Friday, January 28, 2011

Anna "The Hurricane" Julaton

Kamakailan lang ay nagbalik sa bansa ang atletang
si Anna "The Hurricane" Julaton hindi para mag-ensayo
kundi para ipromote ang kanyang nalalapit na laban.

Sa isang presscon kasama ang mga sports writers na
ginanap sa Quezon City, ibinalita ng 30 taong gulang na
boksingera na mapapanood ang kanyang laban sa
Kapatid Network, TV5 at sa bagong UHF Channel ng
TV5 na Channel 41 - AksyonTV.

Magiliw na sinagot ni Anna ang mga katanungan at sinabing
patuloy ang kanyang paghahanda laban kay Francesca Alcanter, Isang beteranang boksingera.

Mapapanood ang 'The Return of the Hurricane' sa Feb. 25, 2010.

No comments: