Showing posts with label Joey De Leon. Show all posts
Showing posts with label Joey De Leon. Show all posts

Thursday, June 14, 2012

Isang hunk at isang sexy girl kasali sa Game ‘N Go


Ngayong Linggo na ang first episode ng Game ‘N Go ang pinakabagong Sunday noontime program ng TV5. Pinangungunahan ito ng mga batikang hosts na sina Joey de Leon, Edu Manzano, Arnell Ignacio, Gelli de Belen, at Shalani Soledad-Romulo. Pero bukod sa kanila may mga umuugong na balita na meron pang dalawang bagong mukha ang sasali sa nasabing show.

Ayon sa nasagap naming balita isang Hunk at isang Sexy Girl ang ipapakilala ng Game ‘N Go sa darating na Linggo. Heartbroken daw ang drama ng Hunk samantalang model naman ng isang sikat na food brand si Sexy Girl. Sino kaya sila? Dapat yang abangan sa Game ‘N Go ngayong Linggo, Hunyo 17 sa TV5.  


Thursday, May 3, 2012

Joey De Leon, Oyo Sotto at JC De Vera nagsama-sama sa isang proyekto sa TV5!


Abangan ang naglalakihang Kapatid stars na magsasama-sama bilang voice actors sa pinakahihintay na first computer-generated Television movie, Ben 10 - Destroy All Aliens na ipapalabas na sa TV5 ngayong Mayo 5, 9:00 ng umaga.

Wag palalampasin ang pinakabagong adventure ni Ben kasama ang mga intergalactic characters sa Tagalized Ben 10 movie na ito na nagtatampok sa tinig ng mga TV5 stars na sina Joey de Leon bilang Grandpa Max, ang lolo at mentor ni Ben na siyang magdadala sa kanila sa isang summer vacation sa US; JC de Vera bilang Four arms, ang humanoid alien na may kakayanang magbigay ng shockwaves sa pamamagitan ng pag palakpak ng kanyang apat na kamay; at si Oyo Sotto bilang Retaliator, ang alien na may Mecamorph armor na magiging matinding kalaban ni Ben 10.

Base mula sa original animated series na Ben 10, dadalahin ng TV movie na ito ang mga bata sa mga pagsubok na kinaharap ni Ben sa bahay at maging sa eskwela. Sundan kung paano ito matatakasan ni Ben at kung ano ang mangyayari sa pagsali niya sa isang intergalactic weekend camp, ang Total Alien Immersion training program.

Wag kalimutang panoorin ang one-of-a-kind quest na ito ni Ben kasama ang mga intergalactic aliens. Ang Ben 10: Destroy All Aliens ay mapapanood na ngayong Mayo 5, 9:00 ng umaga sa TV5.