Thursday, May 17, 2012

Talentadong Pinoy Kids Edition ngayong May 19 na



Kakatapos pa lamang ng kapanapanabik na Talentadong PInoy Battle of the Champions noong Mayo 5 at ngayon isang spin-off naman ang ihahatid ng sikat na talent show ng TV5. Ang Talentadong Pinoy Kids Edition ay ngayong Lingo na. Marami na ring mga batang contestants ang sumali at nagpakitang gilas sa Talentadong Pinoy kaya’t minabuti na ng programa na gumawa ng Kids Edition.Ang mga Kid Talentados na gusto sumali ay dapat nasa 10-taong gulang pababa. Maaring solo or kabilang sa isang grupo.

Siguradong magiging mahigpit ang labanan ng mga cute na cute na Kid Talentados. Huwag kaligtaang panoorin ang Talentadong Pinoy Kid Editionngayong Linggo, 7:30 PM sa TV5.

No comments: