Wednesday, September 28, 2011

Ang mga tauhan ng MiniSeryeng "Sa Ngalan ng Ina" ng TV5


Kilalanin ang mga taong babago sa gabi ninyo:

EDGAR ALLAN GUZMAN:

IAN DE LEON:

JOROSS GAMBOA

KAREL MARQUEZ

EULA CABALLERO

ALWYN UYTINGCO

NADINE SAMONTE

MS. ROSANNA ROCES

MS. EUGENE DOMINGO

MR. CHRISTOPHER DE LEON

AT ANG NAG-IISANG SUPERSTAR, MS. NORA AUNOR

Panoorin ang Full Trailer ng "Sa Ngalan ng Ina"

Mapapanood na ang kauna-unahang MiniSerye sa Telebisyon simula LUNES (OCTOBER 3) Pagkatapos ng Wiltime Bigtime sa TV5

Saturday, September 24, 2011

Sa Ngalan ng Ina mapapanood na!


Inihahandog ng TV5 ang kauna-unahan at bukod-tanging
Mini-Serye sa telebisyon.

Ito ang pagbabalik ng isa sa pinakatanyag na director na si Mario O' Hara, kasama ang multi-awarded director na si Jon Red.





Ang "Sa Ngalan ng Ina" tampok ang nagbabalik na si
"Ms. Nora Aunor" at Christopher De Leon.


Panoorin ang FULL TRAILER dito:



Magsisimula na ang "Sa Ngalan ng Ina" sa October 3, Pagkatapos ng Wiltime Bigtime" sa TV5.

Monday, September 19, 2011

Number 1 ang TV5 sa Sunday Primetime!


Namayagpag ang Kapatid Network sa primetime (6pm to 10pm) noong nakaraang Linggo (Setyembre 18) matapos itong magtala ng 8.5% AMR (28.8% audience share) -- mas mataas kumpara sa 8.3% AMR (28.1% audience share) ng ABS-CBN at 7.8% AMR (26.5% audience share) ng GMA, ayon sa datos ng Nielsen Media Research sa Mega Manila.

Bidang-bida tuwing Linggo ang mga makabuluhang programang nagpapahalaga sa mabuting asal, edukasyon at galing ng Pinoy—ang Pidol’s Wonderland ni Comedy King Dolphy tuwing 5:30pm, Pinoy Explorer ni Aga Muhlach sa ganap na 6:30pm, Who Wants to Be a Millionaire ni Bossing Vic Sotto pagsapit ng 7:30pm at Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo tuwing 8:30pm.

Sa pagbubukas ng pinakamalaking edutainment program sa Philippine TV, ang Pinoy Explorer ang nanguna sa paghahatid ng highly entertaining at informative content para sa mga viewers, kasama si Aga Muhlach sa paglalakbay sa world-renowned Wyoming Dinosaur Center sa Amerika. Ipinakita din sa programa ang mundo ng mga dinosaur sa pamamagitan ng 3D clips ng “Clash of the Titans” series at ng “Walking with Dinosaurs” ng BBC.

Samantala, angWho Wants toBe aMillionaire? naman ang pinaka-tinutukang programa sa buong araw ng Linggo (2am to 2am) na may 11.1% AMR (33.6% audience share). Umukit ng kasaysayan ang episode ng pinakasikat na game show ng mundo matapos manalo ng P2 milyon ang 28-anyos na si Karl Jonathan Aguilar, ang kauna-unahang non-celebrity sa Pilipinas na nanalo ng jackpot. Dahil sa madalas na panunuksong hatid ng kanyang kapansanan na cleft palet o bingot, ibuinuhos na lang ni Karl ang oras sa pag-aaral at pagbabasa ng aklat habang lumalaki. Nagbunga naman ang pagpupursige ng binatang publishing specialist makaraan siyang sumalang at maglaro ng walang kahirap-hirap sa programa.

Ang telecast naman ng TV5 sa bakbakang Mayweather vs. Ortiz ang pinaka-pinanood na programa noong Linggo ng umaga. Ayon sa NUTAM data ng Nielsen, ang labang Floyd Mayweather vs Victor Ortiz ay nagtala ng 10.5% AMR na naka-knockout sa 5% AMR ng ASAP Rocks ng ABS-CBN at sa 4.6% AMR ng Party Pilipinas ng GMA.

Wednesday, September 14, 2011

TV5 partners with Regal Multimedia Inc.

TV5 and Regal Multimedia Inc. (RMMI) recently inked a deal signifying their partnership for a number of TV and movie projects, including a new version of Regal's hit TV show "Regal Shocker" which will be line produced by RMMI for TV5. For movies, RMMI and TV5's movie arm Studio 5 are partnering to co-produce six movies, starting with the Metro Manila Film Festival (MMFF) entry "Hototay". Apart from this, there is an output deal with RMMI for the airing of their movies on TV5. The Kapatid Network has also licensed from RMMI the story rights for some of Regal's hit movies that will be turned into TV series.

Present at the contract signing were (L-R) TV5 President Atty. Ray C. Espinosa, Regal Multimedia Inc. Vice President Roselle Monteverde, and TV5 Head of Creatives and Entertainment Production Perci M. Intalan.

Saturday, September 10, 2011

Unang Sulyap kay Felina, Prinsesa ng mga Pusa

Narito ang unang sulyap kay Arci Munoz bilang Felina, Prinsesa ng mga Pusa.



Bida si Arci sa kakaibang DramaSeryeng ito ng TV5 na mapapanood sa hapon.
Makakasama din niya sa Felina sina Leandro Munoz at Ahron Villena.

Mapapanood na ang Felina, Prinsesa ng mga Pusa sa Oktubre.

Thursday, September 8, 2011

Happy Birthday, Mama Mary!

Maligayang Kaarawan sa Pinakamagandang Babae sa buong Mundo!


Happy Birthday, Mama Mary!

(Maria, Ina ng Banal na Puso Ni Hesus, Joey Velasco)

Tuesday, September 6, 2011

Narito na ang 'Ang Utol Kong Hoodlum' Themesong

Narito na ang "Ang Utol Kong Hoodlum" Themesong na pinamagatang "PANGAKO"


Inawit ng TV5 homegrown talent - Morissette Amon at Sony Music Artist - Mark Alain



Ang awit na "PANGAKO" ay originally performed by the band "Cueshe".

Mapapanood na ang "ANG UTOL KONG HOODLUM" simula sa LUNES, pagkatapos ng 'Bangis' sa TV5.

Monday, September 5, 2011

Nangangalmot daw si Arci Munoz?


May bali-balitang nangangalmot daw si Arci Munoz?


Nag-eensayo na ata ang dalaga para sa kanyang role sa bagong DramaSerye ng TV5.
Ayon sa mga ulat, si Arci ang gaganap bilang FELINA, Ang Prinsesa ng mga Pusa na mapapanood sa Kapatid Network soon.


Ito ang kauna-unahang serye ng TV5 na mapapanood sa hapon.

Ano kaya ang magiging hitsura ni Arci kapag siya ay naging pusa?

Ang Utol Kong Hoodlum Fever!


Sa wakas ay mapapanood na ang kauna-unahang AKSYON-SERYE ng TV5, Ang Utol Kong Hoodlum sa September 12 (after Bangis).


Makaraang bumalik ng panandalian mula sa Australia, naging siksik ang schedule ng TV5 Princess na si Jasmine Curtis-Smith at syempre ng bagong Bad Boy ng Philippine TV na si JC De Vera.


Naging kaliwa't kanan ang promotion ng dalawa sa kanilang bagong show sa Kapatid Network.

PALENGKE TOUR


Sabado ng umaga, tumulak ang ilan sa cast sa Quezon City para libutin ang ilan sa mga matataong palengke doon at personal na imbitahan ang mga kapatid nating manood ng g AUKH.


