Saturday, August 30, 2008

Ang Lalaking Tuod

Naalaala nyo pa ba si 'Dede'? Isang lalaking mula sa Indonesia na binansagang 'TREE MAN' dahil sa mala-tuod nitong anyo?

Mahigit kumulang sa anim na kilong kulugo ang bumalot sa kanyang katawan. Animo'y sumpa habang buhay. Dahilan upang mawalan nang trabaho, iwan ng asawa at kutyain ng mga tao.


Matapos sumailalim sa 9 na operasyon, 95 porsyento ng kulugo sa katawan ng 37 taong lalaki ito ay naalis na ng mga dalubhasa.

 


Dahil dito, tuluyan nang bumalik sa normal ang kanyang buhay at hindi na kailanman mangangambang maging tampulan ng pandidiri at katatawanan.

Larawan mula sa metro.co.uk

2 comments:

Jowell said...

Ahoy! You've got a nice site, dude.

Wow! Naawa naman ako sa kanya pero at lest medyo okay na siya...

Zang said...

kawawa naman. ano raw ang tawag sa sakit na ito?