Friday, October 28, 2011

Aga, Ruffa, at Shalala bibisita sa mga Kapatid sa Middle East


Isang masaya at kapanapanabik na weekend ang hatid ng TV5 at ng international affiliate nito, ang Pilipinas Global Network Limited (PGN Ltd.), sa mga kababayan natin sa Middle East. Sa isang pagdiriwang na binansagang “Give Me 5 Kapatid”, ang sikat na mga TV5 stars na sina Aga Muhlach, Ruffa Gutierez at Shalala ay lalahok sa isang engrandeng three-day event na gaganapin sa Dubai at Abu Dhabi.

Siguradong mapapaindak ang lahat sa hinandang number ni Aga Muhlach. Kamakailan lang ay nagpakitang gilas sa pagsayaw at pagkanta ang host ng Pinoy Exlorer sa katatapos na selebrasyon ng Wil Time Bigtime na ginanap noong Oktubre 22. Nagmistulang mini-concert ang performance ni Aga na labis namang ikinatuwa ng libu-libong fans na dumalo sa Smart Araneta Coliseum.

Mabibighani naman ang lahat sa kagandahan ni Ruffa Gutierrez. Ang kontrobersyal na host ng Paparazzi ay makikipag-chikahan sa mga Pilipinong sabik ng makabalita tungkol sa mga kwentong showbiz sa Pilipinas.

Makakasama rin nina Aga at Ruffa ang kwelang host ng Juicy na si Shalala. Tiyak na maraming katatawanan at “blind items” ang pasalubong ng komedyante para sa mga Kapatid sa Middle East.

Bukod sa Grand Fan’s Day ng mga TV5 stars, magkakaroon din ng Pinoy Explorer Promo, isang espesyal na screening ng Sa Ngalan ng Ina, at concert na pangungunahan ng Side A band sa Abu Dhabi National Theater. Isang international auditions naman para sa Talentadong Pinoy ang gagawin sa Boracay Club, Asiana Hotel sa Dubai sa November 5.

Ang “Give Me 5 Kapatid” ay isang pasasalamat sa mainit na pagtanggap ng mga Pilipino sa Middle East sa international channels ng TV5 – ang Kapatid TV5 at Aksyon TV International.

Thursday, October 27, 2011

Tintin Bersola magdiriwang ng birthday sa Kumare Klub ng TV5




Ngayong Biyernes (Oktubre 28) ipagdiriwang ang birthday ni Tintin Bersola-Babao sa Kumare Klub ng TV5. Pero imbes na si Tintin ang regaluhan, ipapamper nila Tintin, Amy at Chiqui ang mahigit 200 kumare sa pamamagitan ng libreng gupit, facial, foot at back massage. Ito ay bilang tugon sa liham ng isang kumare mula Brgy. Bagong Silang, Caloocan na nagdiriwang din ng kanyang kaarawan ngayong Oktubre. Hindi rin mawawala sa bonding ng mga kumare ang mga pagkain at giveaways!

Abangan din ang pangbubuking ng mga kaibigan sa industriya ni Kumareng Tintin. Lahat ng ‘yan ngayong Biyernes, alas-siyete ng umaga pagkatapos ng Sapul sa Singko sa TV5!

20th KBP Golden Dove Awards 2011 Winners


Best Television Station - Metro Manila - ABS-CBN - Channel 2
Best TV Newscast Program - Metro Manila - TV Patrol
Best TV Public Affairs Program-Metro Manila - Patrol ng Pilipino
Best TV Comedy Program - Banana Split
Best TV Drama Program - Minsan Lang Kita Iibigin
Best TV Public Service Program - XXX- Lola Lourdes Abused
Best TV Sports Program - Sports Unlimited
Best TV Specials Program - Banal
Best Television Station Promotional Material - Bida Rizal
Best Children Program - Batibot (TV5)
Best TV Variety Show - Talentadong Pinoy (TV5)
Best Documentary - Jose Rizal Special: Bayani (TV5)
Best Magazine Program - Ako Mismo (TV5)
Best Public Service Show - Alagang Kapatid (TV5)
Best Special Program - Chink Positive (TV5)
Best Television Newscast Provincial - TV Patrol Tacloban
Best TV Newscaster - Ryan Gamboa - ABS-CBN Bacolod
Best Actor - Roderick Paulate - Star Confessions (TV5)
Best Actor for Drama Program - Coco Martin (Minsan Lang Kita Iibigin)
Best Actress for Drama Program - Lorna Tolentino (Minsan Lang Kita Iibigin)
Best Public Program Host - Cheryl Cosim (TV5)
Best Public Affairs Host - Luchi Cruz-Valdes (TV5)
Best Radio Sports Program - Sports Talk - DZMM
Best Radio Public Service Program Host - Usec. Zeny Maglaya - Konsyumer Atbp.
Best Radio Public Affairs Program Host - Vic De Leon Lima - Pasada Sais Trenta
Best Radio Magazine Program Host - Winnie Cordero - Todo-Todo Walang Preno
Best Radio Science & Technology Program Journalist - Louie Tabing - Sa Kabukiran
Best Radio Comedy Program - Morning Rush
Best Radio Variety Program - Tambayan TOP 10 (DJ Arnold Rei) - Tambayan 101.9
Best Radio Newscast - Metro Manila - Radyo Patrol Balita Alas Dose
Best Radio Newscaster - Noli De Castro - Radyo Patrol Balita Alas-Siyete - DZMM
Best Radio Public Affairs Program - Metro Manila - Dos Por Dos - DZMM
Best Radio Drama Program - Maalaala Mo Kaya - DZMM
Best Radio Public Service Program - Trabaho Panalo
Best Radio Magazine Program - Todo-Todo Walang Preno - DZMM
Best Music Radio Jock - Martin D. - Tambayan 101.9
Best FM Station - MonsterRadio RX93.1
Best AM Radio Station - Metro Manila - DZMM Teleradyo
Ka Doroy Broadcaster of the Year - Noli De Castro

Monday, October 24, 2011

Magbabalik na ang REGAL SHOCKER sa TV5!

Matapos mawala sa ere ng napakatagal na panahon, muling mapapanood sa telebisyon
ang isa sa pinakasikat ng palabas sa noong dekada 80.

Narito ang ilan sa mga larawan ng unang episode tampok si
Nina Jose at ang bagong Kapatid na si Mr. Gabby Concepcion (c/o @kapatidnews)




Mapapanood ang REGAL SHOCKER sa TV5 simula sa November 5 (Sabado)

Thursday, October 20, 2011

Paalala para sa Wil Time Bigtime Anniversary Show

Isang masaya at kapanapanabik na Sabado ang naghihintay para sa mga fans ng Wil Time Big Time sa pagdiriwang ng First Year Anniversary ng sikat na show.

Lubos na pinaghahandaan ng TV5 ang engrandeng selebrasyon na ito na magaganap sa Smart Araneta Coliseum sa October 22. Bukod sa paghahatid ng kasiyahan sa mga Kapatid, security at safety ang top priority ng TV5. Ginagawa ng network ang lahat ng kanilang makakaya upang matiyak ang kaligtasan ng mga dadalo sa nasabing event. Ang TV5 at Wil Productions ay patuloy na nakikipagtulungan sa management ng Araneta, sa local government unit, pati na rin sa PNP.

Naipamigay na lahat ng tickets para sa anniversary show at wala ng ipamimigay pa sa araw ng event, kaya pinapaalalahanan ang mga walang tickets na huwag na pumunta sa Smart Araneta Coliseum at manood na lamang ng Wil Time Bigtime sa kanilang mga tahanan.

Ang mga ticket holders ay maaari lamang pumasok at maupo sa lugar na naaayon sa kanilang ticket. Halimbawa, ang mga may Yellow Ticket ay sa Yellow Area lamang. Ang mga may Red ticket ay sa Red Area at ang mga may Green Ticket ay sa Green Area

Pinapaalalahanan ang mga dadalo na huwag magsama ng mga batang 7 years old pababa at may height na bababa sa 4 ft dahil sila ay hindi papasukin, may ticket man sila o wala. Ang mga 8-17 years old ay papasukin lamang kung sila ay may kasamang nakatatanda na may ticket din.

Ipinagbabawal din ang pagdadala ng malalaking bag at pagkain at inumin na mula sa labas ng Smart Araneta Coliseum. Ang mga payong ay hindi rin pahihintulutan sa loob ng venue. Maaring iwanan ang mga payong sa gate.

Alas-sais ng umaga ng Sabado ang simula ng pila kaya huwag pupunta sa Smart Araneta Coliseum ng mas maaga pa doon.

Para sa mga walang ticket, tumutok na lang sa Wil Time Bigtime sa Sabado dahil mas malaki pa ang pagkakataon ninyong manalo ng cash prizes, kotse, at brand new house and lot. Sumali na sa Wil Time Bigtime Anniversary text promo at maging text partner.

I-text lang ang WIL at i-send sa 2346. Halimbawa: "WIL happy anniversary kuya wil! Mabuhay ka!” P2.50/SMS sa Smart at Globe subscribers; P2.00/SMS sa Sun subscribers. Per DTI #7245 Series of 2011.

Monday, October 17, 2011

Black Eyed Peas Live in Manila 2011



Date: October 25, 2011 at 8:00 p.m.
Concert Venue: SM MOA Concert Grounds

Ticket Prices
SVIP (Reserved Seats) - 15, 900.00
VIP (Reserved Seats) - 12,720.00
VIP A (Standing) - 10, 600.00
VIP B (Standing) - 8,480.00
GOLD (Standing) - 4,240.00
SILVER (Standing) - 2,120.00
BRONZE (Standing) - 1,060.00

Thursday, October 13, 2011

Bishop Chito Tagle is the new Archbishop of Manila!