Unang pinuntahan ang MURPHY MARKET, sumunod ang MEGA Q-Mart at ang KAMUNING PUBLIC Market. Nilibot ng mga stars ang mga lugar na ito para mamahagi din ng TV5 premium items.


Sabado din ng gabi naman inilunsad ang tamblang JC - JASMINE sa mga miyembro ng PRESS.


Kabilang na rin ang buong cast sa isang enggrandeng Press Launch na ginawa naman sa Mandaluyong City.


MOTORCADE & MALL SHOW


LiwasangBonifacio naman ang assembly area sa Day 2 ng Promo Weekend ng AUKH. Nagtipon ang lahat ng cast maging ang mga KAWASAKI Riders sa plaza para sa isang motorcade na umikot sa ilang bahagi ng Maynila. Game na game na sumakay si Jasmine sa motorsiklo na nakalagay sa kanilang float.


Pagkatapos ay nagtungo naman ang buong team sa SM Taytay para sa isang Mall Show na inihanda para sa mga TV5 stars at mga Kapatid na taga-Rizal.

Simula LUNES (Sept 12) ay pasasabugin na ang pinaka-eksplosibong AKSYONSerye sa Telebisyon, Ang Utol Kong Hoodlum sa TV5 (After BANGIS)

Monday, August 22, 2011

News5 Umaksyon kontra Dengue



Bunsod na naka-aalarmang pagtaas ng bilang ng mga Dengue cases sa bansa, magsasagawa ang News5 Public Service Unit, sa pakikipagtulungan sa Philippine National Red Cross ng isang "BLOODLETTING ACTIVITY" bukas, ika 23 ng Agosto mula 10AM hanggang 6PM sa TV5 headquarters sa Brgy. San Bartolome, Quirino Highway, Novaliches, Quezon City. Ito ay bukas para sa lahat.


Ang mga nagnanais na maging donors ay dapat may sapat na oras ng tulog o pahinga, Walang alcohol intake for at least 24 hours at food intake should be light and less-fat.

Kakaibang sweetness ni Nadine at Leandro

Kakaiba ang ipinamalas na 'sweetness' ng tambalang Nadine Samonte at Leandro Munoz kamakailan sa SUGOD MGA KAPATID Mall Show ng TV5 sa SM Calamba.


Kitang-kita ang tila yata tinotoong-tambalan ng ng dalawa makaraang tawagin ang dalawa sa entablado upang ipromote ang kanila Dramaseryeng "THE SISTERS". Habang umaawit si Nadine ay biglang lumabas si Leandro mula sa backstage at sumabay sa pag-awit ng Kapatid star.


Matapos nito agad namang naghiyawan ang mga fansng "KISS" na agad namang sinunod ni Leandro. Hindi mapigil ang kilig sa parking lot ng SM Mall na dinaluhan ng daan-daang Kapatid.


Kasama sa naturang mall show ang cast ng ibapangTV5 shows tulad ng Bangis, Hey It's Saberdey, Sugo Mga Kapatid at ang ipapalabas pa lang na "Ang Utol Kong Hoodlum"

Dadayo sa susunod na linggo ang TV5 Mall show sa SM Valenzuela tampok pa rin ang mga Kapatid Celebrities.

Mapapanood ang The Sisters gabi-gabi pagkatapos ng WilTime Bigtime.

Wednesday, August 17, 2011

Maraming Salamat, Mga Noranians! Maraming Salamat Kapatid!

Abot-abot ang pasasalamat ng Kapatid Network sa mga Noranians para sa matagumpay na unang Fans' Day ng nag-iisang Superstar, Ms. Nora Aunor!


Simula pa lang ito ng mga sorpresang handog ni Ate Guy sa kanyang pagbabalik.
Napabalitang sisimulan na ni Direk Mario O'Hara ang taping ng mini-serye ng Superstar sa isang linggo na pinamagatang - "Sa ngalan ng Ina".

Glamorosang Dramaserye sa TV5

Malakas ang ugong ukol sa tema ng bagong drama-serye ni Ms. Lorna Tolentino at Alice Dixson sa TV5.


Sinasabing isang Glamorosang salpukan pagdating sa 'fashion' ang magiging unang proyekto ni LT sa TV5 makaraang lumipat ito mula sa Kapamilya network. Samantala, ito naman ang ikalawang dramaserye ni Alice matapos ang matagumpay niyang "BABAENG HAMPASLUPA" sa TV5 rin.

Inaasahang Oktubre mapapanood ang kaabang-abang na proyektong ito na pagsasamahan ng dalawang bigating aktres.

High tech comes alive at PLDT and Smart’s “Jump”

Telecoms leader Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT) and wholly-owned subsidiary Smart Communications, Inc. (Smart) opened today the country’s first “Jump” experience center at SM Megamall in Mandaluyong City, to showcase the PLDT Group's latest devices, services, and technologies.

“At Jump, you will find the newest, coolest gadgets and services that we have to offer to serve the digital and mobile lifestyles of our customers at home, work, and leisure," said PLDT President and CEO Napoleon L. Nazareno. “It showcases how PLDT and Smart are working together to offer customers the best possible service."

Immersive experience

A number of the items on display at Jump are the newest products for the 21st-century Filipino home, such as the new PLDT Telpad and the latest smartphones and tablets -- the Apple iPad 2, the BlackBerry PlayBook, the Samsung Galaxy Tab 10.1, and the HTC Sensation, to name a few.

Jump also features handsets and devices that have yet to come out in the market and that will work best when powered by Smart’s nationwide network. Among these are the HTC EVO 3D, Sony Ericsson Xperia Ray, Samsung Galaxy Tab 8.9 and the NFC-enabled Nokia C7.

Powering these devices are PLDT’s Fiber to the Home and Smart’s WiMAX and HSPA+ connectivity -- the fastest wired and wireless Internet connections available in the Philippines. Just like the gadgets, visitors are free to try out these services even with their own devices.

"If you’re on the lookout for the latest gadgets or ifyou simply want to test the latest services that have piqued your interest, Jump is the place to go to,” said Orlando B. Vea, Smart's chief wireless advisor. “We will constantly upgrade our equipment and our facilities so that we can treat our customers to the latest and the best, each and every time.”


Digital playground

Also located within the premises are three gigantic touchscreen displays. The first is the ‘Jump Screen’ where visitors can make their own dancing avatars. The second is used in the ‘Jump Springboard’ lecture room as an interactive way of learning for customers. The third and largest is called ‘Jump Panorama’ and is found at the heart of Jump.


At 82 inches, Jump Panorama is one of the largest multi-touchscreen displays in the Philippines. It is an interactive screen featuring various products and services of PLDT and Smart and how they play an integral part in the life and lifestyle of each member of the typical Filipino family.


Another innovation found in Jump are two units of multi-touch screens capable of accommodating 32 fingers -- equivalent to 4 people simultaneously using it. Using these, Jump visitors may play games with their friends and know more about PLDT and Smart activities in the interactive presentation of the ‘Jump World’.

My Experience

Sharing with you my JUMP Center Experience during the Launch:

Nasaan si Aga?

Ngayong Setyembre ihahatid sa inyo ng TV5 ang pinamakalawak at pinaka-exciting na paglalakbay ng nag-iisang "PINOY EXPLORER" na si Mr. Aga Muhlach!

Sama-sama nating hulaan kung saan pumunta si Aga at manalo ng mga exciting papremyo!
Panoorin ang video para malaman kung paano makasali at para mapanood ang pagbati ng mga Kapatid stars sa despedida party ng "PINOY EXPLORER."


Ang PINOY EXPLORER ay directed by Mr. Rowell Santiago. Tumulak si Aga paalis ng bansa nitong lunes, August 15 kasama ang buong "PINOY EXPLORER" team.

