Showing posts with label Thoughts. Show all posts
Showing posts with label Thoughts. Show all posts

Wednesday, September 17, 2008

I will be back. Who Knows.

Happy Birthday to me!

Fa-MEAL-y Day? OK ka lang?

I have nothing against with having dinner kasama ang inyong Pamilya.
In fact that is good.
According to Lucky Me: Every 4th Monday daw of
September is Fa-MEAL-y day. OK?! Tapos.
Sabay-sabay daw kakain ng hapunan kasama ang Pangilinan
family para daw maipakita ang halaga ng sama-samang pagkain.
I think this is the most insensitive campaign (o sige, one of those na lang)
na pwedeng gawin ng isang samahan, or brand ng noodles for that matter.
Pa'no yung walang makain? Pano yung wala nang mga magulang?
Or worst, paano yung mga walang uuwiang bahay?
Di ba dapat namigay na lang sila ng noodles, mas matutuwa pa tayo.

Monday, September 15, 2008

Who is VOGUE-er?

Multi-awarded Pop Singer Rihanna recently performed at Fashion Rocks 2008 her
own version of Madonna's trademark songs 'VOGUE'

Who is Vogue-er?
Rihanna?


or Madonna?


Watch Rihanna's version here!

Monday, September 8, 2008

Sign of Times?

Dati ang taho walang kutsara. Ngayon meron na!
Sabi sa dyaryo bumaba daw ng halos 30% ang sales ng mga magtataho.

P10.00 taho sa U.P.
Paborito ko talaga ang pan de coco.
Kaya nagulat ako nung makita ko na ganito na
pala ang sukat niya ngayon.


Bite-size na sya. Dati 3 subo ang laki niya.

Hay...I miss the good ol' days
Ganun ata talaga, pag mag-bibirthday nagiging sentimental.

Wednesday, September 3, 2008

Devastating

Nakita ko ang larawan na ito sa daily.co.uk
Nadurog ang aking puso.
Natagpuan ng mga rescue workers ang labi ng isang ina at ng kanyang anak.
Tila pinrotektahan ng Babae ang kanyang supling mula sa pagguho makaraan ang
isang malakas na lindol sa China.

Saturday, August 30, 2008

Ang Lalaking Tuod

Naalaala nyo pa ba si 'Dede'? Isang lalaking mula sa Indonesia na binansagang 'TREE MAN' dahil sa mala-tuod nitong anyo?

Mahigit kumulang sa anim na kilong kulugo ang bumalot sa kanyang katawan. Animo'y sumpa habang buhay. Dahilan upang mawalan nang trabaho, iwan ng asawa at kutyain ng mga tao.


Matapos sumailalim sa 9 na operasyon, 95 porsyento ng kulugo sa katawan ng 37 taong lalaki ito ay naalis na ng mga dalubhasa.

 


Dahil dito, tuluyan nang bumalik sa normal ang kanyang buhay at hindi na kailanman mangangambang maging tampulan ng pandidiri at katatawanan.

Larawan mula sa metro.co.uk

Thursday, August 28, 2008

Mother Silveria is Dead

Namaalam na si Beteranang Komedyanteng si Zorayda o mas kilala sa papel na
Mother Silveria sa sikat na pelikulang Petrang Kabayo.
Breast Cancer ang nagpagupo ay Zorayda sa edad ng 58.
Bukod sa pagpapatawa minsan nang nagsulat si Zorayda sa pahayagang Manila Bulletin.
May She Rest in Peace.

Tuesday, August 26, 2008

Senseless Bus Advertisement

Nakalagay sa BUM Advertisement na yan
'Save the Earth' tapos daig pa ang tren sa pagbuga ng
usok ang bus na ito!

Dapat sa mga bulok na bus ini-icha sa Manila Bay para tubuan ng talaba!

Mainit ang ulo ko. haha!

Thursday, August 21, 2008

Mga Ala-ala ni Ninoy

Nakakalungkot mang isipin ngunit,
25 taon makalipas ang pagkakapaslang kay Ninoy Aquino
Kaunti na lang ang alaala nang maituturing na
kontemporaryong bayani.

ANG INTERNATIONAL AIRPORT

ANG LIMANDAANG PISO

AT SI KRIS AQUINO


Sana ay may mga bago pang Ninoy.

Tuesday, August 19, 2008

PGMA, Nagtaray!


2 beses Nagwalk-out si Pangulong Arroyo sa kanyang Emergency Press Briefing.

Dahilan: Hindi handa ang kanyang mga tao.

PGMA: Where is the studio prompter?

Assistant ni PGMA: Tatawagin ko ma'am? (Ang studio prompter o ang operator?)

PGMA Walks out.

PGMA: They were not here! Obviously they were not here!

Reporter1: Naghahagis nga siya ng laptop eh!

Reporter2: Andyan, Andyan! Pst! Andyan!

PGMA: Where is the studio prompterrrr...

PGMA: Where is it nowwww?

Watch complete video here!

You'll Love her or you'll Hate her.

Wednesday, August 13, 2008

Dunkin Donuts, Pasaway!

'Nasa'n ang Boston Cream ko!!!!!!'
Hindi ba dapat turuan natin ang mga batang maging magalang sa nakatatanda sa kanya?

May isa pa! Isang pang TVC - Binigyan ng isang dosenang donut ang bata para i-share sa kanyang mga kalaro, pero ang ginawa niya hinati niya sa 12 piraso ang Isang Pirasong donut at itinago ang masmaraming donut para sa sarili niya.



Hindi ba dapat turuan natin ang mga batang maging mapagbigay? Huwag maging madamot at maging mapanlamang sa kapwa?

Dapat hindi nakalusot ang mga ganitong klaseng commercial at baka gayahin ng mga bata!

Ano kaya ang masasabi ni Rachel Ray? Paging Dunkin Donuts!

Life Is Short

Para sa mga katulad kong bored
Isipin nyo na lang Long Weekend sa dalawang
magkasunod ng Lunes at isaisip din na...
Masyadong insightful diba? haha!
Salamat AMP Prepaid sa larawan!

Monday, August 11, 2008

Mas nakakataba daw ang Coleslaw

Do the Math!


A KFC fillet burger contained 15.6g of fat

19.4g in a large portion of fries

But the large coleslaw had 22.4g of fat in it.


Hala! nakakatakot! mabuti na lang di ako kumakain nyan :-P

source: metro.co.uk

Shake Mo, TV mo!

Pormal nang inilunsad ang bagong anyo ng
ABC 5 (Channel 5) nitong August 8, 2008.


TV5 na ang bagong pangalan ng naturang TV Station.
Kasabay na ipinakilala rin ang mga bagong palabas ng inaasahang
magbibigay sigla sa tila nanamlay na estasyon.


Karamihan naman sa mga artistang tampok sa
mga bagong palabas ng TV5 ay mula sa Kapamilya at Kapuso networks.

Thursday, July 31, 2008

What is Beauty?

Pinakita sa akin ng co-worker ko ang Youtube Video na ito
Tungkol sa Dove's Campaign against Photoshop ay
Campaign for Real Beauty pala...


Di pa nakuntento, Phinotoshop pa...

Wednesday, July 30, 2008

Myk Kusina Episode 2

Isang linggo na akong naglalaway sa Tomato Sauce.
Kaya napagpasiyahan kong magluto ng Menudo.
Madali lang pala. Gisa, Palambot, Halo-Halo at timpla.
Mas nakakainis pang mag-talop ng sibuyas.
Malasa ang Bell Pepper. Konti asukal para sa mahilig ng matamis.

Monday, July 28, 2008

Ano ang tanda ng isang BAYANI?

Sagot:
ISANG MALAKING STICKER!

Mapapansin ang 'BAYANI sticker' sa
dashboard ng mga pampublikong bus.
Animo'y nagpapaka-Nationalistic, pero wag ka.
Nangangampanya lang yan.

Kanino na naman kayang pera ang ginamit
para ma-imprenta ang napakalaking stickers na ito?
KAPALMUKS!

Thursday, July 24, 2008

Si Gloria at ang SONA

8 TAON NG NAGSO-SONA SI GLORIA!


2001 - Luli-Like



2002 - Makeover



2003 - Pakyut



2004 - Pasikat



2005 - Kapit-tuko



2006 - Palaban




2007 - Haggard



2008

Abangan!


Mga larawan mula sa Sunstar.com at Inquirer