw balak ni FELINA star Arci Munoz na sumali sa isang beauty contest. Sa mga TV5 events laging pabirong nag-eensayo si Arci na kunwa'y isang contestant
sa isang pageant. 

Kaya naman noong minsang mag-krus ang landas nina Arci at ni Ms. Cory Quirino, ang Pageant Director ng Miss World Philippines sa isang mall show ng TV5 sa Cebu, ay muling nabuhay ang interes ng dalagang sumali sa pageant.



Agad na nag-fill-up ng MWP Application form si Arci na isa sa mga requirement upang makapasok sa screening ng mga nagnanais sumali sa naturang beauty contest.

Pero noong panahong iyon ay di pa ganun kasigurado ang dalaga dahil hindi pa daw siya nakakapag-paalam sa kanyang manager na si Ms. Anabelle Rama. Kaya laking gulat na lang ng lahat ng biglang sumipot si Arci sa final screening ng Miss World 2012 Philippines sa TV5 Studio sa Broadway kahapon (June 5)

Mapapanood ang Miss World 2012 Philippines Coronation night ngayong Hunyo sa TV5! Gaganapin naman ang Miss World main pageant ngayong Agosto sa Inner Mongolia, China at papalabas din sa TV5.

Saturday, September 10, 2011

Unang Sulyap kay Felina, Prinsesa ng mga Pusa

Narito ang unang sulyap kay Arci Munoz bilang Felina, Prinsesa ng mga Pusa.



Bida si Arci sa kakaibang DramaSeryeng ito ng TV5 na mapapanood sa hapon.
Makakasama din niya sa Felina sina Leandro Munoz at Ahron Villena.

Mapapanood na ang Felina, Prinsesa ng mga Pusa sa Oktubre.

Monday, September 5, 2011

Nangangalmot daw si Arci Munoz?


May bali-balitang nangangalmot daw si Arci Munoz?


Nag-eensayo na ata ang dalaga para sa kanyang role sa bagong DramaSerye ng TV5.
Ayon sa mga ulat, si Arci ang gaganap bilang FELINA, Ang Prinsesa ng mga Pusa na mapapanood sa Kapatid Network soon.


Ito ang kauna-unahang serye ng TV5 na mapapanood sa hapon.

Ano kaya ang magiging hitsura ni Arci kapag siya ay naging pusa?

Friday, March 18, 2011

Mga Nagbabagang Bulaklak OST - 'Init sa Magdamag"

Narito ang "Init sa Magdamag" ang themesong
ng bagong Dramaserye ng TV5 na
'Mga Nagbabagang Bulaklak'.

Ito ay inawit ng mga Viva Artists na sina Marvin Ong
at Maffy Soler para lamang sa natatanging
proyektong ito ng 'Happy Network'.


Circa 1980's nang pinasikat ni Sharon Cuneta ang awit
na ito ka-duet si Nonoy Zuniga.

Naging titulo din ito ng pelikula sa parehong dekada
na pinagbidahan naman ni Lorna Tolentino.