Wednesday, May 16, 2012

Extreme Makeover Home Edition Philippines bus nagbibigay ng libreng sakay tuwing Biyernes


Tuloy-tuloy ang pagbibigay ng tulong ng Extreme Makeover Home Edition Philippines para sa mga Kapatid natin na nangangailangan. At ngayon, isang libreng sakay ang hatid ng nasabing show para sa mga commuters. Nagsimula na ito noong Mayo 4 at magpapatuloy ito hanggang Hunyo 7. Abangan ang Extreme Makeover Home Edition Philippines bus na biyaheng Navotas - Pacita Complex, Navotas - Alabang, at Navotas – Baclaran tuwing Biyernes mula 7-10 AM at 5-8 PM.


Ang Extreme Makeover Home Edition Philippines ay mapapanood tuwing Linggo 8:30 ng gabi. Ang primer nito na The Road to Makeover ay mapapanood naman tuwing 11:30 ng umaga sa TV5.

No comments: