Monday, June 30, 2008

The Pope Wears Prada?


Matapos ang mahigit sa 2 taon
winakasan na ng 'The Osservatore Romano' (Official Vatican Paper)
ang bulong-bulungang 'Prada' ang tatak ng pulang sapatos
ng Santo Papa.

"The Pope does not wear Prada, but Christ. His worries are not about accessories, but the essential." - Ayon pa sa pahayagan.

Matatandaang tinawag pa ng Esquire Magazine na
"accessoriser of the year" si Pope Benedict noong nakaraang taon.

Romy Mac for Power Joints

Pati pala ang Election Lawyer slash PGMA's Lawyer
Romulo Macalintal ay endorser ng dietary supplement
na POWER JOINTS.
Hmmm...Amoy 2010.
Spotted along EDSA-Munoz.

Sunday, June 29, 2008

Panalo na naman si Pacman

Wagi ang Pambansang Kamao - Manny Pacquiao laban kay David Diaz (not in photo...haha!)

'Yun lang.

Lolo and Lola CAN Rock!

Kalabaw lang ang tumatanda!
Tila yan ang nais patunayan ng Grupong - Young@Heart (Young at Heart)
Isang Koro na binubuo ng mga Lolo at Lola na!
Pero di basta-basta lang ang kinakanta ng Young@Heart
Kabilang sa kanilang mga 'covers' (sariling bersyon ng kanta)
ay ang 'FIX YOU' by Coldplay, Staying Alive, I Will Survive
at maraming pang iba

Panuorin ang mga videos nila dito at dito!

Diana Zubiri for FHM July 2008

Katawan ni Diana Zubiri ang nakalathala sa mga covers
ng FHM July 2008 Edition.
Walang ibang suot si Dianna kungdi ang kanyang phinoto-shop
na mukha, dibdib, braso at puwitan.
Una nang lumikha ng kontrobersiya si Diana Zubiri ng
lumabas ito sa isang pictorial sa kahabaan ng isang fly-over.

FHM Cover mula sa Starmometer. Flyover pic mula sa Pep.ph

Saturday, June 28, 2008

Si Chase, ang Pusang Walang Mukha

Pinakikilala si Chase, isang pusang walang mukha.
sinubukang ayusin ng mga plastic surgeons ang mukha ng kawawang pusa
na 'nabura' ng ito'y masagasaan ng isang rumaragsang kotse.

May sariling blog si Chase.
Kung gusto nyong subaybayan ang kanyang mga adventures
dumalaw lang sa
chasenoface.blogspot.com/

Hango mula sa metro.co.uk

Friday, June 27, 2008

Iisa Pa Lamang

This series will replace Lobo.
Nagka-goosebumps lang ako nung pinanood ko.

Starring
Claudine Barretto, Diether Ocampo and Gabby Concepcion


Mini-Me Scandal

Small but Terrible!
May kumakalat ng Sex Video ang pamosong tauhan sa
pelikulang Austin Powers si "Mini-Me"
Verne Troyer sa tunay na buhay, Si Mini Me at ang 'umanoy' kasintahan
ang tampok sa naturang video.

SMART Celebrates UP's Centennary


Taga-UP ka ba?
You have 100 days to showcase and share your stories
by joining the UP Centennial SMART MMS Photo Competition!
SMART partners with the UP Diliman College of Mass Communications to launch the UPiktyuran Na! with SMART: UP Centennial SMART MMS Photo Competition.
Tell your UP story by sending in photos that contain elements symbolic of or clearly attributed or connected to the University of the Philippines.
Join the UPiktyuran Na! with SMART, UP Centennial SMART MMS Photo Competition now. Log on to www.smart.com.ph/UPiktyuran for more info.
The competition runs from June 22 to September 29, 2008.
The Top Ten outstanding photos win a SMART Bro Prepaid Plug-it each and Asus eeePC laptop!

Monday, June 23, 2008

'Sando Bag'

Sa hirap ng buhay, nagiging malikhain ang pinoy!
Literal na ginawang 'Sando/Bathing Suit' ng batang ito
ang isang brocery bag.



Kesa naman sa itapon? Nice Kid!

Starbucks Unveils New Logo


Back to the future ang 'bagong-lumang' logo ng Starbucks.
Binalik ng sikat na kapihan ng bayan ang kanilang unang tatak.

Makikita sa naturang disensyo ang isang Twin-Tailed Mermaid na
sumikat noong taong 1950's

MISSING


Habang pauwi ako nitong nakaraang Biyernes,
Nakita ko ang poster ng isang Missing Dog.
"The dog is sick and is taking medications, if found pls. Contact Jessica..."
Ang aso nga kapag nawawala ay hinahanap ng amo, pa'no pa kaya pag tao?
Sana ay may matagpuan pang mga survivors sa lumubog na
M/V PRINCESS OF THE STARS.

Sunday, June 22, 2008

Ang Elevator

Siguraduhing kayo lang ang nakasakay sa elevator.
Pumasok sa building...

Nag-antay ng pagdating ng elevator

Sumakay ng elevator at nagkuwentuhan...

Paglabas ng Elevator...

May kasunod pala...

Panuorin ang buong video dito...

Butete - Low, Low, Low - Visayan Version

Patok na patok sa Youtube ngayon ang intermission
number ng isang Visayan DJ sa isang Bikini Open.
Tampok si 'DJ OH YEAH' at ang kanyang unique version
ng hit ni Flo-Rida na 'LOW'

Pengeng Pera!

Tama ka! PERA yang nasa lamesa.
Iyan daw ang 5 Milyong ransom ni Ces Drilon (at kasama)
na di umano'y pinaghati-hatian ng kanyang mga kidnappers
at supposed to be negotiators.
Kahit isang bungkos lang...penge!

Swerte daw ang 7

Pagbukas ko ng blog ko kanina ito ang nakita ko...


Swerte daw ang 7.

- The code for international direct dial phone calls to Russia and Kazakhstan.
- seven hills of Rome
- the number of stars in constellation of Ursa major
- atomic number of nitrogen
- number of spots on a ladybug
- In Genesis, God rested on the seventh day.
- The menorah has seven branches
- The Seven Virtues and the Seven Deadly Sins
- The number of times Kane will be avenged by God if he is murdered (Gen 4 : 15)
- In the Bible, the Israelites circled Jericho for 7 days and then the wall tumbled down.
- The number of palms in an Egyptian Sacred Cubit.
- In Buddhism, Buddha walked 7 steps at his birth.
- The number of main islands of mythological Atlantis.
- The United States Constitution, as drafted in Philadelphia in 1787, was composed of 7 Articles.
- The United States declared Independence in the 7th month of 1776.
- In a standard deck of playing cards the 7 of Diamonds is the only diamond card that can be viewed as upside down when reversed.
- The traditional number of Wonders of the Ancient World.
- The seven seas-
When rolling two standard six-sided dice, seven is the number most likely to occur. It is the sum of any two opposite sides on a standard six-sided die
- “The Seven”, also written: “The Se7en” is an exclusive grouping of dental surgeons.



Keep on visiting para ma-reach natin ang 8888. :)
Swerte daw ang 7 mula dito

Saturday, June 21, 2008

Lolo Brad Pitt

Ito ang latest look ng Hollywood Actor na si Brad Pitt.


Tampok ang 'Pinatandang Brad Pitt' sa pelikulang
"The Curious Case of Benjamin Button".


Kasama din sa pelikula ang sikat na aktres na si Cate Blanchett

Balita mula sa http://www.metro.co.uk/

Friday, June 20, 2008

Si Sarah Geronimo

Isa na si Sarah Geronimo sa pinakasikat, na bituin ng
kasalukuyang henerasyon.
Simula nang nanalo sya noon sa isang singing contest
nagbago na ang hitsura niya.

