Tuesday, March 13, 2012

Action-packed Hollywood blockbusters sa Super Sine Prime ng TV5



Isang ma-aksyon na linggo ang hatid ng Super Sine Prime ng TV5. Simula Marso 13 walang humpay na bakbakan ang matutunghayan kina Mel Gibson at Danny Glover sa blockbuster naLethal Weapon 3. Sina Bruce Willis, Scarlett Johansson, Eva Mendes at Samuel L. Jackson naman ang mga bida ng action-thriller na The Spirit na mapapanood sa Marso 14. Tiyak namang ikatutuwa ng mga Jackie Chan fans ang The New Police Story sa Marso 15. Sa Marso 16, samahan si Sean Connery at ang mga kakaibang superheroes ng The League of Extraordinary Gentlemen.

Matinding aksyon naman ang hatid ng assassin na si Timothy Olymphant sa Hitman sa Marso 17. At sa Linggo, Marso 18, panoorin ang sexy romantic action comedy na Mr. and Mrs. Smithna pinagbibidahan ng Hollywood superstars at real-life couple na sina Brad Pitt at Angelina Jolie.

Umaatikabong aksyon mula sa pinakamalalaking mga palabas ang mapapanood sa Super Sine Prime, gabi-gabi sa TV5 – 10:00 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes, 9:30 p.m. tuwing Sabado, at 9:45 p.m. tuwing Linggo.

No comments: