Monday, May 14, 2012

Mga Bigating Korean Drama nasa TV5 na!



Tatlo sa mga bigating drama sa Korea ang tiyak na magpapasiklab ng damdamin ng mga manonood sa tatlong istorya  ng pamilya, pagkakaibigan, pag-ibig at panlilinlang. Ang White Lies ay istorya in isang dalagang ina na iniwan ng kanyang nobyo habang siya ay nagbubuntis. Isang desisyon ang magbabago ng kanyang buhay. 



Sa sensitibong paksa ng surrogacy na man iikot ang Love You A Thousand TimesMatagal nang inaasam nina Harold at Sandra na magka anak. Sa kanyang kawalan ng pag-asa, lalapit siya kay Eunice para magdala ng kanilang sanggol bilang surrogate mother. Sa Pink Lipstick,tampok ang makapigil hinihang paghihiganti ni Andrea sa kanyang dating asawa at sa kalaguyo nito na matalik niyang kaibigan. 

Panoorin ang mga bigating Koreanovela na magpapainit sa inyong mga hapon. Sisimulan ng White Lies sa 2:45pm, susundan ng Love You A Thousand Times sa 3:15pm at Pink Lipstick sa 3:45pm sa TV5.

No comments: