Mapapanood na ang "ANG UTOL KONG HOODLUM" simula sa LUNES, pagkatapos ng 'Bangis' sa TV5.
Tuesday, September 6, 2011
Narito na ang 'Ang Utol Kong Hoodlum' Themesong
Mapapanood na ang "ANG UTOL KONG HOODLUM" simula sa LUNES, pagkatapos ng 'Bangis' sa TV5.
Monday, September 5, 2011
Nangangalmot daw si Arci Munoz?

Ang Utol Kong Hoodlum Fever!
Monday, August 22, 2011
News5 Umaksyon kontra Dengue

Kakaibang sweetness ni Nadine at Leandro
Wednesday, August 17, 2011
Maraming Salamat, Mga Noranians! Maraming Salamat Kapatid!
Glamorosang Dramaserye sa TV5

High tech comes alive at PLDT and Smart’s “Jump”
Telecoms leader Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT) and wholly-owned subsidiary Smart Communications, Inc. (Smart) opened today the country’s first “Jump” experience center at SM Megamall in Mandaluyong City, to showcase the PLDT Group's latest devices, services, and technologies.
“At Jump, you will find the newest, coolest gadgets and services that we have to offer to serve the digital and mobile lifestyles of our customers at home, work, and leisure," said PLDT President and CEO Napoleon L. Nazareno. “It showcases how PLDT and Smart are working together to offer customers the best possible service."

Immersive experience
A number of the items on display at Jump are the newest products for the 21st-century Filipino home, such as the new PLDT Telpad and the latest smartphones and tablets -- the Apple iPad 2, the BlackBerry PlayBook, the Samsung Galaxy Tab 10.1, and the HTC Sensation, to name a few.
Jump also features handsets and devices that have yet to come out in the market and that will work best when powered by Smart’s nationwide network. Among these are the HTC EVO 3D, Sony Ericsson Xperia Ray, Samsung Galaxy Tab 8.9 and the NFC-enabled Nokia C7.
Powering these devices are PLDT’s Fiber to the Home and Smart’s WiMAX and HSPA+ connectivity -- the fastest wired and wireless Internet connections available in the Philippines. Just like the gadgets, visitors are free to try out these services even with their own devices.
"If you’re on the lookout for the latest gadgets or ifyou simply want to test the latest services that have piqued your interest, Jump is the place to go to,” said Orlando B. Vea, Smart's chief wireless advisor. “We will constantly upgrade our equipment and our facilities so that we can treat our customers to the latest and the best, each and every time.”
Also located within the premises are three gigantic touchscreen displays. The first is the ‘Jump Screen’ where visitors can make their own dancing avatars. The second is used in the ‘Jump Springboard’ lecture room as an interactive way of learning for customers. The third and largest is called ‘Jump Panorama’ and is found at the heart of Jump.

Nasaan si Aga?
Sunday, August 7, 2011
'Araw ng mga Noranians'
Tuesday, August 2, 2011
Ang Metro Manila Traffic Navigator
Ang pagbabalik ng Superstar Nora Aunor
Wednesday, July 27, 2011
Superstar Nora Aunor, Kapatid na!

Kinumpirma ni German Moreno ang pagbabalik ni Ms. Nora Aunor sa Pilipinas matapos ang walong taong paninirahan sa Amerika. Nakatakdang bumalik ang nag-iisang Superstar sa Pilipinas sa susunod na Martes, Agosto 2.
Sa isang live phone patch interbyu mula mismo sa Los Angeles, kinumpirma rin mismo ng Superstar ang magandang balita, “Nakaempake na po ako. Naka-ready na lahat. Excited na rin po ako makabalik matapos ang walong taon. Sa wakas makakabalik na rin. Nagpapasalamat ako sa inyo sa pakikapag-usap sa mga tao para matupad 'to at sa TV5."
Ang opisyal na anunsyo ni kuya Germs (malapit na kaibigan ni Ate Guy) sa kanyang programa sa radyo noong Miyerkules ang nagbibigay-tuldok sa bulung-bulungan kung kailan talaga babalik sa bansa ang Superstar.
Kinumpirma din ni Kuya Germs na nakatakdang gumawa ng proyekto si Ms Aunor sa TV5 na siyang magiging opisyal na tahanan ni Ate Guy sa kanyang pagbabalik-showbiz habang nasa Pilipinas. Balitang gagawa ng isang serye ang naturang Superstar. Puspusan na rin ang preparasyon para sa isang engrandeng fans' day na inihahanda ng TV5 para sa nag-iisang Superstar. Noon hanggang ngayon, tanging si Ms. Nora Aunor pa rin ang itinuturing na pinakaginawarang aktres sa Philippine Showbiz.
Saturday, July 9, 2011

Bangis OST - Ako'y Kasama Mo
Pakinggan dito ang Themesong ng Bagong HiganteSerye ng TV5 na Bangis. Ang "Ako'y Kasama Mo" ay inawit ni Michael Renz Cortez.
Mapapanood ang Carlo J. Caparas' 'Bangis' - Gabi-gabi pagkatapos ng Wil Time Bigtime sa TV5.
Joseph the Artist at Yoyo Tricker sasabak sa WCOPA!
Handang handa nang sumabak sa World Championships of the Performing Arts (WCOPA) sa Amerika ang mga Ultimate Talentado ng Talentadong Pinoy na sina Joshua Davis a.k.a Yoyo Tricker at Joseph the Artist ngayong darating na Hulyo 15-23. Sila ay makikipagtagisan ng galing laban sa mga representatives ng halos limampung bansa sa Westin Bonaventure Hotel, Los Angeles, California sa ilalim ng Junior at Senior Variety Category

Ito ay katatampukan ng mga kalahok na may edad 16 pataas na magpapakita ng iba’t ibang performances at gagamit ng mga natatanging props. Magpapakitang-gilas sa kani-kanilang angking talento, si Joseph sa pagpinta gamit ang sand at si Joshua naman sa pagpapakita ng mga kakaibang exhibitions gamit ang yoyo. Ang mananalo sa tinaguriang “Talent Olympics” ay tatanghaling “Grand Champion Performer of the World”.

Matatandaang sina Joshua Davis a.k.a Yoyo Tricker at Joseph the Artist ang tinanghal na Philippines’ Ultimate Talentado sa Season 1 at 2 ng Talentadong Pinoy ng TV5. Dahil sa natatanging karangalang ito, pakatutukan ang isang espesyal na send-off presentation para sakanila ngayong darating na Linggo bago ang kanilang pag-alis ng bansa kasabay ng iba pang delegates.
Abangan ngayong Linggo sa Talentadong Pinoy ang paghahandog ni Joseph the Artist ng isa na namang nakakaantig-pusong production number na sasabayan naman ng pag-awit ni Gerald Santos. Wag palalampasin ang espesyal na episode na ito sa Talentadong Pinoy ngayong Linggo, July 10, 8:30 ng gabi sa TV5.
Tuesday, June 7, 2011
Phillip Salvador bilang Mon Tulfo sa Star Confessions

Sa pagsisimula ng ikatlong season ng nangungunang drama anthology na Star Confessions, alamin ang drama sa likod ng kilalang kaaway ng mga kawatan at kakampi ng mga naaapi—si Mr. Ramon Tulfo sa de-kalibreng pagganap ni Mr. Phillip Salvador.

Panganay sa tinaguriang Tulfo brothers, hindi naging madali para kay Mon na tahakin ang mundo ng pamamahayag. Hindi man pinalad na sundan ang yapak ng kanyang amang sundalo, nagsumikap ang popular na kolumnista at TV host upang marating ang kinalalagyan niya ngayon. Sinanggahan ng walang takot na mamamahayag ang kaliwa’t kanang banta sa kanyang buhay at mga kaso ng libelo mula sa mga kilalang opisyal ng gobyerno upang manindigan sa katotohanan—ang prinsipyong, ayon kay Mon, ay nananalaytay sa bawat miyembro ng kanilang pamilya.

Antabayanan ang maaaksyon at makukulay na pangyayari sa buhay ng mamahayag na gagampanan ni Mr. Phillip Salvador. Bahagi rin ng produksyon sina Anyka Asistio bilang unang asawa ni Mon; Ms. Carmi Martin bilang si Josephine, pangalawang asawa ni Mon; at Ricardo Cepeda bilang si Col. Tulfo, ama ng magkakapatid na Tulfo.

Mula sa pagsasalaysay ng tinuturing na Ina ng Showbiz Talk na si Ms. Cristy Fermin, hihimayin ng programa ang ang mga pagsubok at tagumpay na naging mahalagang bahagi ng buhay ng “sumbungan ng mamamayan” ngayong Miyerkules ng gabi (Hunyo 8) pagkatapos ng Mga Nagbabagang Bulaklak sa TV5.

