Wednesday, February 18, 2009

Carienderiang Bukas sa Lahat

Open na Open ang tindahang
ito para sa lahat!


Salamat Leilani para sa larawang ito.

Wednesday, February 11, 2009

Bebe Gandanghari

Lumutang sa internet kamakailan ang
ilang larawan ng kontrobersyal na si
Bebe Gandanghari.
Glamorosa sa kanyang bagong anyo, todo-bigay
ang dating aktor na si Rustom Padilla sa
kanyang pictorial.








Ano kaya ang masasabi ng kanyang dating kabiyak na si
Carmina Villaroel?



Larawan ni Carmina mula sa FLICKR ni Mark Nicdao.

Tuesday, February 10, 2009

JOBAMA for President!


Ang dami na nilang gustong maging presidente!

Bonggang-Bonggang Palengke


This Market Zone is monitored
by CCTV Camera!

Di pwedeng mandukot! Di pwedeng mandaya,
Dahil sa Marikina may CCTV camera.

Bukod sa pagiging malinis ng Lungsod ng Marikina,
may mga nakatutok pang mga Closed Circuit Television Camera
sa paligid ng kanilang pamilihang bayan.

Sabi pa nila Automatic daw ang gripo sa mga public toilet nila.

Monday, February 9, 2009

Boyce Avenue dadalaw sa Pinas!

Nakatakdang magtanghal sa bansa ang
Youtube Sensation Band na BOYCE AVENUE.
Ayon sa Starmometer.com mapapanood ang banda sa
Metro Manila at Cebu ng LIBRE!

Narito ang schedule ng kanilang Philippine tour:
February 12 - SM Cebu, 6:00 p.m.
February 13 - SM Mall of Asia, 7:00 p.m.
February 14 - SM North Edsa, 5:00 p.m.
February 15 - SM Megamall, 7:30 p.m.
Sumikat ang Boyce Avenue makaraang i-upload nila
ang mga video ng kanilang version ng mga sikat na awiting
NO AIR, BLEEDING LOVE at marami pang iba sa
Video Sharing site na Youtube.
More about Boyce Avenue here:

Tuesday, February 3, 2009

Michael Phelps Scandal

Huling-huli sa aktong gumagamit ng Marijuana ang tinaguriang
'Greatest Athlete of the Beijing Olympics' na si Michael Phelps.

Sa isang eksklusibong larawan ng NEWS of the WORLD UK
kitang-kita humihigop ang sikat na atleta sa isang cannabis pipe.
Sa isang hiwalay na ulat, humingi ng paumanhin si Phelps
at umaming siya ang nasa larawan.

Matatandaang nanalo ng Walong Gold Medal ang kontrobersyal
na atleta sa katatapos lamang na Beijing Olympics.

Larawan mula sa newsoftheworld.co.uk

Salamat Charlene sa pagbabahagi ng istorya!

Wednesday, January 21, 2009

Finally! Lumayo Ka Man sa Akin 2009 Edition

Matapos ang malalimang pagsasaliksik, nahanap ko din ang
sample ng awiting bumabagabag sa lahat.



Inawit daw pala ito ni Moymoy Palaboy.


Wadrobe Malfunction

Ano ang gagawin mo kung sa kalagitnaan ng iyong
pagsasayaw ay nahubo ang damit mo?
at bilga mong naalaala na wala ka palang suot na Bra?
Ito marahil ang naisip ni Russian Figure Skater
Ekaterina Rubleva.

Hindi inalintana ng figure skater ang kakahiyang pangyayari
at pinagpatuloy pa rin ang kanilang pagsasayaw.
Nakuha nila ang ika-12 gantimpala sa sinalihang patimpalak.
Source: metro.co.uk

Thursday, January 15, 2009

Lumaklak Ka Man Sa Akin

Naalala nyo pa ba ang mga awiting "Lumayo ka Man sa Akin"
na pinasikat ni Rodel Naval at isinapelikula naman
noong 1992 na kinatampukan ni Ms. Gretchen Barretto.



Eh ang kantang "Laklak" ng grupong The Teeth?



Pa'no kaya ang mangyayari kung pinaghalo ang kantang ito?
Imagine Lumayo ka man sa akin ang tono pero laklak ang Lyrics!!!

Hindi ko lang alam kung sino ang kumanta.

Wednesday, January 14, 2009

Karen Davila, Suspendido?

"Karen Davila, who had just won the TOYM award,
has been suspended for two weeks by the ABS-CBN management
after the broadcaster was quoted in an advocacy article on
cervical cancer sponsored by Glaxo Smith Kline. "
Source: Cocktales by Victor Agustin

Tuesday, January 13, 2009

Dibdibang Talent

Narito ang isang performance na tiyak na dudurog sa
inyong mga puso, Lalo na sa mga kababaihan.



Pinakikilala si Busty Heart! Isa sa mga kalahok sa
sikat na palabas na America's Got Talent.
GIRLS, Don't try this at home lalo na kung wala naman
kayong boobs.

Games Uplate Live Romania Edition

Kung ikaw ay host ng isang Interactive TV Gameshow at walang
tumatawag para sumali, ano ang gagawin mo? Ganito ba...

Dibdibang hinarap ni Adela Lupse, Romanian TV Host
ang pagkakasibak sa kanya sa isang live phone in quiz show
makaraang mabwisit ito dahil walang makatama sa kanilang
tanong.
Bukod sa pagkakatanggal sa naturang show na kaniyang
hinawakan sa loob ng 3 taon, pinagmulta pa ang
TV station na pinagtatrabahuhan ni Adela.

Monday, January 12, 2009

Alabang Boys

Ang mug shot ay larawan ng isang indibidwal makaraang ito ay madakip
o maaresto dahil sa isang kaso.

Kadikit na marahil ng mug shot ang isang di kagandahang repustasyon
dahil karaniwang ito ay ginagawa sa mga kriminal o
sa isang taong pinaghihinalaang lumabag sa batas.

Narito ang ilan sa mga pamosong larawan naging bahagi na ng
kasaysayan:
Si Dating Pangulong Estrada:
Sa Kasong Pandarambong

Si Lance Corporal Daniel Smith:
Na Sangkot umano sa Subic Rape Case

At siyempre ang pinakamasayang mugshot sa lahat:
THE ALABANG BOYS!

Pasok Andrew E. ...

Iron Man

Makikilala mo na ang tunay na Iron Man.
Hindi siya ang Superhero na ating kinalakihan.
Pinakikilala si Diver 59! Isa lamang sa madaming
nagplansta sa ilalim ng tubig.


Sinasabing 86 ang kabuuan ng lahat ng mga divers na sumisid
sa Chepstow Wales na naglalayong mapasama sa
Guiness Book of World Records.

Wednesday, January 7, 2009

Motivation mo para sa 2009!

Long Weekends for 2009 dito sa Pinas!


April 9 - 13, Thursday to Monday - Maundy Thursday, Good Friday, and Araw ng Kagitingan (Bataan and Corregidor day) (5 days)
May 1 - 3, Friday to Sunday - Labor Day (3 days)

June 12 - 14, Friday to Sunday - Independence Day (3 days)

August 22 - 24, Saturday to Monday - Ninoy Aquino day (3 days)

August 29 - 31, Saturday to Monday - National Heroes' day (3 days)

November 28 - 30, Saturday to Monday - Andres Bonifacio day (3 days)

December 25- 27 Friday to Sunday - Christmas Day (3 days)

December 30 -31 Wednesday to Thursday - (Rizal Day) to January 1-3, 2010 (New Year) Friday to Sunday (5 days)


Well, syempre may mga madadagdagan pa dyan depende sa mood ni GMA.

Tuesday, January 6, 2009

Ang Exclusibus!

Wala ka nang dahilan para manatiling Oily, Haggard,
Stressed, Dugyot dahil kung wala kang time pumunta
sa parlor, ang parlor na ang pupunta sa iyo!


Ipinakikilala ang EXCLUSIBus ng HBC.
Nakita ko yan sa may Novaliches, malapit sa kanilang
Corporate Center.

Sago't Gulaman in an Instant!

Noong una Iced Tea lang, ngayon pati Sago't Gulaman,
mabibili na agad-agad!



Ayon sa http://pinoycentric.com P20 lang daw kada bote ang SnG Sago't Gulaman.
Mukhang Masarap at nakakaintriga ang lasa.



Mag samalamig na!

Tuesday, December 23, 2008

Twilight Pinoy Version

Magbubunyi kaya ang mga Twilight fans kapag nalaman
nilang tila yata may nilulutong Pinoy Version ng
'TWILIGHT'?
Bali-balitang sina Rayver Cruz at Shaina Magdayao
ang gaganap sa lead roles ng naturang palabas
na pinamagatan daw na 'TAKIPSILIM'
Ang pelikulang Twilight ay base sa isang sikat na nobelang
likha ni Stephenie Meyer.
Kinalokohan kamakailan ng mga fans ang pagsasapelikula
ng naturang aklat.

Maligayang Pasko sa Inyong Lahat!



Maligayang Pasko!

Ang Station ID, Bow.

Taon-taon tuwing magpapasko ay inaabangan ng mga die-hard
Kapuso at Kapamilya fans ang ipinagmamalaking Station ID
ng kanilang mga paboritong Istasyon.
Ngayong taon, isang kontrobersiya ang kumalat sa internet.

Matagal nang kumakalat sa internet ang'viral' video sa umano'y
pag-kopya ng Kapamilya sa Opening billboard ng Popstar Kids ng QTV 11.



Ilang mga eksena ang tila nga hawig sa isa't isa.



Masusing pinagtagpi-tagpi ng gumawa ng video ang mga piling

eksena.



Panoorin ang kabuuan ng video dito -

http://www.youtube.com/watch?v=BiafH14vaOU


KAYO NA ANG HUMUSGA!

Sunday, December 21, 2008

The Wart Man Chronicles

Makailang beses nang naitampok dito ang kalunos-lunos na
kalagayan ni Dede ng Indonesia o ang tinaguriang Wart Man
dahil sa kanyang mga Kulugo sa katawan.
Nitong Agosto ay matagumpay na nairaos ang operasyon
kay Dede.
Ngunit nitong Ika-19 ng Disyembre lamang
ay muli siyang nangamba dahil sa panunumbalik ng mga warts
niya sa katawan.
Pinangangambahang muling sasailalim sa operasyon
si Dede upang maagapan ang muling pagkalat ng
mga kulugo sa kanyang katawan.

Thursday, December 18, 2008

Basahan ang Noche Buena nila.

Balat ng Baka na kinatay anim na taon na ang nakakaraan
ang ginagawang pagkain ng mga tao sa Zimbabwe.

Ayon sa Metro.co.uk, orihinal na ginagamit bilang basahan ng mga
residente ng naturang bansa ang mga balat ng baka.
Matatandaang sa bansang Haiti naman kamakailan ay nauso ang pagkain ng
MUD COOKIES - o mga tinapay na gawa sa putik.


Dahil sa hirap ng buhay at kagutuman nagiging mapamaraan
na ang mga Africans upang maibsan ang kalam ng kanilang mga sikmura.

Monday, December 15, 2008

Bush, Magaling Umilag!

Mahusay palang umilag itong si outgoing US President
George W. Bush!
Ito ay makaraang batuhin si Bush ng sapatos, not once, but twice
ng isang di kilalang Iraqi Journalist.

Kitang Kita naman na agad na umilag si Bush upang iwasan
ang flying sapatos. Habang akma namang sinalo ng katabing Prime Minister
ang paparating pang Shoe#2.


Maaari bang marentahan ang reporter na yan,
papadala ko lang sa Malakanyang.

Friday, December 12, 2008

Obama Nag-State Visit sa RP!?

Kamukha diba?





Kung sino ka man, magpakilala ka sa akin!
Salamat Char / Ady sa larawan.

For Sale!

Sino ang gustong bumili nito?
Island for SALE?!
Salamat Macy Coquia para sa larawan!

Sunday, December 7, 2008

Marky Cielo, 20

Starstruck Batch 3 Ultimate Survivor Marky Cielo
died at dawn today (according to PEP.ph), December 7, 2008.
Si Marky ay 20 Years Old.
Hinihinalang Acute Hemorrhagic Pancreatitis o
 Mala-bangungot ang ikinamatay ng Batang Aktor.
Ngunit ayon sa ibang mga ulat: Gabi bago matagpuang
patay si Marky ay may kausap ito sa kanyang celphone at umiiyak
sa labas ng isang Internet Cafe sa Tomas Morato, QC
.
Larawan mula sa www.igorotblogger.com

Friday, December 5, 2008

You and Me Against the World!

Makikita nang magkasama muli sa telebisyon si
Ms. Gretchen Barretto at Mr. Gabby Concepcion!

Panoorin kung magwawagi si Gabby
sa Pinak-Glamorous na Gameshow
sa Philippine Television ang
- You and Me Against the World

Mapapanood ito tuwing Linggo, 7-8PM sa TV5.

Sunday, November 30, 2008

Sino ang Magwawagi?

Sino ang pinakamagiting?

Ang Pambansang Kamao?



 o si Oscar Dela Hoya?
Aabangan natin yan!

Friday, November 21, 2008

Jinky Oda is back!

Nagbabalik eksena si Bale a.k.a Jinky Oda na sumikat sa Sitcom noon na Okay Ka Fairy ko.

Kilala si Jinky bilang isang maitim na babae na naging susi sa kanyang tinamong kasikatan.


Ngunit nagulat ang lahat dahil iba na ang anyo ni Ms. Jinky Oda.




Dyaran! Maputi na siya...at may billboard pa!


Glutamax, Mabibili sa inyong suking tindahan.