Sunday, August 7, 2011

'Araw ng mga Noranians'

Nagmistulang "PAMBANSANG ARAW NG MGA NORANIANS"
ang ika-7 ng Agosto, makaraang isagawa ng TV5 ang
kauna-unahang Fans' Day para sa nag-iisang SUPERSTAR.

Mahigit 600 na mga taga-hanga ang napa-unlakan upang
makasama si Ms. Nora Aunor sa natatanging okasyong ito
na ginanap sa TV5 Broadway Studios.



Present ang mga anak ng Superstar na sina Matet at mga anak,
si Kiko at si Mr. Ian De Leon na nilapitan ng personal ang mga
masusugid na taga-hanga ng kanyang ina.




Nagkaroon di ng mga fun games para sa mga Noranians at ang
mga nagwagi ay nag-uwi ng mga limited edition
SUPERSTAR gift items.


Samantala, 100 mapapalad na bahagi ng audience naman ang
pinahintulutang makadaupang-palad si Nora. Naging
emosyonal din ang ginawang photo opportunity na tumagal
nang mahigit sa isang oras.


Kabilang sa mga humanay upang makalapit sa SUPERSTAR
ay ang isang 102 taong gulang na Noranian na ikinaantig ng lahat.



Nagdala din ang mga fans ng mga piling SUPERSTAR
Memorabilia at binigyan ng papremyo ang ilan sa mga may
bitbit nito.


Nakatakdang gumawa ng isang mini-series si Ms. Nora Aunor
sa TV5.

Tuesday, August 2, 2011

Ang Metro Manila Traffic Navigator

Paano gamitin ang Metro Manila Traffic Navigator?

Panoorin ang video:


Ito ay hatid sa inyo ng Metro Manila Development Authority at
ng News5

Higit sa Balita, Aksyon!

Ang pagbabalik ng Superstar Nora Aunor

Naging emosyonal ang pagbabalik sa bansa ang
Superstar Nora Aunornitong Martes, Agosto 2 mula
sa kanyang 8 taong pamamalagi sa ibayong dagat.

Mula sa pagsalubong ng mga die-hard 'Noranians'
sa airport kaninang madaling-araw, derecho si
Ate Guy sa Mandaluyong City para sa isang
press conference na inihanda ng TV5 para sa kanya.


Napaluhang hinagkan ni Ate Guy isa-isa ang mga miyembro
ng press na sumalubong sa kanya.
Kasama niyang nagtungo sa pagtitipon sina Kuya Germs
(na tumatayongkanyang 'manager') at ang kanyang
matalik na kaibigan na si Suzette Ranillo na
sumundo sa kanya mula pa sa Estados Unidos.


Matapang na sinagot ng Superstar ang mga tanong ng mga
halos kasabayan niya saindustriyang mga manunulat at masaya
ding tinanggap ang mga mensahe at papuring mga ito.

Nagpasalamat din siya sa TV5 sa pagbibigay ng pagkakataong
muling magbalik telebisyon. 3 buwan mamamalagi sa
Pilipinas ang aktres at nakatakdang gumawa ng isang
"MINI-SERYE" para sa Happy Network at isang pelikula naman
kasama si Gov. ER Ejercito.


Matapos ang mahigit isang oras na tanungan ay pinaunlakan
namanniya ang one-on-one interview kasama ang mga
piling reporters.


Paulit-ulit ding ipinaalaala ng batikang aktres na ang
mga nagnanaisna makapanayam siya ay kinakailangan
munang humingi ngpahintulot mula sa TV5, kung saan
siyaay isang EXCLUSIVE TALENT.

Napanood ang kabuuan ng Press Con sa isang
LIVE STREAM website nahttp://superstarnora.tv5.com.ph/


Samantala, gaganapin ang una sa mga serye ng Fans' Day ni
Nora Aunor saLinggo, August 7, 1PM sa Broadway Centrum.