Showing posts with label TV Commercial. Show all posts
Showing posts with label TV Commercial. Show all posts

Tuesday, June 23, 2009

Techie Lola!

Magugulat ka ba pang narinig mo ang lola mong
nagsabi nang salitang:
YOUTUBE
FACEBOOK
SUPERPOKE
POKEBACK
PICS
P'wes narito ang latest TVC ng BayanDSL: tampok ang
isang hi-tech na lola!
Ang eksena: Si Lola kausap ata ang apo niya,
nagrereklamo dahil hindi ata siya pinapansin.
Ang nakakaalis sa patalastas na ito ay ang
di karaniwang eksena na makita ang mga nakakatandang
binibigkas ang mga salitang tila yata bagay lang
sa mga bata.

Panoorin ang buong TVC dito:




Tuesday, May 26, 2009

Sabi ko na nga ba!

Makaraang umere ng ilang linggo sa telebisyon,
agad na ipinull-out ng LBC ang kanilang bagong patalastas
na may project title na "SPELLING BEE"
Ito ay makaraang makatanggap ang LBC ng
liham mula sa kalihim ng DepEd na si Secretary Jesli Lapuz.
Ani Lapuz, ito ay maaaring magturo na mali sa mga
estudyante pagdating sa pagbabaybay o spelling.


Sa patalastas, ang emcee na ginampanan ni Edu Manzano
ay nagtatanong sa mga spelling bee contestants kung
paano ibaybay ang salitang "remittance", "affordable” at
“convenience" sasagot naman ang mga bata ng L-B-C.

Panuorin ang patalastas
dito!