Pasukin ang isang
mahiwagang mundo at tuklasin ang kahulugan ng tunay na pag-ibig sa
kauna-unahang eco-fantasya ng TV5, ang Enchanted
Garden na magsisimula na sa Hulyo 30.
Mamangha sa hatid
nitong mystical drama na paniguradong tatatak sa puso at isipan ng mga
manonood. Tunghayan ang napakagandang istoryang iikot sa alitan sa pagitan ng
magkakapatid, ang pananaig ng pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak at ang
kahulugan ng walang hanggang pagmamahal. Sa pamamagitan ng Enchanted Garden, nais din ng TV5 na i-angat ang kaalaman ng mga
manonood tungkol sa wastong pag-aalaga sa mga likas na yaman. Layunin ng Enchanted Garden na maghatid hindi
lamang ng isang de-kalidad na eco-fantasya kundi pati na rin ang pagbukas sa
isipan ng mga manonood tungkol sa kahalagahan ng pag-alaga sa kalikasan.
Sa direksyon ng
mga award-winning directors na sina Joel Lamangan, Joyce Bernal at Eric Quizon,
ang Enchanted Garden ay binubuo din
ng mga naglalakihan at nagpipitagang Kapatid stars na sina Ruffa Gutierrez,
Alice Dixson, Rufa Mae Quinto, Alex Gonzaga, BB Gandanghari at Zoren Legaspi.
Kasama din sa eco-fantasya na ito ang mga leading men ng TV5 na sina Martin
Escudero, Edgar Allan Guzman at Daniel Matsunaga pati na rin sina Meg Imperial,
Marita Zobel, Gladys Reyes, Luz Valdez, Jim Pebangco at Tony Mabesa.
Magsisimula ang kwento ng Enchanted
Garden sa mahiwagang hardin ng Eden. Ang mundong ito ay karugtong
ng mundo ng mga tao pero ito ang tahanan ng mga “bantay” ng kalikasan.
Pinamumunuan ito ni Reyna Jasmina (Marita Zobel), kasama ang kanyang mga anak
na sina Alvera (Alice Dixson), Valerianna (Ruffa Gutierrez)
at Quassia (Rufa Mae Quinto). Ang mabuting pagsasamahan ng mga magkakapatid ay
susubukin ng pag-ibig nang malaman ni Valerianna ang pagmamahalan nina Menandro
(Zoren Legaspi) at Alvera.
Mapapanood ang Enchanted Garden simula July 30 (LUNES) 630PM bago ang Wiltime Bigtime sa TV5!
No comments:
Post a Comment