Wednesday, January 21, 2009

Finally! Lumayo Ka Man sa Akin 2009 Edition

Matapos ang malalimang pagsasaliksik, nahanap ko din ang
sample ng awiting bumabagabag sa lahat.



Inawit daw pala ito ni Moymoy Palaboy.


Wadrobe Malfunction

Ano ang gagawin mo kung sa kalagitnaan ng iyong
pagsasayaw ay nahubo ang damit mo?
at bilga mong naalaala na wala ka palang suot na Bra?
Ito marahil ang naisip ni Russian Figure Skater
Ekaterina Rubleva.

Hindi inalintana ng figure skater ang kakahiyang pangyayari
at pinagpatuloy pa rin ang kanilang pagsasayaw.
Nakuha nila ang ika-12 gantimpala sa sinalihang patimpalak.
Source: metro.co.uk

Thursday, January 15, 2009

Lumaklak Ka Man Sa Akin

Naalala nyo pa ba ang mga awiting "Lumayo ka Man sa Akin"
na pinasikat ni Rodel Naval at isinapelikula naman
noong 1992 na kinatampukan ni Ms. Gretchen Barretto.



Eh ang kantang "Laklak" ng grupong The Teeth?



Pa'no kaya ang mangyayari kung pinaghalo ang kantang ito?
Imagine Lumayo ka man sa akin ang tono pero laklak ang Lyrics!!!

Hindi ko lang alam kung sino ang kumanta.

Wednesday, January 14, 2009

Karen Davila, Suspendido?

"Karen Davila, who had just won the TOYM award,
has been suspended for two weeks by the ABS-CBN management
after the broadcaster was quoted in an advocacy article on
cervical cancer sponsored by Glaxo Smith Kline. "
Source: Cocktales by Victor Agustin

Tuesday, January 13, 2009

Dibdibang Talent

Narito ang isang performance na tiyak na dudurog sa
inyong mga puso, Lalo na sa mga kababaihan.



Pinakikilala si Busty Heart! Isa sa mga kalahok sa
sikat na palabas na America's Got Talent.
GIRLS, Don't try this at home lalo na kung wala naman
kayong boobs.

Games Uplate Live Romania Edition

Kung ikaw ay host ng isang Interactive TV Gameshow at walang
tumatawag para sumali, ano ang gagawin mo? Ganito ba...

Dibdibang hinarap ni Adela Lupse, Romanian TV Host
ang pagkakasibak sa kanya sa isang live phone in quiz show
makaraang mabwisit ito dahil walang makatama sa kanilang
tanong.
Bukod sa pagkakatanggal sa naturang show na kaniyang
hinawakan sa loob ng 3 taon, pinagmulta pa ang
TV station na pinagtatrabahuhan ni Adela.

Monday, January 12, 2009

Alabang Boys

Ang mug shot ay larawan ng isang indibidwal makaraang ito ay madakip
o maaresto dahil sa isang kaso.

Kadikit na marahil ng mug shot ang isang di kagandahang repustasyon
dahil karaniwang ito ay ginagawa sa mga kriminal o
sa isang taong pinaghihinalaang lumabag sa batas.

Narito ang ilan sa mga pamosong larawan naging bahagi na ng
kasaysayan:
Si Dating Pangulong Estrada:
Sa Kasong Pandarambong

Si Lance Corporal Daniel Smith:
Na Sangkot umano sa Subic Rape Case

At siyempre ang pinakamasayang mugshot sa lahat:
THE ALABANG BOYS!

Pasok Andrew E. ...

Iron Man

Makikilala mo na ang tunay na Iron Man.
Hindi siya ang Superhero na ating kinalakihan.
Pinakikilala si Diver 59! Isa lamang sa madaming
nagplansta sa ilalim ng tubig.


Sinasabing 86 ang kabuuan ng lahat ng mga divers na sumisid
sa Chepstow Wales na naglalayong mapasama sa
Guiness Book of World Records.

Wednesday, January 7, 2009

Motivation mo para sa 2009!

Long Weekends for 2009 dito sa Pinas!


April 9 - 13, Thursday to Monday - Maundy Thursday, Good Friday, and Araw ng Kagitingan (Bataan and Corregidor day) (5 days)
May 1 - 3, Friday to Sunday - Labor Day (3 days)

June 12 - 14, Friday to Sunday - Independence Day (3 days)

August 22 - 24, Saturday to Monday - Ninoy Aquino day (3 days)

August 29 - 31, Saturday to Monday - National Heroes' day (3 days)

November 28 - 30, Saturday to Monday - Andres Bonifacio day (3 days)

December 25- 27 Friday to Sunday - Christmas Day (3 days)

December 30 -31 Wednesday to Thursday - (Rizal Day) to January 1-3, 2010 (New Year) Friday to Sunday (5 days)


Well, syempre may mga madadagdagan pa dyan depende sa mood ni GMA.

Tuesday, January 6, 2009

Ang Exclusibus!

Wala ka nang dahilan para manatiling Oily, Haggard,
Stressed, Dugyot dahil kung wala kang time pumunta
sa parlor, ang parlor na ang pupunta sa iyo!


Ipinakikilala ang EXCLUSIBus ng HBC.
Nakita ko yan sa may Novaliches, malapit sa kanilang
Corporate Center.

Sago't Gulaman in an Instant!

Noong una Iced Tea lang, ngayon pati Sago't Gulaman,
mabibili na agad-agad!



Ayon sa http://pinoycentric.com P20 lang daw kada bote ang SnG Sago't Gulaman.
Mukhang Masarap at nakakaintriga ang lasa.



Mag samalamig na!