Ang
pinakamalaki at pinaka-intensive na artista search sa bansa ay magsisimula na
sa pagbubukas ng Artista Academy ng TV5 ngayong July 30. Ang Artista Academy
ang nag-iisang reality-based talent competition sa Pilipinas na nagbibigay ng
totoong artista training mula sa isang lehitimong school of television arts.
Labing-anim na finalists na may edad 16 hanggang 22 ang magpapaligsahan para sa
P20 Million na total prizes at para sa karangalang maitanghal bilang Best Actor
at Best Actress ng Artista Academy.
Mabibigyan ng
full scholarship sa AATA ang 16 Artista Academy finalists at sasailalim sila sa
komprohensibong training mula sa pinakamagagaling sa industriya, kabilang ang
multi-awarded director na si Joel Lamangan, ang music master na si Louie
Ocampo, ang dance guru na si Georcelle Dapat of G Force, at ilan pa sa mga
tinitingala at ginagalang na TV professionals at celebrities sa bansa.
Ang acclaimed
film and TV director na si Mac Alejandre na siya ring head ng TV5 Talent Center
ang director ng Artista Academy. Makakatrabaho niya ang kilalang Entertainment
executive at Head ng AATA na si Wilma Galvante
Bukod sa P20
Million total prizes na mapapanalunan ng Artista Academy Best Actor at Best
Actress, bibigyan din sila ng TV5 ng lead roles sa isang teleserye. Hindi lamang
sila makakakuha ng tamang acting training mula sa AATA para maging
karapat-dapat na future stars ng industriya, sila rin ang ituturing na
pinakamayaman sa lahat ng mga naging winner sa kasaysayan ng mga talent search
sa bansa.
Ang Artista
Academy hosts na sina Cesar Montano at Marvin Agustin ay makakasama ng 16
finalists sa kanilang pag-abot sa kanilang pangarap. Bilang Live Exam
Presenter, mapapanood si Cesar tuwing Sabado ng gabi bilang host ng live
performance night ng programa. Si Marvin naman ang reality host na magbabahagi
ng totoong drama sa buhay ng bawat isang Artista Academy finalist gabi-gabi.
Mapapanood din bilang Live Exam critics tuwing Sabado ng gabi ang Grand Slam
Actress na si Lorna Tolentino at ang kilalang actress-host na si Gelli De
Belen.
Mapapanood ang Artista Academy simula ngayong July 30, 930PM sa TV5!
No comments:
Post a Comment