NOON

NGAYON


But wait, there's more!

Pero hindi sya si Sarah G. Siya si NEYSHIA GO na sumubok sa American Idol noon.

Larawan mula sa www.opmb.com

Wednesday, June 18, 2008

Coke celebrates SM 50 Years

Nakikibahagi din ang Coca Cola sa pagdiriwang ng
ika-50 Kaarawan ng SM MALLS ngayong taon.

Naglabas kamakailan ng mga commemorative 330 ml cans ng coke
ng mabibili lamang sa mga SM SUPERMALLS.

Thanks Din sa larawan.

Tuesday, June 17, 2008

Business Card

Sosyal! may calling card pa siya.
Sa lahat ng magpapatuli dyan!
Salamat Harold para sa larawan.

Uber Crazy Over Ube

Mahilig pala ako sa Ube, ngayon ko lang na-realize.
Ang Ube o Purple Yam pag sosyal ka ay maaari mong matikman sa iba't-ibang anyo.
Ang Sikat ng Eng Bee Tin Hopia - na mabibili na din sa mga Malls ngayon!


Ang equally delicious din na Gardenia Ube Bun!
Tinapay sa labas pero uuuuubbeee ang palaman!

At ang aking latest discovery! Ang BLUESKIES UBE-MACAPUNO FILLED CRACKERS.

Must try.


(Eng Bee Tin pic from: www.maniladailyphoto.com)

Monday, June 16, 2008

Gym

Kering-keri ang Gym na ito!
Salamat ulit kay Apple para sa pichur!

Cookies o Cokies?


Mali na ang spelling TINI WINI
Mali pa ang spelling ng COOKIES.

Superbikes

Pinaarteng spelling ng SUPER.
Salamat Apple sa Larawang ito!

Lumpiang Sariwa

Masarap daw ang Lumpiang Sariwa na ito mula sa Iloilo.
Di ko malalaman, kasi di ako kumakain ng gulay.
Bumili lang ako para matikman ng mga kaibigan at kamag-anak ko.

Burger to Sawa!

Mark your calendar! On June 23, Monday, all Brothers Burger outlets will offer the tasty BIG BROTHERS BURGER at 50% off (dine-in and take out only!)

Joey Mead for Rogue

Art or Offense?

Dating isang VJ si Joey Mead, nanamlay ang karera ngunit ngayon
nagbabalik sa cover ng isang magazine.


Sining Kalayaan ba ito o Sining Kahalayan?

Sunday, June 15, 2008

Gin sa Sachet

Dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin, dapat lahat ay itingi na lang.
Para sa mga lasenggero, kahit walang budget, pwede pa ding tumoma!


Saksakan lang ng straw, parang zest-o! solved!
Ano pa kaya ang susunod na i-titingi?!

Larawan mula sa ellarose.wordpress at bhibe.multiply.com

Ang Pinoy Dream Idol Academy

Isang Linggo na sa ere ang reality talent search ng ABS-CBN,
ang Pinoy Dream Academy Season 2
Si Maestro Ryan Cayabyab (incidentally a Judge from the 1st Phil. Idol)
ang bagong Headmaster. (Noong Season 1 ay si Jim Paredes.)
Ang Musician Extraordinaire, Monet Silvestre ay titira sa loob ng academy
kasama ang mga scholars
Kabilang din sa lupon ng mga Dream Mentors ang
Director Par Excellance, Direk Joey Reyes

At ang nakakaaliw at nakakabilib sa lahat - Si Teacher Kitchy Molina
Pinapalo-palo n'ya ang panga ng mga contestants para masanay sila
sa tamang gawi sa pagkanta.


Natryempuhan ko ang isa sa mga video ni concert ni Regine noon pa.

si Teacher Kitchy aynag-baback-up vocals.

Ano kaya ang masasabi ng mga Pinoy Idol Judges?

Jolina: OK ka sa akin!