Showing posts with label Untold Stories. Show all posts
Showing posts with label Untold Stories. Show all posts

Thursday, September 13, 2012

Nora Aunor Weekend Special, handog ng TV5 bilang kick-off celebration sa ika-45 taon sa showbiz ng Superstar


Sa pagdiriwang ng ika-45 taon sa showbiz ng nag-iisang Superstar, handog ng TV5 ang natatanging mga pagganap ni Ms. Nora Aunor ngayong weekend sa Untold Stories at Third Eye. Siguradong hindi na naman malilimutan ang mga papel na gagampanan ni Ate Guy sa mga nasabing palabas.

Humarap ang multi-awarded actress sa entertainment press para mag-promote ng kanyang espesyal na pagganap saUntold Stories bilang si Sister Thelma Layog at sa Third Eye bilang si Ditas Gregorio. Ilang araw lamang ang nakalipas mula nang makabalik ito mula sa Italya kung saan pinakita at pinarangalan ang pelikulang Thy Womb na idinirehe ni Brillante Mendoza.

Sa Untold Stories, gaganap si Ate Guy sa papel ng isang madreng piniling lumisan sa kumbento upang makasama ang lalaking minamahal. Ang naturang kwento ay hango sa tunay na buhay ng madre at ng kanyang asawang si Danny na gagampanan ni Yul Servo. Muling magtatambal ang dalawa matapos magkatrabaho sa pelikulang Naglalayag. Bagama’t pinagbigkis ng pag-ibig, hindi pa rin ligtas sa mga puna at pagsubok ang pagsasama ng dalawa — lalo pa’t halos dalawang dekada ang agwat ng kanilang mga edad.

Kaabang-abang din ang naiibang papel ni Ate Guy sa supernatural mystery drama na Third Eye. Siya rito si Ditas Gregorio, isang janitress sa isang paaralan na napilitang ipamalas ang mga ritwal na matagal na niyang tinalikuran upang sagipin ang mga inosenteng mag-aaral na sinapian ng demonyo. Sa direksyon ni Jon Red (siya rin naging direktor ni Ate Guy sa mini-seryeng Sa Ngalan ng Ina), ang episode na ito ay itinuturing na reunion project ni Ate Guy at ng Grand Slam actress na si Lorna Tolentino. May 30 taon na ang nakakalipas nang magsama ang dalawa sa kanilang unang pelikula (Mga Uod at Rosas).  Kwento ni LT, “Sa taping, kapag eksena na niya [Ate Guy], pinapanood at napapamangha na lang ako sa kanya. I told myself, ‘I want to act with her in a full-length movie. Kahit saan niyo pa kami dalhin.’”

Tuwang-tuwa rin ang batang aktres at bida ng Third Eye na si Eula Caballero nang muling makasama si Ate Guy sa isang TV project. “Napayakap na lang ako kay Ina (tawag ni Eula kay Ate Guy) noong makita ko siya uli sa taping. I owe a lot to her because she was generous enough to teach me everything when we were taping for Sa Ngalan.”
Matagumpay na pagpapalabas ng Thy Womb sa 69th Venice International Festival kung saan nag-uwi ng Bisato d'Oro Award si Ate Guy. Iginawad ang parangal ng isang grupo ng independent film critics doon. Bitbit naman ni Direk Brillante ang La Navicella Venezia Cinema Award mula sa Rivista del Cinematografo. Habang nandoon si Ate Guy, ipinalabas din ang restored at high-definition version ng Himala sa naturang film festival. Magkakaroon din ng special screening ang Thy Womb sa Toronto International Film Festival (TIFF).

Kaliwa’t kanan ang ipinapamalas na pagkilala sa kontribusyon ni Ate Guy sa showbiz. Kasalukuyang itinatanghal ang Bonana nauna nang pinagbidahan ng Superstar sa pelikulang idinerehe ni Lino Brocka. Pag-amin ng Noranian na si Eugene Domingo na siyang gumaganap na makabagong Bona, gusto niyang ma-please si Ate Guy sa kanyang pagbibigay-buhay sa karakter na minsan nang pinasikat ng Superstar. “Ang gusto ko mangyari, maaliw si Ate Guy sa Bona naming ito.  Ilang taon, ilang dekada niya tayong inaliw sa mahusay niyang pagganap, panahon na na siya naman ang ating aliwin,” pahayag ni Uge.

Huwag palalampasin ang back-to-back drama special ng nag-iisang Superstar ngayong Sabado sa Untold Stories(pagkatapos ng Artista Academy) at sa Linggo sa Third Eye (pagkatapos ng Who Wants to Be a Millionaire) sa TV5.

Tuesday, August 21, 2012

Bugbog Sarado si Claudine ngayong Sabado sa UNTOLD STORIES


Papel ng isang battered wife ang gagampanan ni Ms. Claudine Barretto ngayong Sabado sa UNTOLD STORIES ng TV5.

