Monday, May 14, 2012

Wil Time Bigtime sa America!


Pupunta si Willie Revillame sa Amerika para sa inaabangang US launch ng TV5 International, ang global channel ng fastest growing network sa Pilipinas.


Matagal-tagal na rin ng huling nakapunta si Willie sa Amerika at maituturing na isang “homecoming’ na ito para sa sikat na host. Sabik na sabik nang makita ng mga Pilipinong naninirahan sa Amerika ang paborito nilang host at tiyak na miss na miss na nila ang masaya at nakaka-antig damdamin nitong programa. Kasama ni Kuya Wil sa Amerika ang mga co-host na sina Mariel Rodriguez at Camille Villar. Nandun din ang buong Wil Time Bigtime gang na ngayon pa lang ay puspusan na ang paghahanda para makapaghatid ng isang bonggang concert event para sa mga kababayan natin sa Amerika.

Tulad ng show ni Willie ditto sa Pilipinas, limpak-limpak na premyo ang nakahanda para sa US concert nito. Ang mga dadalo sa nasabing event ay magkakaroon ng pagkakataon na makasali sa mga larong inihanda nina Willie. Maari silang manalo ng malalaking premyo tulad ng house and lot na puwede nilang ibigay sa isang beneficiary nila dito sa Pilipinas.

Ang “The Big launch” ng TV5 ay mag-sisimula na sa Mayo 26 sa Shrine Auditorium sa Los Angeles, California at sa Hunyo 2 sa Bill Graham Civic Auditorium sa San Francisco, California.

No comments: