Wednesday, April 18, 2012

Pinoy Explorer na si Aga nagtungo sa Batanes!


Walang pagsubok na inaatrasan si Aga Muhlach. Lumangoy na ang tanyag na actor kasama ng mga butanding sa Sorsogon at nilabanan niya rin ang matinding lamig ng Alaska. Pagdating sa paghahatid ng mga mga kapanapanabik na mga adventure, si Aga ang maaasahan ninyong kasama.

Ngayong Linggo sa Pinoy Explorer, panibagong adventure ang gagawin ni Aga sa pagpunta niya sa Batanes. Dito ay papasukin niya ang Torongan Cave sa Itbayat Island--ang pinakahuling isla sa hilaga ng Pilipinas na may naninirahang mga tao.

Mula sa Itbayat Island, tutungo si Aga sa isla ng Sabtang. Dito makikilala ni Aga si Noli Gabilo, isang dating mangingisda na ngayon ay isa ng tanyag na photographer. Expert si Noli sa pagkuha ng travel photos at ang mga kuha niya ng Batanes ang madalas na nakikita natin sa mga websites at magazines. Dadalhin ni Noli si Aga sa bayan ng Savidug kung saan marami pang nakatayong stonehouses--ang tipikal na tirahan ng mga Ivatan.

Bago matapos ang kanyang adventure sa Batanes, isang pagtatanghal ng sayaw na palo-palo ang gagawin ng mga kabataang Ivatan at hindi pahuhuli si Aga sa mga ito!

Siksik na kasayahan at impormasyon ang hatid sa inyo ng Pinoy Explorer. Abangan ang kakaibang paglalakbay ni Aga sa Batanes Islands ngayong Linggo, Abril 22, 6:30PM sa TV5.

No comments: