Sunday, August 7, 2011

'Araw ng mga Noranians'

Nagmistulang "PAMBANSANG ARAW NG MGA NORANIANS"
ang ika-7 ng Agosto, makaraang isagawa ng TV5 ang
kauna-unahang Fans' Day para sa nag-iisang SUPERSTAR.

Mahigit 600 na mga taga-hanga ang napa-unlakan upang
makasama si Ms. Nora Aunor sa natatanging okasyong ito
na ginanap sa TV5 Broadway Studios.



Present ang mga anak ng Superstar na sina Matet at mga anak,
si Kiko at si Mr. Ian De Leon na nilapitan ng personal ang mga
masusugid na taga-hanga ng kanyang ina.




Nagkaroon di ng mga fun games para sa mga Noranians at ang
mga nagwagi ay nag-uwi ng mga limited edition
SUPERSTAR gift items.


Samantala, 100 mapapalad na bahagi ng audience naman ang
pinahintulutang makadaupang-palad si Nora. Naging
emosyonal din ang ginawang photo opportunity na tumagal
nang mahigit sa isang oras.


Kabilang sa mga humanay upang makalapit sa SUPERSTAR
ay ang isang 102 taong gulang na Noranian na ikinaantig ng lahat.



Nagdala din ang mga fans ng mga piling SUPERSTAR
Memorabilia at binigyan ng papremyo ang ilan sa mga may
bitbit nito.


Nakatakdang gumawa ng isang mini-series si Ms. Nora Aunor
sa TV5.

1 comment:

Phiilippines said...

Nagbalik na nga ang Superstar pero I think it's too late the hero na for her. Halos di na nga makapagsalita eh sa interbyu nya. - Ana