Kasama si Mr. Jay Manalo mapapanood sa unang pagkakataon ang  'Optimum Star' sa Kapatid Network. 



Malakas din ang bulong-bulungan na ang paglabas raw na ito ni Claudine sa Kapatid Network ang hudyat ng kanyang paglipat ng estasyon.



Mapapanood ang UNTOLD STORIES kasama si Ms. Amy Perez sa Sabado, Aug 25, 930PM pagkatapos ng ARTISTA ACADEMY Live Exams.

Thursday, March 22, 2012

Kontrobersiyal na kuwento ng Face to Face, matutunghayan sa Untold Stories ngayong Sabado

Marami ang nagulantang sa napanood sa episode ng Face to Face nitong nakaraang Miyerkules (Marso 21) dahil napaka-kontrobersiyal at sensitibong sitwasyon ang natunghayan sa buhay ng isang self-confessed na GRO, si Salve. Mapapanood ang dramatization ng kuwentong ito ngayong Sabado (Marso 24) sa Untold Stories Mula sa Face to Face na mapapanood ng 10:30 ng umaga sa TV5.


Nagsimula ang episode ng Face to Face sa mga problemang sinusuong ni Salve sa pagpatol niya sa mga lalaking may asawa na. Aminado si Salve na marami siyang boyfriends at mayroon din siyang sugar daddy. Ipinakilala sa programa ang sugar daddy ni Salve na si Mang Crisanto, na umaming walong buwan na ang relasyon nila ni Salve at nag “something-something” na silang dalawa.


Sa pagtatanong ng host ng programa na si Amy Perez kay Mang Crisanto tungkol sa mga babae sa kaniyang buhay, sinabi nitong dalawa pa lang ang babaeng nakarelasyon niya, isa dito ay nagngangalang Mina na nabuntis niya sa probinsya pero kinailangan niyang iwanan dahil nalipat siya ng pinagtratrabahuhan.


Sumunod ay lumabas si Aling Mina na ina ni Salve, at dito na lumabas ang katotohanan na ang sugar daddy ng kaniyang anak ay ang tunay na ama nito. Mistulang gumuho ang mundo ni Mang Crisanto sa rebelasyong ito. Wala na siyang nagawa kundi humagulgol dahil sarili niya palang dugo at laman ang babaeng karelasyon niya. “Diring-diri ako sa sarili ko,” aniya.


Maging si Salve ay nanginig sa kaiiyak dahil buong akala niya ay matagal ng patay ang kaniyang ama at ni minsan ay hindi sumagi sa kaniyang isip na may iba pa silang ugnayan ni Mang Crisanto bukod sa pagiging sugar daddy nito sa kaniya.

Sa tulong ng resident Trio Tagapayo ng programa, napayuhan sina Salve, Aling Mina at Mang Crisanto at maayos silang naliwanagan sa maaring kahinatnan ng kanilang sitwasyon. Sa bandang huli, nagpasya si Mang Crisanto na lumayo muna pero nag-iwan siya ng mensahe sa kaniyang anak: “Salve, nandito ako nagmamahal sayo bilang AMA. Patawarin mo ako.”


Sa pagsasadula ng nakaaantig-pusong kuwentong ito sa Untold Stories Mula sa Face to Face ngayong Sabado, gagampanan ni Meg Imperial ang papel ni Salve, kasama sina Gardo Versoza bilang Mang Crisanto at Lotlot De Leon bilang Aling Mina.

Wednesday, January 12, 2011

Eula Valdez topbills Untold Stories on TV5


Following her performance as Doña Adela in the critically-acclaimed movie Rosario, Eula Valdez delivers another compelling performance, this time on TV5, in Untold Stories Mula sa Face to Face’s “Sa Dulo ng Kahapon” episode this Thursday, January 13.

Featuring a controversial Face to Face episode about a troubled woman whose
bitter past still haunts her quest for love and respect, this Thursday’s Untold Stories dramatization presents Eula in her impressive portrayal of Betbet, who found herself caught in a complicated love triangle when the man she loves got involved with her gay bestfriend.

After becoming a sex worker in Cyprus at an early age, Betbet returned to the country to start a new life. After three failed relationships, she wallowed in depression and gave away her own child one time she got too drunk. Just when she thought she had no hope of surviving her misery, she met 20-year old Darius (played by Neil Coleta a.k.a. “Nicos” from the hit iced tea TV commercial). Will their May-December romance finally put an end to her despair?

Also in the cast are Carlo Cannu, Allan Paule, Carlos Morales and Bella Flores. Catch this must-see Untold Stories episode helmed by Argel Joseph and written by Abet Raz this Thursday, January 13, after Willing Willie on TV5 ‘s Primetime Panalo.