Thursday, November 24, 2011

John Lapuz at Bekimon bilang mga "BEKISPIRITISTA" sa Regal Shocker


Katatawanan at katatakutan ang hatid sa inyo ng Regal Shocker ngayong Sabado. Mapapanood ninyo si John “Sweet” Lapuz bilang Gigi, isang wanna-be paranormal expert na wala namang angking galing. Dahil sa kagustuhan niyang mapalapit muli sa kanyang long-time crush na si Carlo (James Blanco), magpapanggap siya bilang isang espiritista sa tulong ng kanyang beki best friend na si Betsy (Bekimon). Pupunta ang dalawa sa bahay ni Carlo upang tulungan ang pamilya nito na mapaalis ang masasamang espiritong gumugulo sa kanila.


Kayanin kaya ng pekeng powers nina Gigi at Betsy ang malignong umaaligid sa bahay nina Carlo? Mailigtas pa kaya ni Gigi ang anak ni Carlo o tuluyan kayang ma-shokot ang dalawa at mabuking ang kanilang pagpapanggap?

Huwag palalampasin ang nakakatuwang pagganap ni Sweet sa episode na ito na pinamagatang “Espiritista” sa Sabado, Nobyembre 26m, pagkatapos ng Jose and Wally Show Starring Vic Sotto sa TV5.

No comments: