Abangan ang naglalakihang Kapatid stars na magsasama-sama bilang voice actors sa pinakahihintay na first computer-generated Television movie, Ben 10 - Destroy All Aliens na ipapalabas na sa TV5 ngayong Mayo 5, 9:00 ng umaga.

Base mula sa original animated series na Ben 10, dadalahin ng TV movie na ito ang mga bata sa mga pagsubok na kinaharap ni Ben sa bahay at maging sa eskwela. Sundan kung paano ito matatakasan ni Ben at kung ano ang mangyayari sa pagsali niya sa isang intergalactic weekend camp, ang Total Alien Immersion training program.
Wag kalimutang panoorin ang one-of-a-kind quest na ito ni Ben kasama ang mga intergalactic aliens. Ang Ben 10: Destroy All Aliens ay mapapanood na ngayong Mayo 5, 9:00 ng umaga sa TV5.
No comments:
Post a Comment