Showing posts with label Life. Show all posts
Showing posts with label Life. Show all posts

Monday, September 8, 2008

Sign of Times?

Dati ang taho walang kutsara. Ngayon meron na!
Sabi sa dyaryo bumaba daw ng halos 30% ang sales ng mga magtataho.

P10.00 taho sa U.P.
Paborito ko talaga ang pan de coco.
Kaya nagulat ako nung makita ko na ganito na
pala ang sukat niya ngayon.


Bite-size na sya. Dati 3 subo ang laki niya.

Hay...I miss the good ol' days
Ganun ata talaga, pag mag-bibirthday nagiging sentimental.

Wednesday, September 3, 2008

Devastating

Nakita ko ang larawan na ito sa daily.co.uk
Nadurog ang aking puso.
Natagpuan ng mga rescue workers ang labi ng isang ina at ng kanyang anak.
Tila pinrotektahan ng Babae ang kanyang supling mula sa pagguho makaraan ang
isang malakas na lindol sa China.

Saturday, August 30, 2008

Ang Lalaking Tuod

Naalaala nyo pa ba si 'Dede'? Isang lalaking mula sa Indonesia na binansagang 'TREE MAN' dahil sa mala-tuod nitong anyo?

Mahigit kumulang sa anim na kilong kulugo ang bumalot sa kanyang katawan. Animo'y sumpa habang buhay. Dahilan upang mawalan nang trabaho, iwan ng asawa at kutyain ng mga tao.


Matapos sumailalim sa 9 na operasyon, 95 porsyento ng kulugo sa katawan ng 37 taong lalaki ito ay naalis na ng mga dalubhasa.

 


Dahil dito, tuluyan nang bumalik sa normal ang kanyang buhay at hindi na kailanman mangangambang maging tampulan ng pandidiri at katatawanan.

Larawan mula sa metro.co.uk

Tuesday, August 19, 2008

My Belo Experience

5,617 Breast Augmentations,
Over 22,000 Liposuction surgeries,
600 Thermage cases,
More than 800 successful tummy tucks.

Last Saturday, we were treated to a Belo Experience.
Around 30 selected bloggers were given a chance to tour around
Belo Medical Group's Morato Clinic (accross Imperial Palace)
Dr. Hayden Kho enumerated the services offered by BMG.


Dra. Vicky Belo on the other hand narrated her humble beginning as a 'Beauty Doctor'

Also, The Belo Medical Group recently launched Ike and Nena Belo Foundation,
a non-profit corporate charity meant to shape lives, with education,
surgical assistance and environmental protection.
The said foundation was put up by Dra. Vicks (as Hayden calls her)
in honor of her parents, lawyer Enrique Belo and wife Florencia.
After the brief meet and greet slash orientation, bloggers were
given a chance to try the clinic's state-of-the-art techonologies.

By the way, sobrang kulet pala ni Doc Hayden.

To know more about the Belo Medical Group, please call up the Belo helpdesk at 844-2939. Or visit the Belo website at www.belomed.com or e-mail info@belomed.com.

World's Largest Outdoor Ad

Presenting LEVI's COLOSSAL! - World's Largest Outdoor Ad,
according to AZRAEL's MERRYLAND.

The LEVI'S LIVE UNBUTTONED BILLBOARD
was formally unveiled over the weekend.

You can see this huge ad along EDSA - GUADALUPE.

Thank you Apple for the pictures!

'The Claire De La Fuente Bus'

Nasakay na ba kayo sa Love Bus ni Claire De La Fuente?
Bago, Malamig, Malinis na Bus na may malaking larawan niya.


Bukod sa pagiging mang-aawit si Claire ang kasalukuyang
pangulo ng Integrated Metropolitan Bus Operators Association (IMBOA).

Monday, August 18, 2008

Ellen at Portia, Nagtaling Puso na!

Narito ang isang sulyap sa Kasalang Ellen De Generes at Portia De Rossi




Ang kasal ni De Generes, 50, at si De Rossi, 35, ay dinaluhan ng 19 kaibigan kabilang na ng kani-kanilang mga ina.

Inahayag ni Ellen ang kanyang balak na magpakasal nitong Mayo makaraang payagan na ng korte ang same-sex marriage sa Estados Unidos.

Larawan mula sa http://community.livejournal.com

Wednesday, August 13, 2008

Dunkin Donuts, Pasaway!

'Nasa'n ang Boston Cream ko!!!!!!'
Hindi ba dapat turuan natin ang mga batang maging magalang sa nakatatanda sa kanya?

May isa pa! Isang pang TVC - Binigyan ng isang dosenang donut ang bata para i-share sa kanyang mga kalaro, pero ang ginawa niya hinati niya sa 12 piraso ang Isang Pirasong donut at itinago ang masmaraming donut para sa sarili niya.



Hindi ba dapat turuan natin ang mga batang maging mapagbigay? Huwag maging madamot at maging mapanlamang sa kapwa?

Dapat hindi nakalusot ang mga ganitong klaseng commercial at baka gayahin ng mga bata!

Ano kaya ang masasabi ni Rachel Ray? Paging Dunkin Donuts!

Monday, August 11, 2008

Shake Mo, TV mo!

Pormal nang inilunsad ang bagong anyo ng
ABC 5 (Channel 5) nitong August 8, 2008.


TV5 na ang bagong pangalan ng naturang TV Station.
Kasabay na ipinakilala rin ang mga bagong palabas ng inaasahang
magbibigay sigla sa tila nanamlay na estasyon.


Karamihan naman sa mga artistang tampok sa
mga bagong palabas ng TV5 ay mula sa Kapamilya at Kapuso networks.

Saturday, August 9, 2008

Escalator Tragedy

Mahigit kumulang sa 20 ang sugatan makaraang umatras pababa
ang dapat sana'y paakyat na escalator sa Tokyo, Japan.

Sinasabing 60 katao ang lulan ng isang escalator sa gusali ng Big Sight sa Tokyo
nang dahan-dahan itong umusad pababa dahilan para mataranta
at magkadagan-dagan ang mga tao.
Pinaniniwalaang 'overloading' ang dahilan ng naturang aksidente.


Panuorin ang raw footage dito!

Tuesday, August 5, 2008

Nagbabalik ang Cebu Inmates!

Nagbabalik ang Cebu Inmates sa kanilang pinakabagong Algorithmic Dance.

Macarena ang pinakabagong piyesa nila! May participation pa sa video ang Los Del Rio at may dance tutorial pa ang mga bilanggo. Akalain mo yon!

Panuorin ang kumpletong video dito!

Pero pinakapaborito ko ang kanilang bersyon ng Soulja Boy / Can't Touch This

Umabot na sa 4.5 Milyon ang nanuod ng sayaw na ito sa Youtube.

Panuorin ang video dito!

Courtesy of Byron F. Garcia's Youtube account

Monday, August 4, 2008

New Drama, Same Zip Code

Ang seryeng kinalakihan natin ay nagbabalik!
Naalaala mo pa ba sila?
Pero ngayon, mas makinang at sunod sa uso
ang 90210!



Larawan mula sa ETOnline.

Thursday, July 31, 2008

What is Beauty?

Pinakita sa akin ng co-worker ko ang Youtube Video na ito
Tungkol sa Dove's Campaign against Photoshop ay
Campaign for Real Beauty pala...


Di pa nakuntento, Phinotoshop pa...

Thursday, July 24, 2008

Basta Drayber, Swit Laber!

''Walang Bisyo Kunde Magmahal"
Awwwww.....

Salamat Karlo sa Larawan!

Monday, July 21, 2008

World Youth Day

Pormal ng nagtapos ang World Youth Day 2008 sa Sydney, Australia.
Tinatayang mahigit sa 400,000 mananampalataya ang
lumahok sa selebrasyon.
Dumalo ang Santo Papa BXVI (Benedict the 16th)
sa naturang pagtitipon.
Matatandaang taong 1995, ginanap sa Pilipinas ang
10th World Youth Day na dinaluhan ng mahigit sa 4 Milyon Katao.
Ayon sa Wikipedia, Ito ang 'current world record for the largest Papal gathering'.

Sa 2011, Madrid, Espana naman ang pagdarausan ng WYD.

Thursday, July 17, 2008

Yosi Girl?

Kamakailan ay naging laman ng balita ang
pagkakabihag sa broadcaster na si Ces Drilon,
nitong linggo ay pinalabas ang reality-docu ng naturang insidente.
Habang nanonood ako napansin ko na nakaka-yosi pa si
Ces habang kidnap ng mga bandido.
Si Ces yung nasa gawing kaliwa, nagsisigarilyo habang
kausap ang isang emisaryo sa telepono.
Walang masama sa napansin ko. Naaliw lang ako.

Sunday, July 6, 2008

Pahibalo

Translation: Wag iwan ang gamit. Period.

Salamat Dennis sa larawan.

Saturday, July 5, 2008

Pinoy Fear Factor


Pinoy Fear Factor, will be filmed in South America. As of now, its format
has not been confirmed, but early teasers for the show hint a major revision from
the common three stunt, one winner per episode format.
It's top prize is expected to be Php 2,000,000.00.
source: Wikipedia

Friday, July 4, 2008

Sir, It's a Girl!

Nanganak na ang 'UNANG LALAKING NABUNTIS SA EARTH"
Si Thomas Beardie, 34, ay nagsilang ng isang babaeng sanggol
siyam na buwan makalipas sumailalim sa isang proseso upang magbuntis.

Incidentally, may lahing pinoy din daw itong si Thomas.

Congratulations!