Pope Benedict XVI has appointed Bishop Luis Antonio G. Tagle as the new archbishop of Manila.



"Tagle, 54, is the first Manila-born archbishop of Manila. He was ordained priest in 1982 and appointed Imus bishop in 2001. Imus is one of the suffragan dioceses of the Manila metropolitan archdiocese." -- Inquirer

"Rosales, 79, filed his resignation in accordance with canon law when he turned 75 in 2007. He was named Manila archbishop in 2003." -- Inquirer

Maki-Foodtrip na kasama si Ms. Gelli De Belen!



Oras na para baguhin ang inyong nakagawiang programa sa umaga sa isang programang mas nakakatakam. Ang bagong TV5 Kapatid na si Gelli de Belen ang magdadagdag ng sarap at ligaya sa umaga sa kaniyang pagtuklas sa mga lugar na tutugon sa inyong mga pagtatakam sa Gellicious. Magmula sa mga street food, bagong restawran, pati na rin ang mga exotic na pagkain, aalamin lahat iyan ni Gelli kasama ang kanyang food patrol.

Sa loob ng 30 minuto, makakakuha din ang mga manonood ng mga tips kung saan makakahanap ng de-kalidad ngunit murang karne, prutas, gulay at iba pa. Araw-araw, madadagdagan ang inyong kaalaman sa mundo ng pagkain dahil ihahatid ni Gelli ang lahat ng kailangan ninyong malaman.

Samahan araw-araw si Gelli de Belen sa kanyang food trip simula OCTOBER 24, 11AM sa TV5.

Tuesday, October 4, 2011

Flames of Desire Theme Song

Pakinggan ang theme song ng FLAMES OF DESIRE, ang bagong Korean Dramang handog sa inyo ng TV5 na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng "Sa Ngalan ng Ina"

Pinamagatang "IF THE FEELING IS GONE" na inawit ni Ms. Frenchie Dy.


Trailer:


Sunday, October 2, 2011

The Black Eyed Peas Live in Manila!


AKTV (TV5's primetime sports block on IBC 13) will be sending PBA Fans to the Black Eyed Peas Live in Manila 2011 Concert at the SM MALL OF ASIA Concert Grounds!


Just watch PBA on AKTV and answer the question flashed during the game by texting:

PBA send to 2346

From all the correct entries 50 winners will win 2 tickets each!

Promo Period: October 2-19, 2011 | Per DTI NCR no. 7241 series of 2-11

Saturday, October 1, 2011

Ikaw pa rin ang Mahal ko - Gerald Santos Version


Bukod sa version ni Mr. Basil Valdez ng "Ikaw pa rin ang Mahal Ko" na likha ni Maestro Gerard Salonga, inawit din ni Gerald Santos ang parehong awit na siyang themesong ng "Sa Ngalan ng Ina".



Lyrics:

Ikaw Pa Rin Ang Mahal Ko (OST – Sa Ngalan ng Ina, TV5)


Hindi magagawang ikaw ay malimutan

Kahit kay tagal nang nagkahiwalay

Hindi mo lang batid kung gaano kita kamahal.

Kung kailan pang hindi na umaasa,

Tayong dalawa’y muling pa ring nagkita.

Sadyang hindi mo mapipigil ang pag-ikot ng mundo.

Hinding-hindi mo mapipigil ang ika’y mahalin ko.

Ibuhos mang lahat, gawin lahat ng makakaya mo,

Sa Ngalan ng Pag-ibig mo aking isinusumpa sayo.

Sa dulo man ng sukdulan, ikaw pa rin ang mahal ko.

Hindi mo lang batid kung gaano kita kamahal.

Kung kailan pang hindi na umaasa,

Tayong dalawa’y muling pa ring nagkita.

Sadyang hindi mo mapipigil ang pag-ikot ng mundo.

Hinding-hindi mo mapipigil ang ika’y mahalin ko.

Ibuhos mang lahat, gawin lahat ng makakaya mo

Sa Ngalan ng Pag-ibig mo aking isinusumpa sayo.

Sa dulo man ng sukdulan, ikaw pa rin ang mahal ko.

Ibuhos mang lahat, gawin lahat ng makakaya mo

Sa Ngalan ng Pag-ibig mo aking sinusumpa sayo.

Sa dulo man ng sukdulan, ikaw pa rin ang mahal ko.

ikaw pa rin ang mahal ko.


Mapapanood na ang "Sa Ngalan Ng Ina" simula LUNES pagkatapos ng WilTime Bigtime sa TV5.

'Pakinggan ang Themesong ng "Sa Ngalan ng Ina"


Pinamagatang "Ikaw Pa Rin Ang Mahal Ko", Narito ang themesong ng kauna-unahang MiniSerye ng TV5 tampok ang Nag-iisang Superstar na inawit ni Mr. Basil Valdez


Mapapanood ang "SA NGALAN NG INA" simula LUNES, October 3 sa TV5 pagkatapos ng Wiltime Bigtime