Showing posts with label Valerie Concepcion. Show all posts
Showing posts with label Valerie Concepcion. Show all posts

Tuesday, March 1, 2011

Mga Nagbabagang Bulaklak

Malapit nang mamumukad ang pinakamapangahas ng DRAMASERYE
sa telebisyon - Ang Mga Nagbabagang Bulaklak!

Tampok sa de-kalibreng programang ito ang mga naglalakihang
bituin ng 'Happy Network' na magpapakinang pang lalo
sa PRIMETIME PANALO ng TV5.



Masasaksihang muli ang husay sa pag-arte ni Ms. Ruffa Gutierrez,
Richard Gomez, Philip Salvador, Sheryl Cruz, Victor Basa, Carla Humphries,
James Blanco, Tres Marias - Milagring, Mariposa, Luningning,



Ipinakikilala rin si Ritz Alzul ng 'Star Factor'
at ang bagong Kapatid na si Ms. Valerie Concepcion at maraming
pang bigating aktor at aktres.


Mapapanood ang Ang Mga Nagbabagang Bulaklak simula sa Marso
sa TV5 lang!

Saturday, January 22, 2011

Si Valerie Concepcion dapat ang Babaeng Hampaslupa?

Naglalabasan ang mga bali-balita na si Valerie Concepcion
umano ang first choice para sa papel ni Alex Gonzaga
sa bagong teleserye ng TV5 na "Babaeng Hampaslupa"


Lumutang ang isyung ito makaraang mag-guest si Valerie
sa UNTOLD STORIES series ng Kapatid Network.

Bulung-bulungan din ang pag ober-da-bakod daw ng
Kapamilya host makaraang masibak ang Noontime show
nitong Pilipinas Win na Win.


Isa ang papel ni Alex sa mga bida sa sa serye at ang kanyang
unang sabak din sa drama. Makakasama niya dito sina
Ms. Susan Roces at ang nagbabalik na si Ms. Alice Dixson.

Mapapanood ang BABAENG HAMPASLUPA simula sa
PEBRERO sa Happy Network, TV5